- PAMELA - ANG sama ng tingin na ibinato ko kay Gabriel a.k.a Tutong. Paano naman ay mukhang kinakampihan niya ang syota niyang masama ang ugali. "What are you staring at? Make yourself useful and bring us something to drink," utos nito sa akin. "Ano? Pati bruha mong bisita pagsisilbihan ko rin?" reklamo ko. "Natural! Master mo ako at bisita ko siya, dapat lang pagsilbihan mo rin siya." Padabog ko siyang tinalikuran at naglakad papunta sa kusina para kumuha ng maiinom nila. "I don't like your housemaid, Gab. She's bitchy. When we get married the first thing I will do is to fire her," narinig ko ang maarting boses noong Leona. Fire me? Ulol mo! Saan kaya siya nakakita ng katulong na kasing ganda ko? And what did she just say? b***h? Well, well, well... b***h pala ha! I will show yo

