February one came fast. Katatapos lang ng class namin for today at nagliligpit na ako ng gamit. Nilingon ko si Roccel. Busy ito sa phone niya at nakaupo pa din sa silya. "Uuwi ka na, sister?" nilingon niya ako. "May pupuntahan pa ako. Extra income." aniya. Tumango naman ako at hindi na nagsalita pa. Ganoon naman palagi ang usapan namin. Simple nalang at mahikli. Hindi na gaya dati. I miss the old us pero alam kong hindi na maibabalik iyon dahil tatlo na ang nawala sa aming lima. Masakit at nakakamiss, pero tinatanggap ko naman. As long as friends pa din kami, okay na ako doon. "Uuwi ka na, Hervi?" binalingan ko naman si Hervi na busy din sa phone niya. Tumayo na ako at pumunta sa harapan niya, ang laking harang kasi ni Draco sa gitna namin. Busy din ito sa sariling phone. What's with th

