I ended up making pancakes na good for four people. Ang mga talipandas ay naki join sa pagkain ng maamoy ang ginagawa ko. Pati ang tulog na si Alfie ay nagising dahil sa amoy ng kape. "Hindi talaga ako magsasawang tumambay dito. Available lahat! Pweding pwedi na ngang tumira dito eh, para di na babiyahe ng malayo pag papasok at uuwi. Mapapagod lang sa hagdan pero keri naman" si Mikael. "Hindi ko kaya yun. Kapagod ang hagdan. Parang mabibiyak ang mga hita ko palagi." nakanguso naman si Naya habang kumakagat sa hotdog. Nag prito na din kasi ako ng bacon at hotdog na natira sa fridge para maubos na at makapag restock ako bukas. "Libreng kape lang talaga ang sadya ko dito tuwing umaga." singit ni Alfie. Totoo iyon. Never siyang tumanggi sa kape. Minsan ay iniisip ko nalang na sa halip na du

