PAGKATAPOS ng ginawa ko kay Leona at pagwalk kay master Tutong hindi ko na tinapos ang tatlong araw na usapan namin ng pagiging slave ko sa kanya. Ilang Linggo ko na rin siyang iniiwasan na makita manlang. Minsan nadadatnan ko silang naglalaro ni Finn sa harap ng bahay namin. Hindi kami nagpapansinan or more like hindi ko siya pinapansin. Pag park ko ng kotse ko sa harap ng bahay namin ay napansin kong kadarating lang din pala ni Tutong at kapapark lang din ng jeep nito sa harap ng bahay nito. Ayos na ang sira sa jeep nito at mukhang bago na ito ulit. Bumaba ako ng kotse bitbit ang mga gamit ko. Wala parin akong plano na pansin siya. "Let's talk." Nagpalingalinga ako. Ako ba ang kinakausap niya? "Yes, I'm talking to you." "What do you want to talk about?" nakataas ang kilay kong tan

