I slept for two hours, dahil na din siguro sa pagod. Dumiretso ligo na muna ako at nagpalit ng isang color creamy white na long skirt, gawa sa manipis na tela pero hindi naman see through. Ang pang itaas ko ay cropped top na halter top at same color lang sa palda. Nag lagay din ako ng bandana sa uluhan ko na color pink cream at saka sun glasses. Binitbit ko ang sling bag at camera ko matapos maglagay ng sunblock. "Oh wow! May naligaw yatang chix!" OA na sigaw ni Daniel matapos akong makitang bumaba mula sa second floor. Inirapan ko siya habang inaayos ang camera ko. "What the? Princess pala ang akala ko ay prince?" si Cosmo. "You look good. Bagay sayo ang ganyang outfit instead yung usual mong suot" singit ni Mateo. "Fuckers, bantayang mabuti ang ating prinsesa. Paniguradong madaming a

