Hindi ko na pinansin pa ang pinagsasabi ng mga ito. Inaya ko na si Ann na lumipat sa building ng GAS at doon nalang nag cr. Masyadong mahaba ang pila sa cr sa gilid ng gym pero sa building namin ay kabilis lamang namin. Pag balik namin ay patapos na ang third quarter. Dikitan lamang ang laban. Napansin kong parang aligaga si Taavi. Hindi maipinta ang mukha nito at parang may hinahanap. "Kanina ka pa hinahanap ni loverboy, VP. Akala yata umuwi ka na. Badtrip tuloy" sabi ni Joshua pagkaupo ko pa lamang sa tabi niya. "Oo nga. Tapos natuhuran pa nung matangkad sa kabila. Mukha ngang makikipag sapakan na eh." dagdag ni Jeo. Nilingon ko si Taavi. Bibihira ko siyang makita na naiinis at hindi ko pa din siya nakikitang magalit. Kaya pala kakaiba ang aura niya kumpara sa kanina. "FAFA! Nandito

