"Kay gwapong bata pala nang Heat na yan, sayang at bakla pala." ani Nanay Susan. Nandito kami ngayon sa kabilang barangay dahil fiesta dito. Ilang araw na lang ay uuwi na ako ng Bulacan kaya sinusulit ko na ang pananatili dito. Kaya nang mag aya si Tatay na manuod ng palabas sa plaza kahit gabi na ay sumama ako. Nasa loob kami ng malaking gymnasium at nasa pinaka tuktok ng bleachers. Tulog na ang dalawang bulilit na nasa ka dungan ng mag asawa habang naglalaro sa cellphone ko si Shea sa tabi ko, like the usual. "Oo nga. Kebata pa naman baka maging tuwid pa kalaunan" sabat ni Ate Tess, ang kapitbahay nila Nanay na katabi namin ngayon sa upuan. Nakikinig lamang ako sa kanila habang nanunuod ng nagaganap sa stage. Mayroong mga artista doon. Ang isa ay ang nagngangalang Heat Helterbrand na i

