Naabutan ko si Fiyong na humihithit na naman sa pods niya dito sa likod ng building namin. Nakakunot ang noo nito habang seryosong nakatingin sa phone niya, tila may pinapanuod. May kakaibang sound pa na nagmumula doon. Napangiwi ako ng mapagtanto ang ginagawa niya. "Tangina, tanda mo na, nanunuod ka pa ng bold?" nakasimangot ako ng umupo sa ibabaw ng hollowblock. Medyo tago itong pwesto ko. Hindi ito sumagot kaya hindi ko nalang pinansin. Baka wala sa mood o baka seryoso talaga siya sa ginagawa. Humithit nalang din ako sa sariling pods ko na galing din sa kaniya. Supplier ko na siya ngayon, every time na mauubusan ako ay hinihingian ko siya. Binibigyan niya naman ako ng libre. Nag scroll nalang din ako sa phone ko. Madami kasing trending ngayon sa t****k na mga lumang kanta na pinapaus

