Pagod na pagod akong naupo sa sofa pagdating namin sa Airbnb na aming tinutuluyan. Masakit na masakit ang nga binti ko sa pagod. Maghapon ba naman kaming naglibot at pinuntahan ang mga tourist spots dito sa Baguio. Napuntahan ko naman na ang mga ito dati pa since nakailang akyat na ako dito sa lugar pero dahil kasama ang pamilyang Rosario at gusto nilang libutin yata ang buong Baguio ay naubos ang time namin sa paglilibot. Ngayon nga ay galing kami sa Wright Park. Bukod sa inakyat baba namin ang napaka habang hagdan ay sumakay pa kami sa kabayo sa loob ng isang oras kaya bukod sa amoy pawis ay mapanghi din ang kasuotan ko. The damn horse peed while I was riding it! "You take a bath first. I know you're irritated." tinanguan ko si Taavi at ginawa nga ang kanina ko pa gustong gawin. Pagsa

