"You're half Irish right? Not Korean or Japanese?" Mikael suddenly asked me while we were eating here in the cafeteria. Nahila na naman nila ako kaya napilitan ako ditong kumain instead sa room ko sa rooftop. Matagal tagal na din kaming magkakasama tuwing lunch break. Minsan ay inaakyat ako ng dalawa sa itaas, kapag nauuna ako doon kaya nag dadala sila ng foods nila para doon kainin. Minsan naman or should I say, madalas, ay nakakayag nila ako dito sa cafeteria. Ayoko dito dahil kapag dito kakain, ibig sabihin ay kasama siya at ang barkada niya. Kaya kapag mga ganitong pagkakataon ay nasa dulo ako parati at si Naya ang katabi para lang makaiwas. Hindi na din naman siya gaanong nangungulit ngayon, pero araw araw namang may pabulaklak sa rooftop or chocolates, minsan naman kung anu anong

