Nanlaki nag mga mata ko ng makarinig ako ng pamilyar na sound. Agad kong naisip ang umaga ko sa Nueva Ecija. "Putok!" sigaw ko at saka nagmamadaling lumapit sa gate ng subdivision kung nasaan ang lalaking naka bike at may brown na box sa likod ng sinasakyan niya. Bumibili ang guards sa kaniya. "Ano yun ma'am?" tanong ni kuyang guard sa akin. "Kuya, anong tinitinda mo?" binalingan ko ang tindero. Ngumiti ito habang busy sa binabalot niyang order ng mga guards. "Binangkal, pandesal, ham and cheese, empanada at banana cake ma'am" masayang sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko. Natuwa naman ako. "Hala! Palagi ka po bang nagtitinda dito?" "Yes ma'am. Araw araw tuwing umaga. Kaya lang ay bawal pumasok sa subdivision kaya hanggang dito lang ako sa gate." sagot niya. Kaya naman pala hindi ko

