"Wow! Wala akong masabi. Nakaka proud ka, Devi!" Maging ako ay hindi makapaniwala habang sabay naming tinatanaw ni kuya Jeff ang kabuoan ng store ko. Everything is in the perfect place. Nakakahalinang tignan ang mga nakasabit na gitara. Ang isang drums set na kay sarap upuan at subukan. Ang mga naka organized na keyboards. Maging ang iba pang instrumento. Hindi ko inexpect na sa edad na dise otso ay magkakaroon ako ng sariling negosyo. Maganda ang ngiti ko matapos ikutin ng tingin ang buong store. The interior is black and grey color with golden yellow lights. It's cozy. May maliit na sofa sa gilid para kung may gustong maupo habang naghihintay sa kasama na customer. I love this place. May mga nota din na disenyo sa pader bilang background. Pumapailanlang ang musika ng mga sikat na art

