"Diba sabi ko wag kang mag-iinom?" galit na wika ni Jigger ng kaunin si Kinsley sa villa nila Abby. "Hindi naman ako lasing medyo tipsy lang." kunwaring sagot ng dalaga. HIndi naman talaga s'ya nag inom susubukan lang n'ya ang turo nila Abby sa kanya. "'Diba sinabi ko na mag-uusap tayo. E ano to?" galit na tanong pa ni Jigger ng ihinto na ang golfcar sa tapat ng villa nito. "Puwede naman tayong mag-usap" ani Kinsley na nauna pang mag lakad papasok ng villa wala silang personal na katulong sa villa dahil hindi naman sila nakatira dun tulad nila Summer at nila Madison na may mga personal na maids at mga yaya ng mga bata. "Di bale na mag-usap na lang tayo kapag 'di ka na lasing." pikon na sagot ni Jigger pero inalalayan pa rin s'yang maka akyat sa kuwarto nila. Nag sabi s'yang maliligo h

