DEIGHLAND'S POV
Habang tumatakbo ang sasakyan, tahimik si Shant, pero ramdam ko na parang may iniisip siya. Hindi ko kayang magpatuloy na ganito, kaya nagdesisyon akong magsalita.
"Shant," I began, trying to break the silence. "May iniisip ka ba?"
Tumingin siya sa akin. "Uh, ang anak ni Mr. Monteverde. Hindi ko lang talaga siya maalala. Is he someone I should know?"
"Well, actually," I started, trying to explain it as simply as possible, "kaibigan ko siya nung bata pa kami. Matagal na kaming magkakilala."
"Childhood friend?" tanong niya, tila naguguluhan pa rin."
I sighed, sabay tingin sa kanya. "He’s been living abroad for school for a long time. Hindi siya madalas umuwi, tapos nung nagtrabaho na siya, mas lalong nagkawatak-watak kami."
"So, you guys aren’t really close anymore?" she asked, her voice almost curious.
"Not as much as before," I admitted. "Pero, to be honest, I miss the times na mas madalas kaming magkasama. It’s just that after he went abroad, nagbago lahat. Pero honestly, I’d love to reconnect with him... it’s just that things got complicated."
"Pero gusto mo talaga siyang makita, no?" tanong ni Shant, parang napansin niyang excited ako.
"Yeah," I said, laughing a little. "I really do. Sobrang tagal na kasi namin hindi nagkita. I mean, hindi ko na rin alam kung paano magsimula ng conversation after all these years."
"Okay, so it’s not like a big deal," she said slowly, nodding, "You’re just reconnecting with an old friend?"
"Exactly," I replied, trying to reassure her. "Wala nang iba. Gusto ko lang linawin yun, baka mag-isip ka ng kung anong wala."
"I get it now," she said softly, parang nagiging okay na siya. "I’m not worried about him anymore."
I glanced at her at ngumiti. "Good. I’m glad you understand."
Medyo tumahimik siya, pero alam ko, hindi pa tapos ang mga tanong sa utak niya. "But you’re really excited to see him, huh?" she asked after a while, looking at me with a teasing smile.
I smiled, medyo nahihiya pero hindi ko na itinago. "Yeah, I am. Matagal na kasi. Gusto ko lang mag-catch up. I’m sure marami na siyang ikwento about sa buhay niya."
"Fanboy much?" she teased me at tawang-tawa.
"Shut up," I said, laughing a little. "Basta, it’s just that we used to be really close, tapos after he went abroad, parang ang layo na."
"Okay, okay. Don’t worry. Hindi ko naman siya ipagkakalat na parang celebrity na binabalik-balikan mo."
I couldn’t help but laugh along. "I promise, hindi ko ipapakita. Pero, siyempre, may excitement pa rin."
"Just don’t act too obvious," she said, rolling her eyes but still grinning.
I chuckled. "I won’t. Don’t worry."
Habang patuloy ang biyahe, mas magaan na ang loob ko. Parang natanggal yung bigat sa mga tanong ni Shant.
She didn’t say anything after that, but I caught her staring out the window, tahimik lang.
Nakapikit na halos ang mga mata niya, pero alam kong hindi siya inaantok. Her fingers were fidgeting with the hem of her sleeve, something she does when she's overthinking. Palihim siyang humihinga nang malalim, pilit kinakalma ang sarili, pero ramdam ko ang bigat ng emosyon na dinadala niya.
And that’s when it hit me—hindi siya basta curious lang.
She was worried.
Worried na baka dumating ang taong magpapaalala sa’kin ng mga panahong wala siya. Worried na baka mawala ulit ang atensyon ko sa kanya. Na baka, pag nag-reconnect ako sa taong iyon, she’d be forgotten again... left behind.
Sobrang selosa pala nitong kapatid ko.
Not just the bratty kind of jealous. This one runs deep. Yung klase ng selos na may halong takot. Yung parang... takot na mawala, takot na mapalitan, takot na hindi na maging sapat.
At mas masakit isipin na baka ako mismo ang dahilan kung bakit siya natutong matakot ng ganito.
Napakagat ako sa labi habang pinagmamasdan siya. Dati, palaban siya, mataray, matigas ang loob. Pero sa likod ng mga panunuya at pagsuplada niya, naroon yung batang ayaw mawala. Ayaw maiwan. Yung batang ilang ulit nang napatunayan sa sarili niya na hindi siya tunay na kabilang na kahit ilang beses naming sinabing pamilya siya.
I’ll make sure she knows—she’s not just part of my life.
She’s family.
And that means, hindi siya kailanman mawawala sa priority ko. Kahit sino pa ang dumating, kahit gaano pa kasaya ang pagbabalik ng nakaraan, hindi siya kailanman maaalis sa ngayon ko. Sa ngayon namin.
Lumingon ako sa kanya, tahimik pa rin siyang nakatingin sa labas. Gusto ko siyang hawakan sa balikat. Gusto ko siyang sabihing, “Hindi ka kailanman pinalitan.” Pero sa ngayon, sapat na muna siguro ang presensya ko. Ang katahimikan naming dalawa.
Then out of nowhere, she said.
"Kuya, malapit na pala ang graduation ko. One month na lang ‘yung preparation."
"So?" sagot ko. Kunwari clueless, pero alam ko naman ang pinapahiwatig niya.
"Wala!" inis niyang sagot. "Kainis ka!"
"Haha! Galit ka na naman. Bakit, anong gusto mong regalo?"
"Ewan ko sa’yo!"
"Sige na, sabihin mo na. Baka magbago pa isip ko."
Nag-isip siya sandali, tapos nagsalita nang seryoso.
"Kahit ano, kuya. Kahit simple lang, basta kahit saan man ako magpunta, maalala ko na galing sa’yo. I’ll treasure it."
Napatingin ako sa kanya. Parang ang bigat ng tono niya.
"What are you saying, Shant? Saan ka ba pupunta? It sounds like you're saying goodbye."
"Ha? Hindi naman, kuya."
"Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Ayoko ng ganun, Shant. Ayoko nang naririnig ‘yan mula sa’yo."
"Oo na, sige na! Basta maganda dapat regalo mo."
"Of course. I’ll make sure it’s something you’ll remember."
Ngumiti siya nang bahagya, pero alam kong marami pa siyang iniisip. Minsan talaga, kahit anong biro o lambing, hindi natatago ‘yung takot niyang maiwan.
Pero bilang kuya niya, responsibilidad kong ipadama sa kanya—hindi siya kailanman out of place sa buhay namin.