SHANT’S POV Ang malas ko naman talaga ngayon. As in! Pagbaba ko pa lang ng taxi, on my way to Kuya’s office, guess who I ran into? Beatriz. “Hi, Shantal,” bati niya, sabay ngiting sobrang plastic. “Won’t you greet me?” dagdag pa niya, parang close kung makatingin. “Hello,” sagot ko, may pilit na ngiti at matulis na irap. Napatingin siya sa food na dala ko. “The food you brought for Deighland? Gusto mo ako na lang mag-abot?” “No thanks. Ako na. Para ‘to sa amin ni Kuya,” sabay lakad. “Okay… masaya ako at nakita kita ulit,” Pwes ako, hindi! Pasensya siya! Mas suplada ako sa kanya. At akala niya hindi ko alam na gusto niya si Kuya. Nagmadali akong naglakad, pero sa malas, may isa pa. “Miss Shantal? Wow! Nice to see you here!” bati ni Jaden, ngiting-ngiti na parang walang atraso.

