Agad na nasalag ni Dylan ang itim na majikang pinatama ni Khezza kay Khethania. Dahil sa ginawa ni Dylan ay napangisi si Khezza at bahagya pang pumalakpak. ''Napakagaling at mabilis mong nasalag ang atakeng iyon, prinsipe," nakangising sabi ni Khezza. Seryoso lang ang tingin ni Khethania at Dylan sa kanya. Mahigpit na hinawakan ni Dylan ang kamay ni Khethania at marahang pinisil ito. "Mukhang handa na kayo sa darating na eclipse pero sa tingin ko may kulang," sabi nito. Gumamit ito ng isang majika at sa isang pitik nito ay lumitaw ang sinasabi nitong kulang. "Ayan, para naman maayos ang gagawin niyong kasal sa ritwal. Gusto kong masaksihan ang pag iisang dibdib ng dalawang umiibig," nakangising sabi ni Khezza. Maging ang kasama nito ay natutuwa sa sinasabi niya. "Hindi namin kailangan

