"Hala!" turo ko sa kalabaw. "Ayan naman ang alaga naming si Pokwang. Iyan ang ginagamit namin sa pangangariyada. Kapag umaani ng palay." sakto ay nakadating na ang pamilya ni Nanay. Agad niya akong ipinakilala sa mga dumating. Nakangiti naman akong nakipag kamay kay Tatay Ene. Ang tatlong bata ay kumaway sa akin kaya kinawayan ko din sila. "Halika at mag miryenda muna tayo. May binili akong kakanin sa palengke." inaya na kami ni Nanay Susan papunta sa loob ng bahay. Nag miryenda kami ng mga kakanin at nag timpla ng pineapple juice. "Maraming salamat po sa pagtanggap sa akin. Pangako po ay magiging mabuting tao po ako." natawa naman ang mag asawa. "Aruu. Ano ka ba okay lang anak. Welcome ka dito. Sige at kumain ka pa." Tinulungan ko sa gawaing bahay ang mag asawa habang natutulog ang

