CHAPTER 3

856 Words
DEIGHLAND’S POV I woke up early to cook Shant's favorite breakfast. After preparing everything, I went to her room. Pero siyempre, tulog pa siya. Hindi ko siya ginising agad, kaya’t iniwan ko na lang ang note sa table niya, katabi ng pagkain. I usually give her a handwritten letter. Dun ko dinadaan ang saloobin ko kapag hindi ko siya kayang pagsabihan ng harapan. At least sa sulat mapipili ko ang mga salita na hindi makakasakit ng damdamin niya. I don't know kung tama ba 'tong ginagawa. I think, I spoiled her too much. Pagdating ko sa office, ang dami agad na trabaho. After an hour, nag-decide akong tumawag sa bahay. Baka umalis na si Shant. "Hello, good morning!" bati ni Mama sa phone. "Good morning po, si Deighland po." "Oh, ikaw pala! Bakit anak?" "I just wanted to check if Shant already left." "Oo, kanina pa. Parang nagustuhan niya ang niluto mo. She was smiling earlier when she left." "Really? That's a relief. Thanks, Mom. Bye!" "Sige, anak. Take care!" Medyo gumaan ang loob ko. At least, nagustuhan ni Shant yung almusal. Pero as usual, Jake barged in. “Hey, coffee?” “Sure, why not.” Habang nasa coffee shop kami, tinanong niya kaagad ang tungkol kay Shant. "So, kamusta na si Shant?" "I don't know, she's... fine, I guess. Pero alam mo naman, suplada. And I know, partly my fault." "Ayan ka na naman! You're letting her get away with being spoiled! You need to stop coddling her or she'll never learn." "Jake, I can't always be hard on her. She'll figure things out eventually." "Sure. Let her turn into a brat, I don’t care." "Just let it go, okay? Maybe she'll grow up eventually." "Bahala ka na nga. I'm getting tired of this." Lumipas ang oras. It's already 5 o'clock. Time to pick her up. Bago ako makalabas ng office, biglang dumating si Beatriz. "Hi, Deighland! Let's grab meryenda together?" “Actually, I’m about to pick up Shant,” "Isama mo na ako! I haven't seen her in a while!" Bago pa ako makatanggi, sumingit si Jake. “Good idea! I’m sure Shant won’t mind! Isama mo na." Mali. Alam kong hindi okay kay Shant ’to. "Fine," bulong ko sa sarili. Wala na, nandito na si Beatriz. Sumama na rin. Nakaabang si Shant sa labasan ng school. Kinuha ko ang bag niya, sinubukang mag-start ng conversation. Pero malamig ang sagot niya, literal at figuratively. Hindi siya umupo sa harap gaya ng nakasanayan. Dahil nandoon si Beatriz, napilitan siyang sa likod. Kita ko agad ang pagkunot ng noo niya. "Shant, saan mo gustong kumain?" tanong ko, umaasang may maayos na sagot. "Up to you. Why don’t you ask your friend there?" sagot niya, matalim ang boses. Napasulyap ako kay Beatriz. Pilit siyang ngumiti. “Beatriz knows a good place,” sagot ko, trying to lighten the mood. Pumunta kami sa restaurant na suggested ni Beatriz. Tahimik si Shant buong biyahe. Yung tipong kahit aircon, parang may usok sa loob ng kotse. Magsabog ka lang ng salita, puputok ang tensyon. Sa restaurant, hindi na tumingin sa menu si Shant. “Shant, you should try the pasta here, it’s really good,” alok ni Beatriz. “I’ll just have a small sandwich. I lost my appetite,” hindi siya tumitingin. Panay lang siya kakapindot ng phone niya. Hindi siya kumakain agad. Panay hawak sa phone, panay tingin sa bintana. Nag-try ulit si Beatriz: “I’m really glad I got to meet your sister, Deighland. And congrats on your graduation soon, Shant!” Walang sagot si Shant. Deadma. "Yeah, Beatriz. And she’s moving to college next year," ako na lang sumalo ng usapan. Nag-smile si Beatriz. “I’m really happy for you, Shant… I should head out though, don’t want to keep you guys too long.” “Do you want us to drop you off?” tanong ko. “No, it’s okay. I’ll just grab a taxi.” Pagkaalis ni Beatriz, tuloy ang katahimikan. Nag-drive ako, pero nararamdaman ko na—di na ’to basta tampo. Kaya tinanong ko siya. “Shant, are you okay?” "Yes." Tanging sagot niya. “You sure? Kasi kanina lang okay ka, tapos ngayon?" Napakatahimik niya. Medyo nagtagal ang katahimikan bago ako nagsalita ulit. “May issue ka ba kay Beatriz?” "I told you, it was supposed to be just the two of us! You didn’t even tell me she was coming!" “We just ran into her, okay? She wanted to see you—” “I don’t like her,” putol niya. “Shant, be reasonable. She was just being friendly.” “You always say that. Lahat na lang friendly.” Napatigil ako. Hindi ko alam kung saan nanggagaling 'to. Pero isang bagay ang malinaw. Galit siya. At ayaw niya ng sinumang lumalapit sa akin. Lalo na si Beatriz. Nilingon ko siya. Nakatingin siya sa labas, pilit na hindi magpakita ng emosyon. Pero halata ang tensyon sa postura niya. Hindi lang tampo ’to. May pinanggagalingan. Hindi ko na siya kinulit. I let the silence take over. Kasi sa sobrang dami ng salita, minsan... doon mas nasasaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD