DEIGHLAND’S POV
That morning, tahimik ang buong bahay, pero ramdam mo pa rin ang bigat sa paligid. Nakaupo ako sa usual spot ko sa dining table, kape sa kamay, pero hindi talaga ako makafocus. I could feel Shantal’s presence the moment she came down. Mabigat ang mga hakbang niya, parang may pasan sa balikat.
Si Mommy, gaya ng lagi, sinubukang gawing magaan ang atmosphere.
"Good morning, anak. Kain ka."
Tahimik lang siyang umupo.
"Masarap ang luto ko ngayon ha," sabay ngiti ni Mom.
Tumango lang si Shant.
Umupo si Mom sa tabi niya. "Shant, alam kong hindi madali para sa’yo ang nararamdaman mo. Pero kung gusto mong maramdaman na mahal ka, kailangan mo ring ipakita na handa kang makinig at magbago."
Nilingon niya ako. Nakatingin ako sa kanya habang umiinom ng kape, pero hindi ko alam kung nababasa niya ang tingin ko. At hindi ko rin sigurado kung may tiwala pa siya sa akin. Baka iniisip pa rin niyang mas mahalaga si Beatriz sa’kin. Baka iniisip niyang pinapanigan ko pa rin ‘yung taong ayaw naman niyang lapitan.
"Mommy," mahina niyang tanong, "mahal n’yo pa rin po ba ako kahit palagi akong pasaway?"
Napangiti si Mom. "Anak, ang pagmamahal hindi nababawasan dahil sa pagkamakulit. Pero may hangganan ang pag-unawa kapag hindi ka natututo."
Napayuko siya ulit. And right then, I knew I had to say something.
"Magbihis ka na, ihahatid kita."
Nagulat siya. Kita sa mukha niya ang pagkabigla.
"Kuya, hindi ka na galit?"
Tumingin ako sa kanya, saka ko siya tinapunan ng maikling ngiti.
"Galit ako sa ugali mo. Pero hindi ako galit sa’yo."
And in that moment, I saw something shift in her. Parang may konting gumaan sa loob niya. Kahit pa may mga tanong pa rin sa puso niya, kahit nagdududa pa rin siya sa lugar niya sa buhay namin—kahit isang simpleng assurance lang ang kaya kong ibigay sa ngayon, parang sapat na muna 'yon.
"Shant, bilisan mo na. May importanteng bisita ako sa office," sabi ko, tinatago ang frustration ko sa dami ng kailangan kong gawin ngayong araw.
"Okay, kuya. Oo nga pala… Umalis na si Dad?" tanong niya.
"Yes, may meeting siya ngayon. Darating ang anak ni Mr. Monteverde, ang bagong financial manager," sagot ni Mom, hindi pa nararamdaman ang tensyon sa hangin.
"Si Mr. Monteverde, the vice chairman, right? Where’s his son from?" teka? parang interesado siyang malaman ang tungkol sa anak ni Mr. Monteverde.
"He's from the States. Kababata at close friend ng kuya mo, di ba Deighland?" tanong ni Mom sabay tingin sa akin.
"Yes, Mom. Matagal na rin since we've seen each other," sagot ko. Pero sa loob-loob ko, nagtaka ako kung bakit interesado si Shant.
"Really? Seems like I still have a lot to learn. Hopefully, he’ll be my friend too,"
Bigla akong napalingon. Parang may nabara sa lalamunan ko. I almost choked.
"Kuya! Are you okay?" tanong niya, sabay abot ng baso ng tubig.
"Yes… I'm okay," sagot ko, kahit na hindi talaga.
Si Beatriz nga, ayaw na ayaw niya maging kaibigan, paano pa kaya kung malaman niyang kapatid ni Beatriz yun? Would she still want to be friends with him?
Pagkatapos naming kumain, kinuha ko ‘yung bag niya at nilapag sa tabi niya.
“Tayo na. Late ka na, ayoko nang dagdag stress,” sabi ko sabay tapik sa balikat niya.
“Kuya, ‘di mo pa nga ako tinutulungan magsuklay tapos pinapatayo mo na ako?”
“Excuse me? Since when ako naging PA mo?”
“Since birth. Kuya ka, di ba? Built-in assistant dapat!”
Umirap ako at inabot ang suklay. “O, bilis. Isang stroke lang. Walang pa-curling curling!”
Habang nagsusuklay, bigla siyang tumingin sa salamin ng phone.
“Bagay ba kung half ponytail?”
“Bagay—kung gusto mong ma-late.”
Napatawa si Mom. “Hay naku, parang kinder lang kayong dalawa.”
“Si kuya kasi, feeling bodyguard/nanny,” reklamo ni Shant.
“Shantal, move it,” sabay buhat ko sa bag niya. “O gusto mo, buhatin din kita?”
“Tara!” sabay joke na tatalon sana.
“Subukan mo lang, ibabalik kita sa crib.”
"Sige nga! Tatalon talaga ako!" banta niya. “Basta milk tea tayo mamaya.”
“Pag di ka sumabat buong biyahe, baka.”
“Kuya, unfair!”
“Piso lang pasensya ko today. Don’t push it.”
Natawa si Mom. “Ang sweet n’yo. Pero sa iba, aakalain away lovers kayo.”
Sabay kaming natahimik ni Shant, parehong iwas tingin.
“Mom!” sabay naming reklamo.
“Basta, ingat kayo. Shant, behave,” paalala ni Mom.
Nagkatinginan kami ni Shant palabas ng bahay, sabay tawa.
Sa likod ng kulitan, naramdaman ko: bumabalik na ‘yung dating Shant. 'Yung makulit, reklamadora, pero totoo. At kahit paulit-ulit pa siyang inisin ako, mas gugustuhin ko ‘yun kesa mawala siya.