Parehong natahimik ang dalawa matapos ang pag uusap nilang iyon. Natauhan lamang sila nang may narinig silang pagbukas ng pinto. Sabay silang tumingin sa taong pumasok sa kwarto nila. Nakilala nila ito. "Mom!" tawag ni Khethania. Sinalubong niya ito at agad na niyakap. Napangiti si Camilla at niyakap niya rin ito. "I'm glad your okay now," nakangiting sabi ni Camilla at hinaplos ang buhok nito. Napatingin siya kay Bella at tumango dito. "I'm happy to see you here, mom," sambit ni Khethania at humiwalay dito. "Of course, I was worried when I found out everything. I'm glad that Minerva told me about what happen to you," nakangiting sabi ni Camilla. "Gusto kong magpasalamat kay tita Minerva kapag nagkita ulit kami," sabi ni Khethania at bumaling kay Bella na tumango naman sa sinabi n

