“Issa, tara na, malalate na tayo.” Nasa baba na ako at naghihintay sa kanya. It’s the first day of the week and I don’t want to be late.
“Wait lang Ly, hindi ko mahanap yung lip tint ko” she shouted from her room hearing dropping sounds of I don’t know what things.
I sighed. Sa school lang naman ang punta namin kung bakit kailangan pang naka lip tint.
“Nasa make up kit mo, left side ng Hello Kitty mirror mo.” I shouted back. Lumabas na ako papunta sa tricycle na sundo namin. Dalawa na lang kaming naiwan sa bahay dahil maagang umalis sina tiyo at tiya.
“Found it. Thank you Ly.” she giggled running towards me waving her lip tint. Umiling na lamang ako dahil sa inasta niya habang pasakay.
“Wag ka masyadong naggagagamit ng mga ganyan, you’re only fifteen.” Puna ko sa kanya na abala na sa paglalagay nito.
“That’s why I’m using it Ly because I am already fifteen!” she rants. “Isa pa, it’s uso kaya.”
Mapula naman na ang mga lips mo ah, at hindi mo na kailangan ng mga ganyan o ano pa mang pinaglalagay mong kolorete sa mukha mo.”
“Stop with the lecture Ate” emphasizing the last word in a sarcastic tone. “I feel confident if I use one and I’m not like you na maganda na even not wearing one.” Sabay tapik niya sa pisngi ko na medyo namula sa ginawa ng huli.
Napailing na lamang ako sa tinuran niya. I think she’s more beautiful, with her straight black shoulder-length hair, full lips, small nose and chinky eyes na naibagay sa pagiging morena niya.
“Tayo na kuya” baling at sabi ko kay manong tricycle driver, ignoring her.
“If I have a face like yours, - naku! mas lalo akong magpapaganda para malingon ako ng mga crush ko”. She started enumerating my features. “Brown hair, long eye lashes, red lips, pinkish cheeks, small nose and of course your green eyes” dire-diretsong sabi niya. Ganyan siya palagi kapag napag-uusapan namin ang mga tungkol sa pagpapaganda. She always finds ways na i-compare kaming dalawa.
“All natural and of course your fair white skin Ly, I am so jealous kaya.” She continued. Hindi ko alam kung bakit kinaiinggitan niya ako samantalang mas gusto ko ang physical features niya.
“Maganda ka Issa” yun na lamang ang nasabi ko.
“I know but not as beautiful as you.” Hindi ko na kinibo ang huling sinabi niya, ayaw ko nang pahabain pa at baka sa huli ay magalit na naman ito.
It’s a 25-minute ride from house to school, di ko na nga namalayan na malapit na pala kami dahil sa kadaldalan ng kasama ko. LAGMAN COMPREHENSIVE NATIONAL HIGH SCHOOL, the name of our school as our ride stops in front of the gate. Nasa last year na ako ng senior high while Issa is still in Grade 10.
“Sige na Ly, mauna na ako” at tumakbo na papunta sa classroom nila. Nagsimula na rin akong maglakad papuntang classroom. There are some students shamelessly looking at me but usually, I just passed over not looking at them. As I enter our room, I saw Ella my best friend on her chair texting. She’s so immersed on what she’s doing that she never notices me sitting on my chair beside her.
Isa sa mga kaklase ko ang lumapit at sinabing wala raw yung teacher sa first period dahil may emergency. I said my thanks at bumalik na rin sa knyang sariling upuan.
Binalingan ko ulit si Ella na hanggang ngayon ay busy pa rin. Kaya naman pala nakakapag cellphone ang isang to dahii wala ang teacher. I cleared my throat and that’s only time she looks at me.
“Oh, kararating mo lang?” tanong nito then start texting again.
“Sino ba yang katext mo at masyado kang seryoso dyan?” I ask ignoring her question.
“Wow Lily, I’m the one asking, then you’re going to answer me with a question” waving his right hand in the air like making a point of what she’s saying.
“Because it’s obvious Ella na kanina pa ako dito, ikaw itong hindi ako napansin.” Sinuklay ko ang aking hanggang bewang na buhok gamit ang mga kamay at inayos ang natural na kulot sa dulo nito.
Mukhang natauhan ang kaibigan, “Oh, sorry, I’m texting my brother kasi, you know the one I am mentioning you?”
“O tapos?” sagot ko sa kanya habang inilalabas na ang gamit sa bag para sa next period.
“Uuwi raw siya ng Pinas dahil may aasikasuhin” hinarap niya na ako at binaba na ang phone, Tapos na sigurong makipagtext.
“Ganun ba, o e di masaya ka niyan dahil uuwi na rin sa wakas kuya mo di ba?” hinarap ko na rin siya ng mailagay na lahat ng kailangan ko sa table ko. “After 8 years makikita mo na.”
“Hmm, I don’t know, kasi usually call and text lang naman communication namin, nothing more at masyado pa akong bata nung huli kaming magkasama.” Sa Paris na kasi nag college ang kuya ni Ella. Dahil matalino, kinuha ito ng kapatid ng father nila para dun na pag-aralin. Mula noon ay hindi pa ito umuuwi, ngayon pa lang kung sakali.
“For good na raw ba siya rito?” balik tanong ko.
“Hindi raw eh.” Sabi niya na medyo dismayado. “May sasamahan lang daw siyang kaibigan, may hinahanap raw dito.”
“Ganun ba, o eh di dapat sulitin mo habang nandito at baka umalis kaagad kapag nakita na nila yung hinahanap ng friend niya.” Dagdag ko.
“Kaya nga, ipapakilala kita ha bestie, single yun.”
“Siyempre dahil kaibigan mo ako.” sagot ko ng hindi agad nakuha ang ibig sabihin ng kaibigan.
“Kaya nga at dahil single ka rin” sabay kindat sa’kin.
Doon lamang napagtanto ang sinasabi ng bruha. “Ay naku Ella, tigil-tigilan mo ako, alam mong bata pa tayo para sa mga ganyan at lalong wala pa sa isip ko ang mga ganyang bagay.” sabay irap ko sa kabila ng pagngisi-ngisi ng kaibigan.
Grade 4 when we became best of friends. Kilala ko na ito mula Grade 2 ngunit magkaiba kami ng section at naging malapit lamang ng malipat siya sa klase namin.
Laging ito ang bukambibig niya kapag napag-uusapan ang kapatid. Na dapat ako ang maging future sister in-law niya. Dahil siguro halos alam niya na ang talambuhay at awa na rin siguro sa sitwasyon ko, she wanted to get me out.
“Says who? Eh yung pinsan mo ngang mas bata sa iyo eh nakakadalawa na, tapos ikaw wala pa ni isa. Hay naku Lily hindi na uso ang pasanta ngaun. Lumandi ka!” eksaheradang dugtong nito.
“Kung makapagsalita ka parang may experience ka na ah parehas lang naman tayong NBSB.” Balik kong sagot sa kanya.
Napasimangot tuloy siya sa tinuran ko.
“Grabe to, at least ako malikot ang imagination ko at tinatry kong lumandi minsan eh ikaw - bahay, school at work lang laman ng isip mo.” bwelta nito.
Buti na lang at bago pa ako makasagot ay biglang pumasok na ang class adviser namin. Napailing na lamang ako at umayos na ng upo.
Napaismid naman siya dahil sa hindi ko pagtugon. I just smiled at what Ella did, she knows me well, she knows what are my priorities, and love life is never a part of it.
On the next day, ganun pa rin lagi ang bungad sa akin ni Ella. Kinukulit pa rin niya ako sa nalalapit na pagdating ng kuya Phil niya at sa pagpaplano ng kung anu-anong naiisip nitong kapilyuhan. Mukhang nagkaamnesia na naman ata at nakalimutan ang pinag-usapan namin kahapon tungkol sa pinagpipilitan nito. I always reject her ideas because I think it was silly.
“Okay class, start ng preparation natin for the sport fest two weeks from now, so I would like you guys to discuss on what booth the class will you organize for the event. So hopefully by tomorrow makapagdecide na kayo.” Sabi ni Mrs. Agustin, ang aming class adviser. “I’ll dismiss you earlier so that you have the time to plan for it.” She then walks out of the room.
“Oh paano guys saan tayo magmimeeting para makapagbrainstorm na tayo?” tanong ng Class President na si Justin.
“Sa starbucks…” my rich classmate Stephie butt in.
“Wag dun hindi namin afford” reklamo ng iba naming classmate na sinang-ayunan ng halos karamihan.
“Okay fine so Shakey’s then?” she suggested the second time.
“Naku Steph di kakasya pera namin kapag dyan din.” Sabi ulit nung umangal na sinang-ayunan din ulit ng iba.
“Sa Mr. Donut na lang dyan sa labasan. Mas tipid tayo dun at hindi na mahihirapan si Lily sa pagpasok sa work niya.” singit ni Ella sabay baling sa akin. Doon kasi ako nagpa part-time after school.
Napairap si Stephie sa sinabi ni Ella. “Gosh, so you’re picking that place so she can do her part-time while the rest of us do the planning?” pointing at me.
“Because it’s cheaper that way compare to what you are suggesting” Ella fires back. “And anong masama sa sinabi ko, that’s how you help your classmate, and for your info kahit siguro nagttrabaho itong si Lily eh mas marami pa ‘tong maicocontribute sa discussion if ever!” now also pointing at me.
“So what are you trying to say huh?! Na she’s more of a help than me? Duh! I can treat all of you here in a more decent place while we do this stuff!” Stephie boasted, still pointing at me.
I don’t know how the whole conversation ended up with me. “El, tama na, okay lang kahit saan, magpapaalam n lang ako kung sakali,” trying to stop Ella para matigil na ang bangayan nilang dalawa, pero ayaw paawat ng kaibigan.
“Totoo naman talaga ah? We’ve been classmates since last year girl if you don’t remember, and you know what she’s capable of.” Medyo irita ng tuloy ni Ella “Oh my, maybe I’m the one forgetting something right? Nalipat ka lang nga pala dito sa Section namin because of your dad.”. She said a matter of fact. Biglang nagtinginan ang mga kaklase namin, napaface-palm na lamang ako dahil sa hindi na maawat na kaibigan.
Stephie become speechless after Ella said that which is true. Biglang nawala ang poise. Nasa last section kasi siya hanggang grade 8 samantalang nasa Star section kami. Dahil mayaman ang pamilya nila at malaki ang donation ng daddy niya sa school kaya nagawan ng paraan para malipat sa’min ng nakaraang taon.
She went back to her seat furiously not saying anything while Ella smiled triumphantly. I sighed. Talagang ang isang to, di rin talaga papatalo. Tuloy, sa Mr. Donut kami nagkita kita after class, hindi ko man aminin, malaking tulong pa rin iyon dahil hindo ko n kailangang lumiban, sayang rin kasi ang sahod ko sa araw na iyon kung sakali, dagdag baon rin.
Napagpasyahan ng buong klase na magkaroon ng photo booth kung saan makakapicture nila ang kahit sino na gusto nila lalo at last year na namin ito bilang senior high. It may be a common booth but what matters for us is the memory it can give to everyone through pictures.
Mag-aalas-sais na ng matapos kami at nagpaalam ng ang iba. Si Ella na lang ang naiwan dahil hinihintay ang mga magulang na susundo sa kanya. May pag-aaring law firm ang mga magulang nito sa bayan.
Inaayos niya ang mga upuang nagamit namin at ng matapos ay naupo siya sa bakanteng stool malapit sa akin sa counter then inabala na lamang ang sarili sa knyang cellphone. Naisip ko bigla yung nangyari kanina.
“Dapat hindi mo na pinatulan si Stephie kanina El.” Sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang ibabaw ng counter.
Tiningnan ako ng kaibigan dahil sa sinabi. “Hay naku Lily, deserve niya yun, masyado siyang pabida. Ano siya si Jollibee?” diretsong sabi nito. Muntik na akong matawa sa sinabi nito kung di ko lang nakitang masyado itong seryoso para mapansin ang sariling biro.
“She deserves it, kung hindi pa siya tumigil kanina ay baka mas nakatikim pa siya sakin,” dagdag nito.
“Okay lang naman sa’kin kahit saan, pwede naman akong magleave muna ngayon kung sakali.”
“Okay lang sana yang kahit saan na sinasabi mo, but not all of us can afford sa mga sina suggest niya?
I get her point. Mostly kasi ng mga nasa section namin ay mga scholar na hindi galing sa may kayang mga pamilya. Kung meron mang mayayaman, yung may mga utak o kaya yung may mga kapit katulad ni Stephie.
Si Ella ay isa sa mga matatalino na nasa mayamang pamilya. Lawyer ang daddy at mommy niya at may law office silang pag-aari sa bayan. Maliban dito, kilala ang pamilya nila sa probinsya dahil dating gobernador ng lugar namin ang lolo niya at ang pinakamatagal na naupo sa puwesto, kaya respetado ng buong bayan ang pamilya nila dahil sa magandang nagawa nito.
Kaya siguro lumaking matapang ang kaibigan dahil na rin sa pamilyang kinabibilangan nito at maswerte ako.
“So pano yan, mag-eextend ka ngaun?” she asked me.
Tumango ako. Naawa kasi ako sa nangyari kay Stephie kanina lalo’t panay ang irap nito kaninang papunta kami sa puwesto kaya nakiusap na lang ako sa supervisor na mag extend para makatulong sa kanila ng hindi nagtatrabaho, pumayag naman ito. 5:30PM to 8:30PM ang schedule ko at dahil halos isang oras kami nagmeeting, hanggang 9:30PM ako ngayong gabi.
Hindi nagtagal ay nagpaalam na ang kaibigan dahil nasa labas na raw ang mga magulang nito. Tumawag na rin ako kay tiya Agnes para magpaalam na malelate ako ngayon. Dadaanan na lang daw ako nila tiyo Fidel at Issa pagkatapos ng shift ko dahil maxado na raw gabi kapag nagkataon.
Napabaling ako ng may pumasok na isang lalaki sa shop. A handsome foreigner looking guy to be precise. He stops midway looking all over the shop with an evident disgust look in his eyes. It gives me enough time to observe the man like it is my first to see one. The man’s wearing a leather jacket and white shirt inside pairing it with a black pants and a mid-cut converse shoes. While his right hand on his pocket, I notice how broad his shoulder is like those models I saw in TV and magazines.
Ng makita kong tumingin siya sa gawi ko ay napayuko ako, I felt a thud sound in my chest, kinabahan bigla na baka napansin ang pagtitig ko sa kanya. Naramdaman ko ang paglapit niya sa counter kaya pilit kong inabala ang sarili ko sa pagsusulat sa sales journal.
When I noticed that his walking towards my direction ay doon pa lamang ulit ako tumingin sa knya, plastering a smile on my face. “ May I know what you’re order sir?”
He looked at me then said his order, “Can I have one brewed coffee on the go?”
What a deep voice. Gaano kalalim kaya yun? Nasabi ko sa loob-loob ko.
“Anything else sir?” while punching his order on the machine, not looking at him.
“What can you recommend then?” he said putting his hand on the counter table that made me look at him.
Again, I’m starstrucked, “Uhm,“ bigla akong naumid. Ngayong mas malapit, mas lalo kong napagmasdan ang mukha niya. I take back what I said earlier, handsome is an understatement for this guy. This man’s face is perfect but looks dangerous. But what caught my attention was his eyes, those set of brooding eyes looking back at me as if he’s looking through my soul. The color ----
“It’s hazel” I whispered but enough for him to hear. Also taken aback of what I said. I cleared my throat and looked down.
“It’s hazel brown to be precise.” Natawa siya ng bahagya dahil sa sinabi ko.
‘Oh my, the way he laughs, it’s sexy’ I said to myself.
“T-the Bavarian sir, it’s a good combination for the c-coffee” s**t, I stuttered again.
“Have you tried it then?” napasulyap na naman ako dahil sa sinabi niya.
“I-I-I don’t drink coffee sir.” Sagot ko na parang wala sa sarili. I really hate coffee. I’m more of a milk person.
“So how did you know that it’s a good pair? Why not the chocolate one?” Nakataas ang isang kilay na para bang mali ang suhestiyon ko sa kanya.
Natameme ako. Oo nga naman, pano ko nga nasabi na magandang kapares ang Bavarian sa kape dahil hindi naman ako nagkakape. Favorite ko kasi ang Bavarian at never pa akong tumikim ng ibang flavor. Baka nga naman mas masarap kapag ung chocolate flavor.
“You can have the chocolate sir if it’s what you prefer.” giving in to his point.
“No, I’ll take the one you recommended. 1 dozen of those bavarian” He said while getting a blue bill on his wallet and give it to me.
I punched all his orders. “One brewed coffee on the go and 1 dozen bavarian,” I repeated his order without stuttering and I’m thankful because of that. “Is that all sir?” asking him and looking at him once again.
“That’s all”, he said and handed me a 1000 bill.
“Okay sir, that’s 482 in total, I received 1,000.00.” I noticed on my peripheral that he’s been staring at me while I’m talking. “Your change sir.” sabay abot ng tamang sukli.
I am now preparing his orders while he’s still standing in front of the counter looking at what I’m doing, na-conscious tuloy ako. “You can sit for a while sir while I’m preparing for your order,” sabi ko dito, hindi na makayanan ang mga titig nito.
“No I’m good,” he replied still looking at me, actually not looking but staring at me…
Dahil sa tugon nito ay mas lalo kong binilisan ang ginagawa. Hindi ako komportable sa taong ito, at ayoko ng ganoong pakiramdam.
“Your orders complete sir”, giving him the plastic for the donut and the coffee. “Thank you and come again” sabi ko kaagad ng matapos na, giving our usual remarks to customers with a smile on my face.
“Sure, I’ll come again.” he said in a serious tone, nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi nito. Napatanga ako, walang mahagilap na itutugon.
“It’s already late, what time will you close?” he said while looking at his wristwatch, then at me again, waiting for my answer.
“Uhmm,..it’s uh..” don’t know how to continue my sentence. Bakit ko sasabihin sa isang to ang oras ng out ko? “Why are you asking?” I said instead..
“Because it’s dangerous for a lady like you to go home this late”, he replied, again staring at me.
“I can go home on my own sir.” I said in a firm tone.
He lookec at me intently then smirked. “Just concern.”
“Thank you for the concern but I can take care of myself. Now sir, if you’ll excuse me,” nakipagtitigan ako sa kanya making my point and dismissing him already.
Hindi ito nagsalita, he stayed there a few minutes then walk out but looked at me one last time before going out the store. Dun lang ako nakahinga ng maayos. I felt something in my chest kaya napahawak ako dun.
Mga ilang minuto pa bago ako nakarecover sa pangyayari at nag ayos na ng makitang pasado alas nuwebe na. Pilit na iwinawaglit sa isipan ang mga titig ng misteryosong lalake.