KHETHANIA'S POV Matapos ang pag uusap na iyon ay naghanda na kami, para sa pagpunta namin sa Allejera bukas. Nabibigla pa rin ako sa pangyayari at sa desisyong ginawa ko kanina. Ngunit alam kong magagawa namin iyon nang maayos ni Dylan, tulad nang ginawa naminh spell. Simula pa lang nang araw na iyon ay alam kong mapagkakatiwalaan na siya. Lalo na nang sabihin niya ang mga iyon sa akin. Nagulat man ako pero masaya pa rin ako dahil siya ang nagsabi ng mga iyon. "Natahimik ka, may problema ba?" narinig kong tanong ni Dylan. Matapos ang pag uusap kanina ay pareho kaming bumalik, sa lugar kung saan namin ginawa ang body-soul magic spell. Pareho kaming nakaupo habang pinagmamasdan ang ganda ng lugar. "Wala lang, masyado lang akong nabibigla sa mga nangyayari," sabi ko. Naramdaman k

