Pinapakiramdaman ko ang paligid, mahirap na, baka may bigla na namang umatake sa harapan ko. Diretso ang tingin ko sa harapan pero mas naka focus ako sa kabilaan ng peripheral vision ko. Pinapakiramdaman ko din ang likuran ko, ano mang ingay na magmumula doon ay delikado. Nakita kong may papalapit mula sa kaliwa ko. Dalawang tao. Pero bigla ding may papalapit sa kanan, tatlo naman. Tsk. At ang pinaka huli, apat sa harapan ko. Sa likod kaya, ilan? "Anong kailangan nyo?" buo ang boses ko. Hindi dapat ako magpakita ng kahit anong takot. Blangko lang din ang ekspresyon ko. Tumawa ang kamukha ni Majin buu sa harapan ko. Malaking babae na ubod ng taba. Aalon alon ang bilbil nitong akala mo eh buntis siya dahil sa pagtawa niya. "Matapang ka na niyan? Baka nakakalimutan mo, nasa teritoryo kit

