DEIGHLAND POV So tiring today. Nakaka-stress ‘tong isang client. Akala ko approved na sila sa campaign proposal namin — pero ang dami pang arte. Gusto ng mas mababang rate, tapos may hinihingi pang revisions. Paglabas ko ng office, nasalubong ko si Jake sa hallway. Mukhang bad trip din. “Jake, kamusta? Nakausap mo ba si client?” “Oo, pinsan. Pero ayaw talaga sa current proposal. Gusto raw nila ng mas mura, tapos baka tanggalin pa ‘yung isang ad placement sa billboard.” Napahawak ako sa sentido. “Sabihin mo, I’ll revise it. Babaan natin ng konti ‘yung rate, tapos alisin na ‘yung ibang add-ons. Basta makuha lang natin ‘yung campaign.” “Lugi tayo niyan. Hindi na tayo kikita nang maayos. Plus, ang dami pang revisions.” Alam ko. Pero wala eh. Mababa ang market ngayon, sabay-sabay pa an

