SHANT'S POV
Pagkatapos naming kumain sa labas ni Kuya, umuwi na kami agad. Mabuti na lang talaga at hindi na sumama si Beatriz. I swear, that girl is testing my patience. Hindi ko alam kung ako lang ba, pero there's something about her na hindi ko talaga ma-take. At mas lalong hindi ko matanggap na okay lang kay Kuya na laging nando’n siya.
Pagpasok namin sa bahay, agad kaming sinalubong ni Mommy.
"Oh, ayan na pala kayo. Magkasundo na ba kayong dalawa?" tanong niya habang abala sa kusina.
"Mommy, si Kuya kasi! Sabi niya kami lang, pero may iba pa palang kasama!" reklamo ko agad, kahit na alam kong may kalabuan na naman 'to.
"Shant, please. Tapos na 'yan, 'wag mo nang balikan," mariing sabi ni Kuya.
"Bakit ba? I’m just saying the truth! Ako 'tong na-left out kanina tapos ako pa 'tong mali?" balik ko, sabay tingin kay Mommy.
"Shant!" masungit na ang tono ni Kuya. "Hindi lahat ng bagay kailangang i-dramatize mo."
"Kuya, hindi mo lang talaga gets. Kung ako ‘yon may sinama, sigurado ako, you’d flip! Pero si Beatriz? Okay lang?"
"Enough!" singit ni Mommy, sabay lapit sa amin. "Ano ba kayo? Parang bata!"
Napa-irap ako pero hindi ko na sinagot si Kuya. Inamoy ko na lang yung pagkain ni Mommy, sinusubukang ibaling ang inis ko.
"Mommy, ang bango po niyan.?" pilit kong pinapakalma sarili ko.
"Oo, pero hindi ba't kumain na kayo?" tanong niya habang inilalagay sa mesa ang pagkain.
"Sandwich lang po," sagot ko.
Umupo ako at tahimik na kumain. Ilang minuto pa, umupo rin si Mommy sa tabi ko. Tahimik lang siya saglit bago nagsalita.
"Shant, anak... napapansin ko, ang bilis mong magdamdam. At minsan, parang iniisip mong kalaban mo ang lahat."
"Mommy, kasi parang lagi na lang ako ‘yung mali. Si Kuya, hindi niya alam kung gaano kasakit na parang mas pinipili niya si Beatriz kesa sa kapatid niya."
"Anak..." malumanay ang boses ni Mommy, pero firm. "Hindi naman sa pinipili niya si Beatriz. Baka naman kasi... you're too focused on competing for his attention na hindi mo na nakikita ang intensyon niya."
Napayuko ako. Hindi ko alam kung sasagot ba ako o hindi. Kasi deep inside, parang totoo pa rin yung nararamdaman ko. That no matter what I do, I’m always second place.
"Masarap ba ang pagkain?" tanong niya bigla.
Tumango ako, hindi pa rin tumitingin sa kanya.
"Good. Kasi mas mabuting ubusin mo ‘yan kesa ubusin mo ang pasensya ng Kuya mo," sabay tayo ni Mommy at iniwan akong tulala.
Pagkatapos kong kumain, dumiretso na ako sa kwarto. Pero kahit anong pilit ko, hindi ako mapakali. Bumabalik-balik sa isip ko yung mga sinabi ni Mommy… pati yung tono ni Kuya.
Maya-maya, napadpad ako sa pinto ng kwarto ni Kuya. Kumatok ako.
"Kuya?"
Tahimik.
Kumatok ulit ako. Mas malakas na. Still no answer.
Kaya naupo na lang ako sa harap ng pinto. Hindi ko alam kung gano katagal akong nandoon. Pero sa sobrang pagod, nakatulog na lang ako.
DEIGHLAND'S POV
Pagbukas ko ng pinto, may kung anong nakaharang—
"Shant?!"
Gulat na gulat ako nang makita siyang nakahandusay sa sahig.
"Kuya..." bulong niya habang dahan-dahang dumilat, halatang bagong gising. "Sorry."
"Anong ginagawa mo rito? Bakit ka natulog dito sa sahig?!"
"Kumatok ako... hindi mo binuksan," mahina niyang sagot.
"Shant, ang kulit mo. Hindi ko nga narinig eh! Gusto mong matulog sa labas para ka kaawaan?"
Tumingin siya sa akin, may luha na sa mata niya.
"Kuya... parang... parang hindi mo na ako pinapansin. Lagi mo na lang akong pinapagalitan. Pero ‘pag si Beatriz, ang bait mo."
Napabuntong-hininga ako.
"Shant, hindi dahil mabait ako sa ibang tao, ibig sabihin kinakampihan ko na sila. Gusto ko lang na maging maayos ang lahat. Hindi porket hindi kita kinampihan sa isang sitwasyon, eh hindi na kita mahal."
"But it doesn’t feel that way..." mahina niyang bulong.
"Alam kong mahirap para sayo. Pero Shant, hindi mundo mo lang ang umiikot. Hindi ka bata. Hindi puwedeng ikaw lang ang palaging bida."
Napayuko siya. Hindi siya nagsalita. Kaya lumuhod ako para tumapat sa kanya.
"Ikaw ang kapatid ko. Mahal kita. Pero please, don’t make me feel like I always have to choose between being your kuya and being fair."
Tumango siya, wala pa ring imik.
"Halika, pumasok ka na sa loob. Huwag ka na dito matulog sa sahig."
SHANT'S POV
Kinabukasan, parang mas mabigat pa sa unan ko ang iniisip ko. Hindi pa rin naaalis sa utak ko yung sinabi ni Kuya.
Pagbaba ko, nakita ko si Mommy sa dining.
"Good morning, anak. Kain ka."
Tahimik akong umupo.
"Masarap ang luto ko ngayon ha," sabay ngiti ni Mommy.
Tumango lang ako.
Umupo siya sa tabi ko.
"Shant, alam kong hindi madali para sayo ang nararamdaman mo. Pero kung gusto mong maramdaman na mahal ka, kailangan mo ring ipakita na handa kang makinig at magbago."
Nilingon ko si Kuya na nakaupo rin sa kabilang side, umiinom ng kape. Tumingin siya sa akin, pero hindi ko mabasa ang tingin niya. Hindi ko pa rin maalis yung pakiramdam na... si Beatriz pa rin ang mas naiintindihan niya.
"Mommy," mahina kong sabi, "mahal n’yo pa rin po ba ako kahit palagi akong pasaway?"
Natawa si Mommy. "Anak, ang pagmamahal hindi nababawasan dahil sa pagkamakulit. Pero may hangganan ang pag-unawa kapag hindi ka natututo."
Napayuko ulit ako.
"Kuya, hindi ka na galit?"
Tumingin siya sa akin, tapos ngumiti ng konti.
"Galit ako sa ugali mo. Pero hindi ako galit sa’yo."
At kahit papano, parang may kumalma sa loob ko. Kahit may duda pa rin akong mas mahal niya si Beatriz bilang kaibigan, kahit isang piraso lang ng assurance... sapat na muna ngayon.