CHAPTER 3

2133 Words
"BEG AT ME AGAIN MY EX HUSBAND" CHAPTER 3 "What are you looking for? I said get out!" Sigaw nito at kinalabog pa ang lamesa nito kaya napabalik ako sa wisyo. "'Wag mo'kong paulit-ulitin." Pansin ko naman na iba ang awra ng mukha nito kaya lumapit ako at agad dinampi ang kamay sa nuo. Agad naman itong nagulat kaya umurong ito. "What are you doing?" "Tinitignan kung mataas lagnat mo, grabi ka pa naman lagnatin. Kagaya ng anak mo..." Bulong ko naman sa huli. "I can handle my self." Sakto naman na tumawag na naman si Vivian kaya binuksan ko ang bag ko at kumuha ng gamot na paracetamol. "Inumin mo 'to para bumaba lagnat mo. Aalis na'ko." Pansin ko naman sa mata nito na nangingilid ang luha. "T-thank you." Ngumiti naman ako. "About sa building na'to bakit pinatayo mo parin 'to?" Pag-iiba ko sa usapan. "Nothing, maganda ang naisip natin noon at pinatayo ko 'to para narin ano," natigilan naman ito. "Ano?" Bitin kong turan. "Nothing, umalis kana." Nilagay naman nito 'yung gamot sa lamesa. "Aalis ako dito kapag na sabi mo na." Pagpupumilit. "Dahil nung pinalano natin itong building noon, 'yon ang pinaka masayang nangyari at pinangako ko noon na itatayo ko'to kahit anong mangyari." Naiiyak naman ako. Oo nga pala nag promise siya noon na kahit na anong mangyari kahit magipit itatayo niya ang plano namin, nakalimutan ko 'yon ah... "At nung araw na pina-plano natin 'to, naaalala mo pa?" Bigla naman nanlaki ang mata ko ng mag sink sa akin. "Uuwi na'ko." Pero tatalikod na sana ako ng hawakan nito ang kamay ko. "Hindi ba gusto mo malaman lahat kung bakit, ngayon na kinu-kwento ko aalis ka, I'm not done, my kwe-kwento pa'ko kung bakit." "Bitawan mo'ko ayokong marinig. Uuwi na'ko!" Bigla ko pero nagulat ako ng hawakan nito ang panga ko na lagi n'yang ginagawa at inilapit sa mukha niya. "Gusto mo malaman 'diba? Pwes pagbibigyan kita." Nakangisi nitong turan. "No, ayokong marinig!" Piglas ko. "Habang pina-plano natin noon 'yung building na'to kinakadyot kita, natatandaan mo? Tutuusin ikaw lang lahat nag-isip ng design at 'yung gagamitin sa building dahil busy ako sa p**e mo, kinakausap mo lang ako kapag medyo nahihirapan ka sa sukat at saan pwede bilhin 'yung naiisip mo." Pag kwento pa nitong seryoso kaya namumula na ako. "Noon pa 'yon kaya pwede ba kalimutan mo nalang." Irita kong turan. "Paano ko kakalimutan kung ayon ang pinaka masayang ala-ala natin?" "Wala akong pake, matagal na 'yon kaya alaala nalang lahat." Nanggagalaiti kong turan at tumalikod na. Nang pipihitin ko na ang doorknob ng office nag salita ito. "Pero 'yon ang totoo, habang pina-plano natin 'tong building kinakadyot kita, at 'yon ang sikreto ng kwento nitong building na tinayo ko. Walang nakaka-alam ng kwento ng building na'to tayo lang." "But I'm thankful, nang dahil sa building na'tong pinalano mo nakilala lalo ang pamilya namin, maraming gustong makipag partnership at kunin ang nag-isip nitong building at gusto ka na nga nilang asawahin." Medyo natigilan ako dahil bakit hindi niya sinabi na ako gumawa non, bakit? "Thank you. Kahit niloko mo'ko my nagawa kaparing tama bilang asawa ko." Nabingi siguro ako sa sinabi niya sa huli. Asawa? "Asawa mo mukha mo, matagal na tayong hiwalay." "Yeah." Ngumiti naman ito na nakakaloko. "Thanks for everything, thank you. Thank you din sa gamot, if you want babayaran ko nalang." Ngumiti naman ako ng pilit habang umiiling. "Hindi ko kailangan, inumin mo na ang isang tableta at magpahinga ka." Paalala ko pa at tumalikod na. Kahit ganon pa man pinatawad kona sila lalo na si Tita, pero 'yung tungkol sa anak namin siguro tyaka na kapag nasa tamang panahon. "Hoy ang tagal mo sagutin! Ano bang ginagawa mo?" Inis nitong turan ng sagutin ko ang tawag. "Sorry busy lang, nga pala my kwe-kwento ako mamaya sa'yo. Mabibigla ka promise." Saad ko na seryoso lang ang mukha habang papalabas ng building. "Sige-sige, dalian mo umuwi mag gagabi na, nga pala sunduin mo ang anak mo pumasok siya kanina kahit my sinat." "Huh? Bakit mo pinapasok?!" "Gusto niya eh, pinilit niya 'ko kanina na gusto niya pumasok. Wala na'kong nagawa kinampihan siya ng Tito niya kaya hinatid namin si Argus." Paliwanag naman nito kaya huminga ako ng malalim. "Sige, ibababa kona ang tawag susunduin ko na ang anak ko, jusko four ang uwi nila pero five na!" "Hindi ko na na sundo dahil busy ako, kami ni devi kaya nga tinatawagan kita pero ang tagal mo sagutin." "Sige, bye." Pinatay ko naman na ang tawag at pumara ng taxi. "Kuya sa Palanan Isabela Elementary school po tayo." Tumango naman si kuya driver at pinaandar na ang makina. Sandali lang ang byahe dahil hindi traffic. "Kuya oh..." Sabay abot ng 200 pesos ulit at lumabas na ng taxi. Agad naman akong tumakbo sa gate dahil naaninag ko ang anak ko na nakaupo sa sahig habang blangko ang mukha. Manang-mana sa tatay, sa totoo lang kapag kaharap ko ang anak ko mabait siya masiyahin pero my tinatago itong ugali kapag wala ako kagaya ngayon seryoso siya. Pansin ko naman na my humawak sa kanyang babae na kaedaran niya lang gusto lang siguro makipag kaibigan. "Don't touch me, we're not even close." Malamig na turan nito at umurong. "Baby Argus ko!" Tawag ko ng akmang tutulak nito ang lalaking bata, pero hindi natuloy dahil agad itong napatingin sa pwesto ko at ngumiti. "Mama!" Sigaw nito habang naglalakad palabas. Nang makalabas ito agad ako nitong niyakap. "Bakit mo ginaganon 'yung batang babae? Babae 'yon dapat nirerespeto mo." Mahinahon kong turan. "But she's so annoying. Simula unang pasukan kopo nung nakaraang linggo laging my mga babae na gusto makipag kaibigan sa akin o di kaya sinasabihan akong pogi, maski lalaki sinasabihan narin akong pogi!" Saad nito na medyo hirap mag tagalog. Halata rin naman sa kanya na iritang-irita ito. Jusko napaka pogi kasi ng anak ko pati lalaki tuloy na in-love na siguro. "Kahit na dapat hindi mo inaaway ang mga babae." "Yes po," nagpabuhat naman ito sa akin kaya binuhat ko at nilagay ko ang palad ko sa nuo niya, medyo mainit pa siya. "What do you want baby ko?" Bigla naman itong nabuhayan. "I want french fries and drinks mama!" Masayang turan nito. "Okay po, iglip ka muna habang papunta tayo." Medyo malayo-layo ang bilihan wala pa akong dalang kotse, siguro lalakad nalang ako pauwi dahol medyo malapit narin naman ang bahay natin. Habang inaayos ko ang laylayan ng jacket ni Argus ng my nakabangga ako. "Sorry miss, inayos ko kasi ang jacket ng anak ko." Paumanhin ko, natigilan naman ako ng nagkatitigan kami sa mata. "Ate Xy?" Saad ni Pia pinsan ni Knight na babae. "Anong ginawa mo dito?" Takang tanong ko at inayos ang hood ng anak ko. Bawal nilang makita ang mukha ng anak ko dahil isang tingin mo palang malalaman mong anak ito ni Knight. "Dito kasi nag-aaral ang anak ko teh, sa private sana kaso alam mona naranasan ko na ang private, mga walang silbi ang mga teacher do'n walang natututunan ang mga studyante. Ikaw bakit andito ka, sino din 'yung batang 'yan? Anak niyo ni Kuya knight?" Medyo kinabahan naman ako "H-hindi, anak ni Vivian ito pinasundo lang sa akin." Kilala niya si Vivian lahat naman ng kaibigan ko dahil nakilala niya na ito noon pa, close niya na nga maski ngayon e. "Ganon, ito pala ang anak ko si Jessica, seven years old, kilala mo naman siguro 'to nung mag asawa pa kayo ni insan." Ngumiti naman ako. "Oo naman, hi baby girl ang laki muna ah." Kumaway naman ako kaya kumaway din ito pabalik. "Hello po Tita!" Nang akmang aangat ng anak ko ang ulo niya pinigilan ko kaagad. "Aalis na'ko uuwi na kami medyo gabi na kasi, nice to meet you again." Nagyakapan naman kami kahit my karga kaming mga anak namin. "Ate kapag my time ka bonding tayo kagaya noon, miss na kita. Nga pala my asawa kana ba ulit o jowa? Anak?" "Wala, stay pretty nala siguro." Tumawa naman kami at nag-apir. "Patingin nga ng baby boy na anak ni Vivian, parang ang bilis ng t***k ko d'yan kanina pa." Nararamdaman niya na kadugo nito ang anak ko jusko. Nang akmang hahawakan nito ang anak ko ng sumiksik ito sa leeg ko. "Don't touch me!" Medyo mataas na boses nito. "Ang sungit naman ng anak ni Vivian, parang si kuya lang, siguro si Devi noon masungit kaya ganyan si baby." Katawa-tawa nitong turan. "Pasensya na sa sinabi ni Argus, my sinat kasi siya, nga pala kaka five years old lang niya." Aniya ko. "Cute ng name, by the way i have to go hinahantay na kami ng asawa ko." Kumaway naman ako habang naglalakad na ito palayo. Ang asawa niya ay 'yung kaibigan ni Knight. Naging kaibigan nalang pala, dahil ang kaibigan talaga ni Knight ay si Claf medyo oa pero minsan tahimik at si Jeff pinaka madaldal at oa. "Muntikan na." Hingal kong turan, hindi ako nakahinga sa nangyari kanina, akala ko malalaman na. "Baby wake up napo, andito na tayo." Malambing kong turan habang tinatapik ito sa pwet. Nag-angat naman ito ng ulo sabay kusot ng mata. "Yehey..." Pumalakpak naman kaagad ito. "Anong flavor ng sa'yo?" Saad ko habang naglalakad palapit sa counter. "Maybe cheese nalang po." Tugon niya. Tinuon ko naman ang paningin ko sa babaeng nasa counter. "Dalawang fries and drinks parehas cheese flavor." Ilang sandali lang ay nakain na namin ang na order namin kaya tuwang-tuwa ang anak ko na akala mo wala itong iniindang sakit. Nang matapos kaming kumain naglalakad na ako habang karga ang anak ko. "Baby, pa check-up tayo gusto mo?" Nag-aalala kong turan. "No, I don't like hospital. Smell like dead people." Maarte nitong turan. "And you know what mama nung nagbayad ka dati ng bill 'yung mga nurse tuwang-tuwa sa akin, akala mo naman papatulan ko ang babaho nila at they look like a zombie. Sa kapogian kong 'to sila lang papatulan ko? No way, over my dead body hindi ko papatulan 'yon." Nangasim naman ang mukha ko sa sinasabi nito. Kelan pa natutong manghusga ang bata 'to? "Anak sa mental na siguro kita kailangan dalhin," tinignan naman ako nito na my pagtataka. "Why?" "Mahangin kana masyado anak, pati ata utak mo napasukan na ng lagnat." Matawa-tawa kong turan. "I'm just saying the truth mama, nakaka bwiset sila poging-pogi sa akin, siguro mama si papa napaka pogi kaya patay na patay ka daw do'n maski siguro ngayon." "Umiglip kana nga." Tinapik ko naman ito sa butt. "Mama tell me kamukha ko po ba sobra si papa kaya napaka pogi ko? Parehas kaming pogi at habulin ng babae?" "Oo, parehas din kayong mahangin." Maktol ko at minadaling maglakad. "Wow, kaya pala pinatulan mo si papa kasi pogi." Pinaningkitan ko naman siya ng mata. "Tigilan mo'ko nak baka magalit sa'yo si mama sige ka." Pananakot ko. "Sorry po, hindi ko na po pala dapat sinabi 'yung tungkol sa ex husband niyo po." Ngumiti lang naman ako. Agad naman kaming pumasok ng makapasok kami sa unit at pinagpalit siya ng damit maski ako. "Let's sleep na." Binuhat ko naman siya ulit at pinahiga sa kama. Hini-hmm ko naman siya na kanta habang tinatapik sa hita. Siguro kapag nakatulog na si Argus papuntahin ko si Vivian, hindi na'ko nakapunta ng bahay nila dahil medyo gabi na, bukas ko narin kunin ang kotse ko sa garahe nila. Habang malalim ang iniisip ko tinapik ako ng anak ko sa balikat. "Mama can I ask a question?" Maamo nitong turan. "About saan po?" Aniya ko. "About papa, nasaan po siya? Bakit hindi po natin siya kasama? Bakit po laging naririnig ko lang si papa sa mga usapan niyo pero hindi ko po siya nakikita?" Sunod-sunod na tanong nito na nagpatigil sa akin. "Nagkaproblema lang sa amin ng papa mo, soon baby malalaman mo rin lahat. Bakit mo pala napag-usapan 'yan?" Sinusuklayan ko naman ang buhok niya. "Mama naiinggit po kasi ako sa mga kaklase ko my mga mama papa sila na nagsusundo sa kanila. Kumpleto po sila samantalang ako mama lang, nakakainggit po." Sumiksik naman ito sa dibdib ko kaya naiyak nalang ako. "Gagawa si mama ng paraan okay, hahanapin ko si papa mo," tumango naman ito. "Promise?" "Yes po, pero now sleep kana muna." Tumango-tango naman ito habang nakangiti. "Yehey... Papa! Papa!" Tuwang-tuwa nitong inuulit ang pagtawag sa tatay niya hanggang sa pahina ng pahina iyon at nakatulog. Bukas ko nalang siguro sasabihin lahat kay Vivian, pagod narin ako at alam kong nagpapahinga narin 'yon. Niyakap ko naman ng mahigpit ang anak ko at pumikit. Kawawa naman ang anak ko. Promise ko gagawa ako ng paraan maging masaya lang ang anak ko, kahit hindi na ako, kahit hindi na kami magbalikan basta makasama lang ng anak ko ang tatay niya okay na'ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD