Kabilaan ang mga nagluluto. Nagkakatay pa ng kambing si Kuya Raul. Mangiyak ngiyak ako kanina habang pinapanuod at pinakinggan ang kaawa awang kambing. Wala eh, ganoon talaga. Nakuhanan ko pa ng video at litrato ang sunrise. Kay ganda ng kuha ng drone ko dahil sa ganda ng sinang ng araw. Puro huni ng ibon at ibang hayop din ang maririnig. Dinaanan ng drone ang paligid ko, nakita ko pa ang pag tingin ng mga taong nadaraanan nito. Ang ibang bata ay kumakaway sa camera. Natutuwa naman ako. Matapos makuhanan ang ganap sa bahay ay ibinalik ko na sa bag ko ang mga gamit ko. Ipinagamit ni ate Susie ang aparador niya bilang lagayan ng gamit ko. May lock iyon para daw safe talaga. Wala naman daw magnanakaw sa pamilya nila pero dahil nga birthdayan ang magaganap ay mainam na daw na sure. Lalo na a

