DEIGHLAND’S POV Pagkauwi namin ni Shant, I tried to talk to her again pero ang bilis niya. Diretso sa kwarto, walang lingon, walang kahit anong salita. Parang hangin lang ako sa hallway. Naiwan akong nakatayo ro’n, hawak pa ‘yung susi ng kotse, and honestly… ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. I didn’t know what to say. I didn’t even know how to fix this. Alam kong may bumabagabag sa kanya. Kita sa mga mata niya kanina, kahit na pilit niyang iniiwasan akong tingnan. And honestly? Ako rin, hindi mapakali. Parang may kung anong bumabara sa dibdib ko na hindi ko ma-explain. I sat in the living room. Tahimik. The only sound was the ticking of the wall clock, pero para sa’kin ang bagal ng oras. Iniisip ko kung ano pa ba ang pwede kong gawin. I wanted to fix this. I wanted to fix her. I wanted

