"De Dios, Devi Duffy. With High Honors, Leadership Award, Best in Writing, Brave Heart Award, Amazing Attitude Award, Best in MAPEH, Best in English, Best in Science, Best in Filipino, Outstanding Musician Award, Best Artist Award, Maka-Diyos Award, Best in Declamation, Best in Business Plan Writing, Best in Research." nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng gymnasium matapos tawagin ang pangalan ni Devi at banggitin ang mga awards nito.
Ngayon ang kanilang moving up ceremony at masayang masaya siya dahil kasama niya ang kaniyang ama sa espesyal na araw na iyon. Hindi naman magkamayaw ang kaniyang ama sa pagsuot sa kaniya ng sandamakmak na medalya.
Ngayon ang huling araw niya bilang grade 10 student at isa sa pinaka masayang araw para sa kaniya. Malaki ang ngiti niya ng picturan sila sa stage. May sarili siyang photographer kaya medyo nag tagal sila sa stage. Pasalamat nalang siya at paborito siya ng mga guro at maging ng principal ng eskwelahan na kaniyang pinag aralan.
"Mamimiss ka namin, Devi. Wag mo kaming kalilimutan ha?" mangiyakngiyak ang kaniyang paboritong guro habang nakayakap sa kaniya.
"Siyempre naman Ma'am Jess! Wag mo din kakalimutan ang nag iisang ginger head mong estudyante ah? Magtatampo talaga ako!" ani Devi. Maging si Devi ay malungkot sa paghihiwalay nila subalit excited din siya sa panibagong buhay na kaniyang tatahakin.
Nang makabalik sa upuan ay hinalikan pa niya ang pisngi ng kaniyang ama.
"I'm so proud of you, Devi." bulong ng kaniyang ama matapos halikan ang tuktok ng ulo niya.
Maligayang maligaya ang kaniyang puso dahil sa narinig. Pinagbutihan niya talaga ang pag aaral dahil gusto niyang matuwa ang kaniyang ama. Madalang man niya itong makasama sa bahay nila ay suportado naman siya nito.
Balang araw ay siya ang mag mamanage ng business nila para hindi na kailanganing umalis ng bahay nila ang kaniyang ama.
"Elbambuena, Hervi Flores. With Honors" agad napatingin ang mag ama sa stage kung saan naroroon ang boyfriend s***h best friend ni Devi.
Umakyat ito sa stage kasama ng father nito na si Harold. Malaki ang ngiti ng binatilyo habang tinatanggap ang medalya nito. Matapos picturan ay naupo na din ang mga ito malapit sa puwesto nina Devi.
Hindi matigil ang pagngiti ng magkasintahan. Sa loob ng dalawang taong pagiging magkasintahan ay hindi nawawala ang pagmamahalan at spark ng kanilang relasyon. Kagaya noon, araw araw pa din silang magkasama, sa kanilang tahanan man o sa eskwelahan. Bilang magkaklase at magkatabi sa upuan ng kanilang classroom.
Kahit bata pa ay marami naman silang pinagkasunduan. Isa na doon ang patungkol sa s****l na bagay. Hanggang kiss at hug lamang ang kanilang ginagawa bilang respeto na din sa isat isa.
"Excited na ako para mamaya!" impit ang tili ni Devi. "Kahapon pa ako naka empake. Ikaw ba?" tanong niya sa nobyo.
"Last week pa!"
Nag tatawanan sila ng mapahinto dahil sa narinig.
"Let's all welcome, our class Valedictorian... Rosario, Taavi Vertanen!"
Umakyat ang napaka tangkad na binata sa stage. Kung titignan ay mukha itong six footer. Player din ito ng basketball. Sikat ang binata hindi lamang dahil sa angking kagwapuhan nito subalit dahil din sa napaka talented at matalino.
Sinong mag aakalang ang batang lalaki sa katapat bahay nila ay siya palang class Valedictorian nila? Hindi man nila naging ka close ang binata sa hindi malamang dahilan, ay kaklase naman nila ito.
Natuon ang lahat ng atensyon ng magsalita ang binata. Purong English iyon at makabuluhan. Ang boses nito ay may kakaibang apekto sa dalagang si Devi. Tila siya nasa ulap kapag naririnig ang napaka sweet at mabining boses ni Taavi.
Hindi niya namalayan na nakatapos na pala sa pagsasalita ang kaklase nila. Natuon kasi siya sa kulay berdeng mata nito. Nakakahalina at nakaka relax tignan. Napa kurap nalamang siya at sinabayan ang palakpakan ng kapwa estudyante.
Nang matapos ang program ay nakipag picturan muna si Devi sa lahat ng kaklase niya. Magkasama sila ni Hervi sa pag lapit sa kanilang mga kaibigan. Kahit naiiyak ay pinipilit niyang ngumiti para maging maganda ang picture niya.
Sobrang naging malapit kasi ang puso niya sa mga kaklase dahil mababait ang mga ito. Bilang lamang sa daliri niya ang hindi niya naging kaclose. Ito iyong mga bully at palaging absent.
"Kitakits sa DAMSHS next school year!" ani Janna, isa sa malapit niyang kaklase. Makakasama niya ito sa Doña Alexandra Martinez Senior High School sa susunod na pasukan. Kapwa sila GAS at sinigurado nilang magkaklase sila.
Mabait si Janna at kapwa matalino. Ito ang secretary ng classroom nila at palagi niyang kakuwentuhan sa tuwing nagrereview sila bago mag quiz.
"Excited na ako! Sana magkalapit ulit ang upuan natin para magtatanungan ulit tayo sa pag rereview!"
Ilang minuto pa ang lumipas bago nila napag kasunduang umalis sa school. Lulan ng SUV sina Devi at ang ama nitong si Reymond.
"Dada, thank you po at pinayagan mo kaming mag vacation sa Bataan ah? Pangako, wala kaming gagawin na masama ni Hervi! Susundin namin lahat ng rules niyo ni Tito Harold. Good boy at good girl kami don!" ani Devi habang naka sandal sa balikat ng ama niya.
Naka upo sila sa back seat ng kotse.
"Aba dapat lang! Kasama niyo naman si Manang kaya masusubaybayan ko pa din kayo. At saka, deserve mo naman na mag bakasyon sa beach dahil mataas ang marka mo at marami kang awards. Basta ah? Ayokong magtatabi kayo ni Hervi. Ipapatapon talaga kita sa Ireland kapag gumawa kayo ng kalokohan" lintanya ng ama niya.
Tumawa naman ang dalaga. "Dada naman eh! Promise ko nga sayo, kapag naikasal ako saka ko lang isusuko ang bataan at ang buong pilipinas! Duh! 16 years na kaming magkakilala ni Hervi pero sumusunod kami at matino. Ayoko din sa Ireland, sobrang boring don kila Pops. Baka mabaliw lang ako don." natawa na lamang ang kaniyang ama sa sinambit niya.
Nang makadating sa bahay ay agad kinuha ni Devi ang maleta niya. Naka ready na ang dalawang red na malaking maleta para sa 3-days vacation nila sa isang resort sa bataan. Regalo iyon ng kanilang ama sa magkasintahan.
Hinihintay lamang niya na dumating na si Hervi sa bahay ng mga ito. Bumilang limang minuto subalit wala pa din ang kotse na pagmamay ari ng pamilyang Elbambuena.
Naupo muna siya sa terrace ng bahay nila habang mag hihintay. Hawak ang cellphone, nag browse muna siya. Pinusuan niya lahat ng litrato na nakikita niya sa kaniyang newsfeed. Sa mahigit four thousand niyang friends sa sss ay hindi siya naboboringan sa kung anu anong lumalabas doon.
Halos lahat yata ng nag aaral sa school niya ay friends niya sa sss. Ganon siya ka friendly at kakilala ng mga estudyante. Isa iyon sa pinagmamalaki niya. Nagbabalak na din siyang mag umpisa ng pagbavlog para may sarili siyang earnings. Sa dami ba naman kasi ng naka abang sa mga pinipost niya ay mapagkakakitaan niya na iyon.
Nang may tumunog na kotse ay agad siyang tumabko palabas ng gate nila. Akala niya kasi ay sina Hervi na ito subalit bigo siya. Napalabi na lamang siya ng makitang huminto ang magarbong sasakyan sa harap ng bahay nila. Ang pamilya Rosario pala ito.
Agad lumabas ng kotse ang lalaking may napaka habang biyas. Kitang kita niya ang kinang ng suot nitong Dolce & Gabbana patent leather derby shoes. Maging ang Armani Suit nito ay itim na itim. Kapansin pansin din ang suot nitong rolex.
Nag iwas agad siya ng tingin ng makita ang mukha ng binatang nasa harapan niya. Obvious na obvious ang pagtitig niya dito dahil mas matangkad ito sa kaniya ng bahagya. Kung siya ay 5'9, itong kaharap niya ay lagpas 6 footer!
"Devi! Hija, congratulations pala." napabaling ang kaniyang atensyon sa kasama nitong bumaba ng sasakyan. Kahit may edad ay kitang kita ang kaguwapuhan lalaki.
"Hello po, Sir Thomas. Salamat po!" masiglang sagot niya sa lalaki. Ito ang nakatira sa tapat ng bahay nila. Si Thomas Rosario ay isang sikat na businessman. May ari ito ng maraming branch ng Casino, Hotels, Malls at iba't ibang resort sa Pilipinas.
"Bakit pala nasa labas ka? Mainit, baka umitim ka niyan." nakalapit na ito sa kaniya kaya amoy na amoy niya ang mamahaling pabango nito.
"Ahm, hinihintay ko lang po si Hervi. Pupunta kasi kami ngayon sa Philanthropies. 3 Days po kami doon!" magiliw sa pag kuwento ang dalaga habang nakatingin sa matanda. Iniiwasan niyang tignan ang katabi nitong tila poste lamang at hindi man lang nag sasalita o kumikilos.
"Oh, bakit hindi pa sa Rosas? Katabing resort lang yung sa amin. Dapat sinabihan mo ako para doon na lang sana kayo. Libre ko na!"
Mabait ang pamilya Rosario. Kahit ang nakilala lamang niya ay si Sir Thomas ay masasabi niyang maganda ang pamumuno nito sa pamilya. Palagi itong naka ngiti at mapagbigay pa.
Kaya nga sila palaging kumukuha ng mangga noon ay dahil pinapayagan sila nito. Minsan kapag may event din sa bahay nila ay palagi silang imbitado.
Dalawang lalaki ang anak ni Sir Thomas. Ang isa ay itong poste na nasa harap niya, si Taavi. Ang isa naman ay hindi pa niya kailanman nakita dahil doon ito lumaki sa Finland. Hindi ko alam kung hiwalay na ito sa asawa or what. Pero hindi ko pa nakikita iyon. Tanging si Taavi lamang ang kasama nito sa bahay nila.
"Ay naku nakakahiya po. Naka book na po kami sa Philanthropies last month pa. Salamat na lang po." pakiramdam ni Devi ay pulang pula na ang kaniyang mukha. Hindi dahil sa nabibilad siya ng araw, kung hindi sa nakakamatay na titig ng posteng nasa harapan niya.
Maya maya pa ay naaninag na niya ang kotseng paparating. Ito na sina Hervi. Agad siyang gumilid at tatalon talon pang pumwesto sa gate nila.
Maging ang mag ama ay pumasok na din sa bahay ng mga ito matapos magpaalam sa kaniya.
Kunot ang noo ni Hervi ng makababa ito sa kotse. Agad itong lumapit sa kaniya. Magkasintangkad silang dalawa kaya agad niyang piniris ang ilong nito.
"Ayan na naman ang umuusok mong ilong. Bakit ba mukha ka na namang nag aalburutong bulkan diyan? Ano ang problema H?" Niyapos niya ang nobyo upang kumalma ito.
Nitong nakaraan ay napapansin niya na nadadalas ang pag init ng ulo ng nobyo. Madalas din ay hindi niya alam kung bakit, magugulan na lamang siya na galit na pala ito sa kaniya o kaya naman ay nag tatampo. Hindi naman niya malaman ang gagawin para mapakalma ito kaya palagi na lamang niyang niyayakap at hinahalikan sa pisngi.
"Bakit kausap mo na naman yon? Akala ko ba nagkaintindihan na tayo na hindi mo na yon papansinin? Diba nag promise ka?" natakot si Devi sa tono ng boses nito. Kahit nagagalit madalas ang nobyo ay hindi siya nito tinataasan ng boses. Subalit ngayon ay heto at galit na naman ito.
Napansin ni Hervi ang reaksyon ni Devi kaya agad na kumalma ang binata.
"Sorry D. Nabigla lang ako." hinging paumanhin nito at saka ginantihan ang yakap niya.
Tumango na lamang si Devi upang hindi na lumala pa ang galit nito sa kaniya. Iyon kasi ang palagi niyang iniiwasan, ang magalit at masigawan siya ng nobyo.
"Tara na? Naka ready ka na ba?" tinignan siya nito. Napa hingang malalim na lalang siya at saka tumango.
Sabay nilang kinuha ang dalawang pulang maleta at nag paalam sa kanilang magulang. Sumakay sila sa SUV na minamaneho ni Mang Isko. Ang family driver ng pamilyang Elbambuena. Nasa passenger seat naman si Manang Gella, ang tagapag alaga ni Devi mula bata pa siya.
"Matulog muna kayo Devi, Hervie.. Mga apat na oras pa ang biyahe natin bago makarating doon. Gigisingin na lamang kayo kapag malapit na at maka daan sa drive through para makapag miryenda kayo." sabi ni Mang Isko.
Tumango naman ang dalawa. Nasa kaliwang bahagi si Hervi sa backseat at naka siksik sa kaniya si Devi. May baon pa silang isang unan sa biyahe. Naka akbay sa kaniya si Hervi habang naka patong ang ulo ni Devi sa balikat nito.