Hinintay muna nilang makabawi nang lakas si Khethania, bago sila nagpasya na umalis na patungo sa Allejera. Inihanda nila ang mga magigiting nilang sundalo. Alam ng mga ito na may buhay nawawala sa kanila, ngunit handa silang lumaban para sa kalayaan ng Allejera at para tuluyang mawala ang nag iisang taong kilala bilang isanga 'dark wizard' na si Khezza. Inihanda nila ang mga kabayo upang sakyan nila. Hindi na gumamit pa ng teleportation magic si Dylan para hindi mabawasan ang lakas nila. Medyo malayo ang Allejera kaya naman kailangan nilang makaalis nang maaga upang pagdating nila doon ay sakto lang sa pagsapit ng eclipse, na siyang babago sa pagkatao ni Khethania. Naiwan naman ang hari at reyna ng Gordon, upang bantayan ang kanilang kaharian. Kung sakaling may maligaw na kalaban

