Chapter 1

1687 Words
"Devi! Bakit naka payong ka?" malakas ang boses ng batang si Hervi habang naka tingin sa batang babae na naka payong. Sa mga oras na iyon ay malakas ang ulan kaya naman basang basa na ang batang lalaki na may edad na pitong taon. Nasa harapan niya ang kaniyang kababata na si Devi, kapareha ng edad niya at nakatira ito sa tabi ng bahay nila sa isang subdivision para sa mga mayayaman. "Eh ang lakas kaya ng ulan? Mababasa ako!" pasigaw na sagot nito sa batang kausap. Naka suot ito ng pulang t-shirt na may disenyong hango sa palabas na Harry Potter. Ang pang ibaba nito ay itim na shorts. "Ha? Eh kaya nga tayo maliligo sa ulan diba? Malamang mababasa tayo!" lumapit si Hervi kay Devi at inagaw ang payong dito. Napatili ang huli ng mabasa ito ng tubig ulan. "Tara na! Dun tayo sa puno ng mangga! Yugyugin natin para mahulog iyong hinog!" Panganyaya ni Hervi. Magkahawak kamay silang tumakbo papunta sa kabilang bahagi ng kinaroroonan nila. Nandoon kasi ang malagong puno ng mangga na hitik na hitik sa bunga. Nagkakalaglagan lamang ang mga hinog na bunga nito dahil hindi naman madalas pinipitas ng may ari. Kaya sa tuwing maglalaro ang magkaibigan ay palagi nilang pinupuntahan ang puno na pagmamay ari ng kapitbahay nila. Ito iyong may malaking bahay sa tapat ng bahay nila Devi. Nang makarating ay agad nilundag ni Hervi ang naka laylay na sanga. Sa sobrang lago kasi ng puno ay naka laylay na ang ilang sanga nito sa gilid ng pader kung saan may bakanteng lote. Doon mas madaling maka kuha ng bunga. Panay ang tili naman ni Devi habang tuwang tuwang namumulot ng mga nalalaglag na hinog na bunga ng Indian Mango. Inilalagay niya ito sa damit niya habang naka angat hanggang tiyan niya. Nagmumukha itong bulsa ni Doraemon. "Tama na ito, Hervi! Sasakit na naman ang tiyan natin pag nagkataon!" si Devi. Noong nakaraang araw kasi ay nanakit ang tiyan nila matapos kumain ng napaka daming mangga. Hirap na hirap tuloy silang dalawa sa pag dumi. Nang tumigil si Hervi sa pagyugyog ay muli silang tumakbo papunta sa tapat ng bahay ni Devi. Mayroon kasing upuan at lamesa na gawa sa simento ang garden nito. Mula doon ay makakaligo na sila sa ulan habang kumakain ng mangga. Habang masayang nagtatawanan ang dalawa ay hindi nila pansin ang isa pang bata na kanina pa nanunuod sa kanila. Ito iyong nakatira sa malaking bahay sa harap nina Devi. "Pangako mo sa akin ha.. Hindi tayo maghihiwalay kahit tumanda tayo!" "Oo naman! Magpapakasal pa tayo kapag 26 na tayo! Tapos magpapagawa tayo ng bahay dito sa bakanteng lote para mas madaling makakuha ng mangga ng kapitbahay" hagikgik naman ni Devi. Palagi nilang pinag uusapan ang kanilang plano sa oras na sila ay tumanda. Sa edad na pito ay sila ang palaging magkasama. Araw araw silang naglalaro, sabay din ang kanilang birthday. Kaya nga destined sila. Ang ama ni Devi at ama ni Hervi ay matalik na magkaibigan. Magkasosyo din ang mga ito sa ilang negosyo. Subalit palaging wala ang kanilang mga ama dahil madalas itong mag out of the country para sa kanilang business. Hindi naman ito iniinda ng magkaibigan dahil pumapabor ito sa kanilang kagustuhan. "Nakatingin na naman yung bata sa tapat oh" tinuro ni Devi ang batang lalaki na naka dungaw sa bintana. Pinapanuod sila nito subalit wala namang mababanaag na emosyon sa mukha nito. "Hayaan mo na siya. Ayaw naman niyang makipaglaro eh. Madaming beses naman na nating inaya yan na sumali pero ayaw niya. Bahala siya." nakasimangot na sagot ni Hervi. Sa pitong taon nilang paninirahan sa subdivision ay ni minsan ay hindi sumali ang batang lalaki sa kanila. Tahimik lang ito at hindi rin sila kinakausap. Maski ang pangalan ng bata ay hindi nila alam. "Cute pa naman. Sayang!" nakalabing sagot ni Devi. Tuloy ay nalukot ang mukha ni Hervi. "Cute? Paano naman ako? Akala ko ba ako lang amg gusto mo? Bakit nakucute-an ka na sa bata na iyon?" mababanaag ang inis at tampo sa boses nito. Agad na naalarma si Devi. "Cute lang siya pero ikaw ang pogi! Ikaw ang future ko!" sabay kurot nito sa tiyan nito na naka exposed dahil nakahubad ang batang si Hervi. "Bakit nga pala naka hubad ka na naman? Uubuhin ka na naman niyan! Kapag nagkasakit ka hindi na naman tayo magkakalaro. Ang kulit mo talaga!" "Para makita mo ang abs ko! Kapag naka damit ako edi matatago. Mas hat ako kapag naka shorts lang!" tumawa pa ito. "Hot hindi hat! Ano ka balanggot?" "Pwedi rin naman. Para ako ang magsisilbing proteksyon mo sa init ng araw at sa tubig ulan" "He! Patpatin ka pa Kaya.." --------------- "AVADA KEDAVRA!" Sigaw ni Devi habang hawak ang isang magic wand na naka turo kay Hervi. "Ang daya mo naman! Diba bawal nga yan? Talo agad ako!" naka nguso ang batang lalaki habang lulugo lugong lumalapit kay Devi. "Oo nga pala haha! Iba na nga lang sige! " lumayo ito ng kaunti at saka muling itinutok sa kalaro ang wand. "Expelliarmus!" sigaw nito. "Oh paano naman ako makakaganti kung tatanggalin mo ang wand ko?" inis na sagot na naman ni Hervi. Sumimangot naman si Devi. Nawalan ito ng gana kaya naupo na lamang sa upuang may kutson. "Ano ba naman yan! Lahat nalang ng spells ko ayaw mo, eh paano tayo makakapag laro niyan?" naka labing sita ng bata. Pinag krus pa nito ang mga braso sa dibdib. Lumapit na din ang kaibigan nito at tumabi sa kaniya. "Iba na lang kasi ang laruin natin. Ayoko ng magkalaban tayo eh. Tapos ikaw si Hermione at ako si Dobby? Anong laban ko?" Inis na angal ni Hervi. Natawa naman ang batang si Devi. "Ang cute kaya ni Dobby! Bigyan kita ng medyas mamaya pag baba natin." pang aasar pa nito. Sinimangutan na lamang siya ng kalaro. "Devi, Hervi, baba na kayo at naka handa na ang miryenda sa kusina" sabay na nabaling ang atensyon ng dalawang bata sa gawing hagdan kung nasaan ang tagapag alaga ng batang babae. "Yehey!" ---------------- "And I'd give up forever to touch you 'Cause I know that you feel me somehow You're the closest to Heaven that I'll ever be And I don't wanna go home right now" Nakangiti si Devi habang parehas silang nag tutugtog sa gitara ni Hervi. Siya ang kumakanta ngayon ng paborito nilang Iris. "And all I can taste is this moment And all I can breathe is your life And sooner or later, it's over I just don't wanna miss you tonight" Naka video ngayon ang ginagawa nilang pagtugtog sa camera na regalo ng Dada niya. 12 years old pa lamang sila pero marunong na silang gumamit ng gitara, Piano at Drums. Nag request kasi si Devi sa kaniyang ama na bilhan siya ng mga instrumentong pangtugtog na inilagay nila sa isang bakanteng kuwarto ng bahay nila. Ngayon ay nasa rooftop sila ng bahay niya at nag vivideo para may remembrance sila. Balak niya din itong iupload sa YT kapag naging maganda. "And I don't want the world to see me 'Cause I don't think that they'd understand When everything's made to be broken I just want you to know who I am" Magkasabay nilang kinanta ang chorus ng kanta. Kapwa damang dama ang mensahe ng bawat liriko. Tinitignan nila ang isat isa na nauuwi sa isang matamis na ngitian. Nang matapos ang kanta ay itinigil niya ang pag vivideo para makapag pahinga sila. "Bukas ay piano naman? Gusto kong tugtugin yung Mamma Mia na slowed version. Napakinggan ko sa YT yung cover nung isang sikat na singer. Sobrang ganda pa ng rendition niya." Devi said. "Sige. Tapos itry din natin yung sinend ko sayo kahapon? Yung River Flows in You ni Yiruma. Maangas kasi yon." sagot ni Hervi. Tumango si Devi pagkatapos ay humigop sa cucumber shake na nasa lamesita. "Next natin ngayon ang Best Friend?" nakangiting tanong ni Hervi. Ginantihan siya ni Devi ng mas malaking ngiti bago nag tipa sa gitara. "Do you remember when I said I'd always be there. Ever since we were FIVE, baby. When we were out on the playground playing pretend. Didn't know it back then." Natawa pa sila pareho nang palitan nila ng Five ang sa halip na Ten na lyrics. Noong limang taong gulang pa lamang kasi sila ay nangako silang best friend na nila ang isat isa. Mula noon ay nagmamahalan at nag kakasundo na sila bilang mag kaibigan. Nang si Devi na ang susunod na kakanta ay napatingin siya bigla sa tapat ng rooftop nila. Pakiramdam kasi niya ay may mga matang kanina pa nanonood sa ginagawa nila. Hindi nga siya nagkamali at nakita niya doon ang kapitbahay nilang mukhang kapre. "Now I realize you were the only one It's never too late to show it. Grow old together, Have feelings we had before Back when we were so innocent I pray for all your love Girl our love is so unreal I just wanna reach and touch you, squeeze you, somebody pinch me This is something like a movie And I don't know how it ends girl But I fell in love with my Best Friend" Nakangiting pagkanta ni Devi habang nakatingin sa kapre sa bintana. Mabuti na lamang at hindi siya napansin ni Hervi na Kung saan siya naka tingin. Nang mapagod ay umuwi na muna si Hervi sa bahay nila. Sumasakit na daw kasi ang ulo nito dahil sa maalinsangang panahon. May silong man ang kanilang rooftop ay maalinsangan naman ang ihip ng hangin. Mabuti na nga lang at may cucumber shake siya na nakakapag palamig sa kaniya. Si Hervi naman ay hindi umiinom ng mga ganoon kaya panay tubig lamang. Muli siyang napatingin sa katapat ng bahay nila. Sobrang tahimik doon. Para bang ang boring boring. Mabuti na lamang at puno ng halaman ang rooftop sa katapat na bahay nila kung hindi ay magmimistulang hunted house na iyon. Palagi pa man din sarado ang bintana. Tanging ang bintana sa tapat ng kuwarto lamang niya ang bukas, kung saan naroon ang kapreng nilalang na palaging walang emosyon. -----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD