bc

Finding You

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
family
self-improved
confident
royalty/noble
bxg
heavy
lighthearted
royal
slice of life
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

“Enjoy life to the fullest, make it worthwhile”, that’s what they always tell me. But how can they expect me to enjoy life when even myself doesn’t even know the essence behind those words? When life to me means to make sacrifices, being unwanted and loneliness. But what if because of an unforeseen event, truth will prevail --- that the life I’ve known all my life was a lie? That I am someone who belongs up there and capable of having everything, not just a servant doing anything for someone. Will it answer all the sufferings I’ve endured? Or will it only add up on the burdens I have now? Will LOVE can get me out in this complicated life of mine? Or will happiness be able to find me? I hope so….

chap-preview
Free preview
Chapter One: Cruel Life
“Hay, salamat”, sabi ko pagkahiga sa kama. Nandito ako ngayon sa aking kwarto nagpapahinga dahil sa maghapong paglilinis. Mag-aalas kwatro na akong natapos isabay pa ang walang patid na utos dito at utos doon ng aking pinsan at tiyuhin. Ingat na ingat kong inunat ang aking mga binti at braso dala na rin ng pamamanhid ng mga ito. Gusto ko sanang iidlip muna ang kapaguran ng biglang pabalibag na bumukas ang pinto ng aking kwarto. Napabalikwas ako ng bangon dahil sa nangyari at napatingin sa taong nagpagising sa diwa ko. “Lily! Where did you put my pink lip gloss? Hindi ko mahanap eh.” medyo tarantang sabi ng pinsan at hinarap ako. Nakapamaywang na hinarap ako at mukhang ewan sa itsura nito, nakarolls ng malalaki ang bangs nito, mukang may lakad dahil sa damit na suot. Wala ba sa bag mo dun sa tabi ng laptop? Sabi ko habang nanghihinang naupo sa kama. Tiningala ko siya at pinagmasdan ang mukha niyang mukha ng clown sa kapal ng make up. “I don’t know, that’s why I’m asking you di ba?” lalabas sana ulit ngunit pahalukipkip lamang siyang sumandal sa hamba ng pinto.“You’re the one cleaning my room remember?” sabi nito na parang nakakalimutan ko ang parte na iyon. “Issa, dapat tsinek mo kung andun kasi lagi mo naman yung dala-dala diba? Saan mo ba huling nailagay o saan mo ba hinanap?” mahinahong sabi ko habang iniisa isa ang mga tanong ko sa kanya. Padabog siyang lumabas pabalik sa kanyang kwarto, medyo galit, “Ay naku Lily, don’t ask me na lang kasi, tumayo ka muna jan para mahanap mo, I need it now dahil may lakad ako!”sigaw nito. Mukha naman di ba??? Walang nagawa, I sighed and dragged myself out of the bed to help my spoiled brat cousin to look for her damn lip gloss. Issa’s two years younger than me and the unica hija of my Tiya Agnes at Tiyo Fidel. Dalawang taon ako nang napunta sa puder nila sa kadahilanang naaksidente si mama galing trabaho pauwi na ikinamatay nito, base sa kwento ng tiya sa’kin dahil wala pa akong muwang sa mga panahong nagyari iyon. Ang sabi ni Tiya Agnes, anak sa labas daw ang mama ko na bunga ng isang kasalanan. My mom was a nurse then while Tiya Agnes was a business management graduate. Naghiwalay ang landas nila mula ng makipagsapalaran sa ibang bansa at dun na makapagtrabaho ang aking ina after college. Nagkita lamang ang mga ito ng biglaang umuwi si mama at nagpakita kay tiya Agnes na may kasamang isang taong gulang na bata at ako yun. She said that she had me when she was still working and living in England. Umuwi ng Pilipinas para dito na mamalagi. Hindi raw palakwento si mama tungkol sa lovelife nito at kung sino ang tatay ko. Palagi raw nitong iniiba ang usapan kapag minsan ay natatanong niya. Nangungupahan lang ang mama ng mga panahong yun hanggang sa makahanap ng trabaho bilang isang nurse din sa isang pampublikong hospital. Si tiya Agnes ang nag-aalaga at nagbabantay sa akin kapag may pasok si mama dahil wala pa naman silang anak sa mga panahong iyon, at kinukuha lamang tuwing out niya na. Hanggang isang gabi raw na pauwi si mama ay nasagasaan ito ng isang rumaragasang kotse at hindi na umabot ng buhay sa hospital. Tiya Agnes tried to look for my mother’s family when she died. Walang ng relatives sa mother’s side ang mama niya while she have 2 half-sisters on her father’s side living in Ilocos Norte, however, neither of them want to take me in,… that I will become a laughingstock for them because my mother had me out of wedlock like her mother was. Wala raw silang kapamilyang bastardo. Hindi rin naman daw alam ni tiya kuya sino ang tatay ko lalo at apelyido ng mama ko ang gamit ko, wala man lang pagkakilanlan o makapagtuturo kung saan o sino. At dahil doon, si Tiya Agnes na ang umako ng responsibilidad at kumupkop sa akin mula noon. Matalik na magkaibigan ang mga ito mula pa nung high school.Hindi man niya ako tunay na kadugo o kamag-anak pero dahil sa kanila na ako lumaki, ipinamulat ni Tiya na ako ay pamangkin nito dahil kapatid na ang turingan nila ng yumaong ina. Sabay kaming lumabas ng kwarto, magkaharap lamang ang aming mga kwarto kaya diretso kaming pumasok sa kwarto ni niya, agad kong hinalungkat ang kulay itim na shoulder bag kung saan alam kong nakalagay ang hinhanap niya. Wala pang isang minuto ay nahanap ko na ang kanyang mahiwagang lip gloss. Nakaipit sa English book niya sa ibabaw ng study table nito kaya siguro hindi nakita kaagad (o talagang wala lang itong pasensyang maghanap… joke) lalo at nagmamadali pa ito. “Eto po ang lip gloss miss, nakaipit lang sa may libro”, turo ko kung saan kinuha, walang gana kong upo sa kulay pink niyang kama sabay abot nito sa kanya na ngayo’y nagsusuklay sa harap ng salamin. Nakaharap ito sa kanyang whole body size wall mirror. She then look at me sideways while combing her hair using her pink suklay. I looked at her outfit that screams “HELLO KITTY” OOTD. Hindi naman ito umimik, like she’s admitting that’s she’s at fault for not looking it thoroughly. Walang nagkikibuan sa aming dalawa, alam niya na kapag ganoon tahimik lang ako na nakatingin sa kanya. “S-sorry”, she whispers. “I panicked and medyo late na rin kasi ako sa lakad namin,” there it is. I smiled at her. Kahit na may pagkamaldita ito, she knows how to admit it right away when she knows she’s at fault or when needed. “It’s okay Issa. Anything else you need pa?” I added. Kasi mamaya baka may nakalimutan pa ito. “Nope, okay na ako, pababa na rin ako. You can now continue your nap” sabi nito ngayo’y handa na para umalis. “Hindi na, nawala na yung pagod at antok ko, tska late na rin naman na” katwiran ko kahit sa loob-loob ko ay gustong-gusto kong bumalik ng kuwarto at magpahinga. “Tutulungan ko na lang si tiya maghanda ng mga kailangan para sa hapunan.” I added. Sabay na kaming lumabas ng kwarto niya. “Hindi ka ba kakain dito mamaya?” habol kong tanong, pababa na kami ng hagdanan ng sumungaw si tiya Agnes sa pinto dala ng mga bagong pitas niyang gulay galling sa bakuran. Napabaling siya sa gawi namin ng makababa na. “O, saan ang lakad mo ‘nak?”si tiya Lumapit si Issa sa kanyang ina para humalik at para na rin magpaalam. “May lakad kami ng mga barkada ko ma, diyan lang sa mall. Don’t wait for me na sa dinner. Kakain na rin kami sa labas.” Pagkumpirma na rin sa kaninang tanong ko sa sinabi niya. Nagmamadali na rin siyang lumabas dahil naghihintay na rin ang kaibingang magsusundo rito. Hindi na hinintay ang sagot ni tiya. “Ay nakung batang yun, masiyadong gala.” Sabi ni tiya ng nakatingin lamang sa pinto kung saan lumabas ang anak. Nang makitang nakaalis na ang mga ito at saka pa lamang kami pumunta ng kusina para maghanda na ng mga lulutuin. “Wala ka bang lakad din ngaun kasama ang kaibigan mo Lily?” si tiya. “Wala ho tiya,” sagot ko. Batid kong nakatingin ito sa akin, habang tumutulong akong inaayos ang mga rekadong gagamitin sa lulutuing ulam. “Dapat ay mamasyal ka rin Lily at weekend naman. Hindi yung lagi kang nakakulong dito sa bahay o kaya’y naglilinis” biglang sabi ni tiya habang naghihiwa na ng mga rekado. Ako nama’y kinuha na ang kalderong may laman ng bigas para hugasan sa lababo. “Ayos lang naman po sa akin tiya, nataon lang po talagang walang plano at tuwing weekend na lang rin naman po ako nakakatulong sa inyo dito sa bahay.” turan ko pagkatapos mahugasan ang bigas, isinalang ko na ang kaldero sa gas stove at tumulong na rin sa paghihimay ng mga gulay. “Hindi na nga po ako masyadong nakakatulong sa inyo kapag weekdays dahil na rin po sa part-time ko.” Sabi ko. “Hindi mo naman obligasyon yun anak, mag-enjoy ka habang bata ka pa, sumama ka sa mga lakad ng mga kaklase mo at ng makapasyal ka naman.” si tiya ulit. “Nakakapasyal naman po ako kapag Linggo kasama kayo nila tiyo at Issa – “Pasyal? Eh simba lang naman ang ginagawa natin tapos diretso sa puwesto.”She cut me off. May maliit na grocery sila tiya sa palengke at maliit na puwesto sa mismong looban nito na siyang pinagkukuhanan ng ibang gastusin para sa bahay. While tiyo Fidel was a policeman.Tumutulong ako bilang karelyebo ni Aida, ang kahera nila sa grocery kapag linggo, ako ang tumatao sa hapon. “Okay naman po sa akin yun” mahina kong apila. Tumigil ito sa paghihiwa at hinarap ako, “Lily, anak, wag mong ipagkait sa sarili mo ang magsaya at magliwaliw. Ayos lang sa’kin at kaya ko pa naman, kaya pa namin ng tiyo Fidel mo. Hindi mo kailangang ikulong ang sarili mo sa responsibilidad ng pamilya.” Hindi ako kumibo sa mga sinabi ni tiya. “Kahit hindi mo sabihin, alam kong nagpapart-time ka para makabawas sa gastusin namin sa pag-aaral mo pero hindi ka namin inoobliga hija.” Sabi pa nito na parang hindi lingid sa kaalaman nito ang dahilan ng pagtatrabaho ko. Tumango na lamang ako bilang tugon. Walang masabi. Masikip sa dibdib ang bawat bitaw ng kanyang mga salita. “Lagi mong isipin na hindi ka pabigat, anak ka na rin namin. Hindi man kadugo pero miyembro ka ng pamilyang ito. Tandaan mo yan. Hindi mo kailangang tumbasan lahat ng naibibigay namin sa iyo. Huwag mo sanang ihiwalay ang sarili mo sa’min.” mataman niya akong tiningnan. “Hindi ka katulong sa bahay na ito Lily.” dugtong nito na parang kabisado ang mga nararamdaman ko. Mag-aalas sais na nang gabi ng matapos kaming makpagluto, dahil wala si Issa, tatlo lang kami nila tiyo at tiya ang magkakasabay kumain. “Tawagin mo na ang tiyo mo Lily at kakain na,” inaayos ko ang mga plata at kubyertos sa hapag ng marinig kong sabi ni tiya mula sa kusina. “Opo tiya”, lumabas ako at tinawag si tiyo sa may garahe kung saan pinupunasan ang sasakyang owner nito. “Tiyo, kakain na po ng hapunan,” bumaling ito sa akin at muling bumalik sa pagpupunas. “Sige, susunod na ako,” kaswal na sagot nito. Bumalik na ako sa loob ng marinig ang sagot ni tiyo Fidel. “Asan ang tiyo mo?” si tiya. “Susunod na raw po tiya.” Umupo na kami sa hapag ng maya-maya’y pumasok na rin si tiyo at naupo na sa tabi ni tiya. “Nasaan ang anak mo,” sabi nito kay tiya habang nilalagyan nito ng pagkain ang plato ng asawa. “Lumabas at may lakad daw sila ng mga kaibigan,” sariling plato naman nito ang nilalagyan niya ng pagkain. Bumaling sa akin si tiyo, “Bakit hindi mo sinamahan si Issa, Lily?” Napatuwid ako ng upo sa sinabi ni tiyo Fidel. Napatingin naman sa akin si tiya. “Katatapos ko lang ho kasing nakapaglinis kanina ng paalis na si Issa tiyo,” wika ko. “Oh di binilisan mo na sana ang pag-aayos ng nasamahan mo at kung baka mapano ang batang yun lalo at gabi na makakauwi,” katwiran nito. Hindi ako nakakibo sa sinabi nito, bumagal ang pagkain ko dahil nag-iisip ng maaring ikatwiran. “Ay naku Fidel, malaki na si Issa, hindi na bata iyon, tska mga kaibigan naman niya ang kasama kaya maayos lang ang anak mo,” tugon ni tiya ng mapansin ang kilos ko. “Tska kita mong buong araw na naglinis itong si Lily, siyempre pagod yung bata.” dugtong pa nito. Pailing-iling na lamang si tiyo Fidel sa tinuran ng asawa at tahimik na lamang na kumain. Lihim akong tiningnan ni tiya na nginitian ko na lamang ng tipid. Natapos ang hapunan ng maayos at buti na lang hindi na inungkat ni tiya ang napag-usapan naming kanina sa harap ni tiyo, mas marami na namang sermon kapag nagkataon. Nanood ang mag-asawa habang ako’y nag-aayos na sa kusina. “I’m home” dinig kong sigaw ni Issa. Mag-aalas-dyes na ng dumating ito. Tamang-tama at natapos ko na ring linisin ang lahat ng kalat sa kusina. Lumabas na ako at naabutan sila sa salas. Nakaupo ang tatlo sa malaking sofa habang yakap ni tiyo si Issa na animo’y naglalambing dahil sa late ng nakauwi. Si Tiya naman ay nangingiti na pinanonood lamang ang mag-ama habang kinikwento ng anak kung anong mga nangyari sa pamamasyal nila ng mga kaibigan. They never notice me entering the living area. Actually, they never notice me when they are together. I decided to go to my room and not disturbed them anymore. It’s their alone time as a family. Nakapaglinis at nakapagpalit na rin ako bago nahiga. Dahil hindi pa dinadalaw ng antok, naisip ko ang mga sinabi ni tiya Agnes kanina sa kusina. Maayos naman ang trato nila sa akin sa bahay na ito lalo na si tiya. Pero di maipagkakailang iba ang pakikitungo sakin ng Tiyo Fidel. Alam kong kailanman ay hindi ako nito itinuring na anak nito at mas lalong lumala ng maipanganak na si Issa. Lagi nitong ipinamumukha at ipinararamdam sa’kin na lahat ng ginagastos nila at pagtira ko rito ay may kapalit. Kaya lahat ng utos nito’y sinusunod ko ng maluwag sa aking kalooban at walang pag-aalinlangan. Wala akong karapatang tumanggi at maghinanakit dahil nakikitira lamang ako sa kanila. Malaki ang utang na loob ko sa kanila. Mula ng maipanganak si Issa, upang makatulong kay tiya Agnes, inako ko na rin ang responsibilidad na bantayan ito dahil sa marami rin ang inaasikaso ng huli at para na rin kahit paano ay wala ng masabi si tiyo Fidel. Ilan beses na rin akong napagbuhatan ng kamay ni tiyo Fidel dahil kay Issa. Sobra kasing kapilyahan ng huli na ikinapapahamak ko. Sa’kin ang sisi dahil ako ang mas nakatatanda. Ayokong magsabi at magsumbong kay Tiya dahil kadalasang nag-aaway ang mga ito noon kapag nakikita o nalalaman nito na napapagalitan o kaya ay napagbubuhatan ako ni tiyo ng kamay. Humantong pa sa muntikang paghihiwalay ng mag-asawa ang palagianpag-aaway kaya naman tiniis ko lahat ng mga pananakit ni tiyo, pisikal man o verbal at hindi na sinasabi kay tiya para lamang hindi na sila mag-away pa. Huling away nila ng malala ay nung walong taong gulang ako, ng minsang nasugatan si Issa. Nasa school kami noon, Grade 3 ako samantalang nasa Grade 1 siya. Pauwi na kami ng biglaang umulan. Nang sa gayo’y hindi kami mabasa, tumakbo ako hila-hila siya para makasilong sa pinakamalapit na masisilungan habang hinihintay ang sundo namin ng hindi ko namalayan na natalisod siya dahil sa pagkaladkad ko sa kanya. Gasgas ang inabot nito sa binti at tuhod. Grabe ang takot ko sa nangyaring yun. Sobra ang iyak nito dahil baka raw magpeklat ang sugat niya kaya isinumbong ni Issa ang nangyari sa ama at ipinakita ang mga natamong gasgas at sugat. Humingi ako ng paumanhin at ipinaliwang ang nangyari ngunit hindi ako pinakinggan ni tiyo. Dahil sa galit ni tiyo Fidel ay nagdilim ang paningin nito at napalo ako gamit ang kanyang belt. Yung bakal mismo ng belt ang ginamit niyang pinanghampas sa aking mga hita, binti at tuhod na nagresulta ng mga sugat at pasa sa iba’t-iabng parte ng aking katawan. Isang linggo akong hindi nakapasok dahil sa hindi makalakad ng maayos dala ng pamamaga at pasang natamo sa’king mga hita at binti. Nagpapasalamat na lamang ako at hindi nagpeklat ang mga sugat na natamo mula dito. “Lahat ng mangyari kay Issa ay gagawin ko rin sa’yong bata ka ng magtanda ka!” sigaw nito. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga sinabi ni tiyo sa akin noon. Wala rin namang nagawa si tiya sa nangyari dahil sa takot nito dito. Yun din daw ang unang pagkakataon na nakita ni tiya na ganun kagalit si tiyo kaya ipinauunawa na lang niya sa akin kung bakit ako napagbuhatan. Hindi ko maipagkakailang nagtampo rin ako kay tiya ng mga panahong yun dahil hindi nito nakayang ipagtanggol ako sa mapang- abusong kamay ng aking tiyo Fidel. Dahil sa nangyari na naging dahilan ng pagliban ko sa klase, bumaba ang ranking ko sa klase na ikinasama ng loob ko. Wala akong mapagbalingan ng aking galit. Sinisi na lamang ang sarili dahil sa katangahang nagawa. Kung pinasan ko na lamang sana si Issa ng mga oras na yun ay hindi sana ito nasugatan at hindi na rin sana ako napagalitan. Kinimkim ko na lamang iyon sa aking puso. Mula noon, todo na ang bantay at ingat ko kay Issa huwag lamang itong masaktan o masugatan. Sa takot ko na ring maulit iyon, lahat ng nais nito ay sinusunod ko huwag lamang maulit ang nangyari. Kung bakit lumaki rin ang ng ulo nito na lahat na lamang ay iniaasa sa akin kahit maliit na bagay. Kung may maganda mang naidulot ang pangyayaring yun ay ang pagiging mas malapit namin ni Issa Yun ang huling beses na napagbuhatan ako ng kamay ng tiyo Fidel. Hindi man naulit, wala pa ring nagbago sa trato nito. Kung meron man, ay ang pagiging mas civil na nito kumpara sa dati. Nakikita naman nito kung gaano na kami kalapit ni Issa at kung ano ang mga nagagawa ko para sa kanyang unica ija. At nang makatungtong ng high school, ay naghanap na talaga ako ng part- time job ng kahit papaano’y may pang-allowance ako at makabawas man lamang sa alalahanin ng mag-asawa. Para na rin hindi na manghingi at iasa ang mga kailangan ko lalo na kapag may mga projects kami. By next year magka-college na ako. Iniisip na ang mga pwedeng mangyari kapag nagkataon. Gustong-gusto ng bumukod kahit minsan ay may pag-aalinlagan dahil maiiwan ko si Tiya at anak nito na kahit ganun ang ugali’y napamahal na sa akin. What will be Issa’s life kapag hindi na nila ako kasama sa bahay? Wala ng magsisilbi at mag-aasikaso sa mga kailangan nito. Siguro ay kukuha na lang sina tiya ng makakasama sa bahay kung sakali. Sometimes, it crosses my mind, nasaan ang tatay ko? Bakit hindi ito ang kumuha sa akin ng namatay si mama? Sana hindi naging ganito ang buhay ko kung lumaki akong kasama ang tunay kong ama. Ang maituturing kong sarili kong pamilya. Tiya Agnes can’t say anything about my father. He doesn’t even know who or where he is. Wala naman daw naikwento ang yumaong ina dahil masikreto rin daw ito sa buhay. Kaya nung malamang buntis ito ng umuwi galling sa ibang bansa ay hindi na siya nag-usisa. Ayaw din naman daw nitong pag-usapan kung minsan natatanong siya noon. What I am certain about was --- my father is a foreigner or a mixed because of my features. Habang lumalaki, ay sadyang napagtanto ko ang halos pagkakaiba ko sa ibang mga kalaro at sa pamilyang kinalakhan. Kaya talagang hindi ko rin maisip na kabilang ako sa pamilyang ito dahil sa alam kong hindi kailanman. Even how many times they assure and remind me that I’m a member of these family, there’s always a part of me that feels empty, looking for something deep within my heart but I don’t know what is it yet. But one thing is for sure. Life is cruel. Cruel to a person like me.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.6K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
79.8K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
294.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook