KUNG hindi pa ako ginising ng pinsan kong si Declan ay hindi talaga ako magigising agad. Alas nueve na ng umaga kaya naman naka busangot na siya sa akin. Kanina pa daw niya ako ginigising pero dahil nga napuyat ako sa panunuod ng Grey's Anatomy at inabot ako ng 3 am ay hindi talaga ako nakabangon agad. Hinatidan nalang niya tuloy ako ng umagahan ko kaya sa kwarto nalang ako kumain. "What time are we leaving?" I asked him. Tinignan niya muna ang orasan sa pader ng kwarto ko bago ako muling binalingan. "They left already. I'm just waiting for you to wake up and we'll follow them." busangot na busangot pa din ang mukha niya. Nahiya naman ako na naiwan pa kami dahil sa kagagahan kong mag puyat. Nag note nalang ako sa utak ko na huwag ng mag pupuyat ulit. Paano ba naman kasi? Sobrang ganda

