"Naku tama na ang pag-iyak Ms. Ley, baka it's other way around naman I'm sure hindi ka lolokohin ni Sir Jigs." wika ng make-up artist na nag mamake-up sa kanya. May tapping s'ya ngayon para sa isang night talk, next month na ang comeback concert n'ya. Kaya puro TV guesting na s'ya para sa promotional. Sa sobrang busy n'ya hindi na n'ya namalayan na nawalan na pala s'ya ng oras kay Jigger mas madalas pagod s'ya at gusto na lang n'ya matulog at mag pahinga. Never naman nag reklamo si Jigger lagi lang itong nakayakap sa kanya kapag matutulog na sila pero tuwing umaga naman bago s'ya umalis pinag bibigyan n'ya ang pangangailangan nitong physical. Kaya ang sakit lang makita may kahalikan na itong ibang babae kanina sa back state, naiwan kasi n'ya ang phone n'ya at kukunin sana n'ya pero nakita

