"BEG AT ME AGAIN MY EX HUSBAND"
CHAPTER 4
Napabalikwas naman ako ng bangon ng biglang maalala ko na ngayon na pala ako magsisimula mag trabaho.
"Shit." Agad naman akong kumuha ng tuwalya, hindi na'ko nag-alala sa susuotin namin ng anak ko dahil kagabi palang naready kona.
"Baby, halika na maligo kana!" Sigaw ko kaya narinig kong my tumatakbo galing sa sala.
"Anong oras na baby?" Medyo taranta kong turan.
"It's already eight o'clock in the morning mama, why po?" Nanlaki naman ang mata ko. 7:00 am pasok ko! Lagot.
Mabilisan ko naman pinaliguan ang anak ko at binihisan ko ng itim na nike shirt at itim na my design na venom na t-shirt nag sapatos naman ito ng Spiderman na diilaw.
"Where are we going mama?" Taka nitong tanong habang inaayos ang bag niya. Nagbaon ako ng extra t-shirt at paracetamol na syrup at ang bimpo nito, kinuha ko naman ang bag nito na pang school pinasok ko doon ang uniform niya pati black shoes.
"My trabaho na po si mama kaya kay tita ka muna. Si Tita narin mag hahatid sa'yo sa school." Saad ko at nilagay sa tabi nito ang dalawang bag.
"Stay here okay, maliligo lang si mama." Tumango naman ito.
"Okay, mama can i use your phone?" Tumango naman ako kaya gumapang ito sa unan at kinuha ang phone ko. Alam niya ang password ng phone ko, birthday niya kasi, January 9, 2018 kaya ang password nito ay 010918.
"Huwag kang kakalikot ng iba d'yan baka my mapindot ka masira ang phone ko." Paalala ko.
"Opo mama." Tumango nalang ako at agad na pumasok sa banyo para maligo.
Mabilisan lang naman ako naligo at agad na lumabas at nagsuot ng business attire dahil wala pa naman sinasabing susuuotin ko kaya ito nalang muna.
Nang nakasuot na'ko ng sucks agad kong sinuot ang itim na heels at agad na kinuha ang suklay at nag light make-up.
"Let's go!" Agad ko naman kinuha ang dalawang bag ni Argus at ang bag ko rin.
"Bilisan mo Argus late na'ko, bakit kasi hindi mo'ko ginising!" Paninisi ko la sa anak ko.
"It's not my fault mama, wala ka namang sinabi sa akin, also can you please slow your walk? I can't breath properly because of you!" Habol hininga nitong turan habang tumatakbo pinapantayan ako.
"Ahhh..." Inda nito.
"Jusko!" Saad ko na hindi ko malaman kung matatawa ba'ko o hindi dahil nadapa ito bigla ng akmang sasakay na siya sa taxi.
"What the!" Nang tignan ako nito biglang nagsalubong na ang kilay nito kaya pigil na pigil ang tawa ko.
"What are you laugh? Hindi nakakatawa 'yon, nadapa na nga tinawanan mo pa hindi mo man lang po ako tinulungan." Inis nitong turan sabay pagpag ng damit. Medyo natigilan naman ako dahil ang ugali niya ngayon ay parang tatay niya kapag napapahiya siya at tinatawanan ko lang.
"Let's go manong iwanan niyo na si mama!" Agad naman akong sumakay ng taxi at niyakap siya.
"Sorry na, baby argus ko." Malambing kong turan narinig ko naman na ang hagulgol nito.
"Bakit mo kasi ako tinawanan mama? Nadapa na nga ako..." Saad nito sa mga bisig ko.
"Sorry na." Pagpapatahan ko.
"It's so embarrassed mama!" Hagulgol nito.
"Tatlo lang naman tayong nakakita kaya stop crying, kasama 'yan sa pagkabata."
"Kahit napo nakakahiya parin sabi nga po nila more than two is many." Pigil na pigil naman ang tawa ko dahil sa inaasal nito.
"Edi sorry na po hindi na mauulit."
"Dapat lang mama, I love you po." Umayos naman ito ng upo ng tignan ako nito agad akong umayos ng mukha kung kanina ay kagat labi ako ngayon wala kang makikitang emosyon.
"I love you too baby ko. Huwag na huwag mo ng uulitin ang ganyang asal hindi magandang tignan, hindi kita pinalaking ganyan." Tumango naman ito.
"Opo mama sorry." Paglalambing nito sa akin.
Sakto naman na andito na kami sa tapat ng baby ni Vivian kaya nagbayad na ako at agad bumaba kasama ang anak ko.
"Bro!" Sigaw ng anak ko sabay takbo sa anak ni Vivian. My pa bro-bro na ngayon ang anak ko napaka bata palang.
"Hi sis! Anong ibabalita mo dapat kagabi?" Saad ni Vivian habang nakayakap sa akin.
"Mamaya nalang siguro, uuwi naman ako ng five or six. Late na nga ako ehh... nga pala ikaw muna bahala sa anak ko."
"Sige lang sis, basta aasahan ko ang I kwe-kwento mo." Aniya pa nito.
"Oo ba, sige alis na'ko, byee!" Kumakaway naman kami sa isa't isa.
Sa kanya ko na pinabantay ang anak ko dahil hindi naman ito nag tra-trabaho house wife lang kung baga.
Nang nasa tapat na'ko ng office ng boss ko rinig ko na kaagad ang pangalan ko.
"Where is she? Nine na wala parin!" Sigaw niya kaya napa sign of the cross ako. Jusko gabayan niyo po ako sa demonyo.
Huminga naman ako ng malalim at kumatok ako ng dalawang beses at pumasok.
"Good morning po, sorry ngayon lang eight na po kasi ako nagisin—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng my ibato itong folder na my bakal na tumama sa dibdib ko pero hindi ko na ininda.
"I don't need your f*****g explanation!" My tinuro naman itong tambak na folder. "Tapusin mo ngayon 'yan. Mamaya kailangan tapos na 'yan dahil kailangan 'yan mamaya sa meeting." Dagdag niya kaya tumango ako habang pigil ang pagtulo ng luha. Ang sakit ng pagkabato niya.
Agad naman akong naglakad sa tumbok na mga folder at binuhat iyon. Ang bigat.
"Get out now." Pansin ko naman na umupo ito sa swivel chair niya at hinilot ang sintido.
"Sir."
"What?!" Tugon niya.
"Saan po ang official ko?" Medyo bulong kong turan na sakto lang para marinig niya.
"Sa kabilang office." Maikling sagot nito at agad binuksan ang laptop nito.
Sakto naman my pumasok na isang poging employee at sakto din na nahulog ang isang envelope kaya ng akmang kukunin ng lalaki 'yon my kumalampag na lamesa.
"Don't you dare! Hayaan mo s'yang kunin niya mag-isa." Sigaw nito kaya bumulong ito sa hangin.
"Sorry." Ngumiti lang naman ako at agad na kinuha ang envelope at agad na lumabas.
Nang makapasok ako sa medyo kalakihang office tuluyan na akong umiyak. "Ang sama niya, hindi naman niya ako kailangan batuhin." Hagulgol ko at agad na umupo sa puting swivel chair, sandali kong hinimas ang dibdib ko kung saan tumama.
Pero agad ko narin naman tinuon ang sarili ko sa mga papeles at agad pinasa sa computer ang mga file at pinirmahan ang dapat pirmahan.
Nasa kalahati na'ko sa ginagawa ko ng my kumatok. "Pasok."
Tinuon ko naman ang paningin ko sa pinto ng office ko at nakita ko ang kaninang lalaki na dapat na tutulong sa akin.
"Lunch na daw po ma'a—ano po ang nasa dibdib n'yong pula, apaka dami!" Medyo sigaw nito kaya napansin kong my mga employees na my sumilip.
Tinignan ko naman ang itaas ng bundok ko. "Wala 'to natapunan lang ako ng ink na pula." Dahilan ko kahit na dugo ko iyon na hindi ko napansin dahil sa sobrang busy ko.
"Ganon po ba," agad naman itong tumalikod sa akin at tinignan ang mga tao sa labas ng office. "Sino ang my extra damit d'yan?"
Agad naman my lumapit sa kaniyang babae. "Ito my polo pa ako na pwede sa kanya." Aniya ng babae kaya lumapit ang lalaki at binigay sa akin.
"Ito ma'am suotin niyo grabing daming ink ng nasa dibdib mo." Kinuha ko naman ito habang naka-ngiti.
"Thank you. Nga pala nice meeting you all. Salamat sa inyo."
"Wala 'yon, sabi nga tulungan ang dapat tulungan dahil pamilya tayo."
"Agree." Sang-ayon ng iba.
"Bagong secretary ka siguro ni Sir. Knight. Pero alam mo ba ikaw palang ang sinusungitan niya sa daming secretary na na a-sign." Kumento ng isang medyo katandaan na babae.
"Oo nga eh.. narinig namin ang sigaw niya. Piling ko nga ang laki ng galit niya sa 'yo." Aniya ng buntis na babae.
"Ewan ko, hayaan niyo ma ganon talaga." Pakikisama ko sa kanila kahit na alam ko kung bakit niya ako ginaganito.
"Nga pala hija kami ang mga employees dito sa rooftop, matataas na kami kaya andito kami." Pag-iiba sa usapan ng lalaking medyo katandaan narin.
Kaya pala my mga iilang office dito pero nakasarado ang mga bintana sila pala 'yon.
"Ganon po ba ang sisipag niyo naman."
"Ganon talaga kapag my binubuhay, ikaw ba my binubuhay ka rin bang pamilya?" Natigilan naman ako sandali hindi na siguro malalaman ng iba kundi kami lang.
"Opo, meron ang anak ko po." Nanlaki naman ang mata nilang lahat.
"Sa ganda mong 'yan my anak kana? Akala ko dalaga ka?" Hindi makapaniwalang opinion nila na ikina tawa ko.
"Twenty eight napo ako, dati my asawa ako nung twenty one, nung twenty na'ko pagka-graduate ko kinasal kami at nagsama ng five years hanggang sa maghiwalay kaya ako nalang bumubuhay sa anak ko." Pag kwento ko pa kaya ang iba ay napasarado ng bibig sa gulat.
"Gosh grabi naman ang nangyari sa'yo. Pero kakayanin mo 'yan, laban lang para sa ating mga magulang!" Medyo sigaw ng babae kaya nakisama ako.
"Para sa anak lalaban kahit wala ng matira sa atin!" Tumango naman sila maski ang mga lalaki.
"Hep-hep tama na 'yan mag lunch na tayo. Ikaw Hija sumunod ka nalang sa canteen sa baba, mag palit ka muna ng pang-itaas."
"Sige po, ako nga po pala si Xyrille pero pwedeng Xy nalang." Kumaway-kaway naman sila habang ang iba ay sinasabi pa ang pangalan ko kaya natawa nalang ako.
Nang wala na akong naririnig na ingay agad akong lumapit sa napaka malaking salamin sa kwarto ko at dahan-dahan na ina-unbotton ang botones ko.
Nang mabuksan ko na lahat ng botones kita ko sa salamin ang medyo kalakihang hiwa sa medyo malapit sa gitna ng dalawang bundok ko paangat, pansin ko rin na malalim ito at dumudugo parin kaya kinuha ko sa bulsa ang panyo at pinunas iyon sa nagkalat kong tugon hanggang sa pisngi ng s**o ko.
Habang pinupunasan ko ang sugat bigla akong napainda ng ma mali ako ng punas kaya mangiyak-ngiyak ako.
"Sakit, ang tanga ko naman." Paninisi ko sa sarili ko.
Bigla naman na tuon ang pansin ko sa salamin at pansin kong my nakatayong tao sa pinto na nakasilip kaya agad akong napatingin doon at napatakbo. Nang sumilip ako sa pinto nilingat lingat ko ang paningin ko pero maski isang tao wala kaya medyo kinabahan ako.
Tao ba 'yon?
"Gutom lang siguro." Aniya ko sa sarili sabay lakad ulit sa salamin na nasa dingding at tinapos na ang pagpunas ng sugat ko.
Agad naman akong nagpalit ng polo na ibinigay na sa akin na kumasya sa akin pero medyo masikip sa bandang bundok ko.
"Puputok na ang botones ko, nagipit sa tela." Matawa-tawa kong turan.
No choice wala naman na akong damit na iba.
Bigla naman my pumasok sa pinto kaya napaayos ako ng tuwid.
"S-sir." Yumuko naman ako at pansin kong palapit ito sa akin.
Medyo nagulat naman ako ng my ibigay itong plastic ng Jollibee. "Take this. Huwag ka ng bumaba dahil mauubusan ka ng oras. Kumain ka habang tinatapos 'yan." Walang buhay nitong turan.
Kinuha ko naman iyon. "Thank you po." Bigla naman itong napatingin sa dibdib ko.
"Blood?"
"Ink po 'yan Sir." Tanggi ko sabay tingin sa polo ko pansin kong my mantsa na naman.
"Obvious naman na dugo 'yan." Sabay duro sa dibdib ko kaya tinignan ko ulit iyon na ikina laki ng mata ko dahil bumitaw na ang botones na tumalsik pa sa matipunong katawan nito, kasabay non ang pag talbog ngsuso ko at kitang-kita na ang hiwa ng sugat ko na umaagos na naman.
"Dahil ba 'yan sa binato kong folder na my bakal?"
"H-hndi po Sir. Dahil po ito sa katangahan ko." Tanggi ko ulit na ikina simangot nito.
"Don't deny, my sugat ka sa dibdib kung saan kanina tumama ang folder!"
"Are you okay?" Pag-aalala nitong turan sabay hawak sa sugat ko kaya medyo hawak nito ang kalahati ng s**o ko na ikina tigil ko.
Nang ma-realize niya ang ginawa niya dahan-dahan nitong binaba ang kamay na medyo nanginginig pa. "Sorry. Sorry sa ginawa ko mainit lang kasi ulo ko. Papakuha nalang kita sa stack room ng polo na kakasya sa'yo lalo na my mantsa na. Tyaka 'yung uniform mo na susuuotin mo lagi, mamaya kunin mo kapag natapos kana d'yan." Medyo utal nito sabay lakad palabas ng office ko.
Hindi ko alam kung napipilitan lang siyang gantihan ako sa ginawa ko daw noon sa kanya. Dahil kung disidido siya na gantihan ako hindi dapat siya mag-aalala at magsorry o mag explain man lang, dapat nga matuwa pa siya dahil sa nangyari sa akin eh.
Pero hindi kabaliktaran lahat ang nangyari, nag sorry siya at nag explain kung bakit niya ginawa iyon.
Tama nga ako kahit ilang years na ganon parin siya hindi siya ng bago, sadyang sa puso lang niya my nakatanim na galit at sakit na matagal ng nakatago na ngayon nalang nailabas dahil nakita niya na ako pero my side parin siya na nagsisisi siya sa ginagawa niya sa akin na pananakit kagaya kanina.
Kahit naman my ugali siya my awa parin siya.
Bakit kasi umepal pa ang mom at ex niya? Bakit kasi gumawa ng paraan para kagalitan ako ni Knight? Wala naman akong ginawa.