“Hmmm. This cake is delicious. Mabuti na lang pala at may natira pa.” Enjoy na enjoy si Lyza sa pagkain ng biniling cake.
Isa ito sa pinagkakasunduan nilang dalawa. Both Lyza and her loved to eat sweets. Nang minsang sinubukan niyang magnegosyo, si Lyza ang number one suki niya. Palagi itong nagpapagawa sa kaniya ng cake o kaya naman ay mga cupcakes. Minsan pa’y inaalok rin nito ang mga ka-blockmate.
Sadly, hindi lahat ng classmate nito ay gusto siya. They saw her as lowly. Minsan ay napaparatangan pa siyang janitress kahit hindi naman.
Noong una, nasasaktan pa siya pero sa pagdaan ng panahon nasanay na siya.
“Tama ka. Hindi sobrang tamis,” komento naman niya bago itinuloy ang pagkain.
“I’ll buy another after this,” excited na saad ni Lyza na nilangkapan pa ng masiglang pagsubo.
Akmang susubo rin si Eila nang mapukaw ang atensiyon nila nang pagtunog ng cellphone ni Lyza.
“I’ll get this,” ani Lyza at mabilis na sinagot ang cellphone. “Hey, mom!” masiglang bati nito sa kausap sa cellphone. Hindi na maiikaila kung sinong tumatawag. Sandaling tumigil si Lyza sa pagsasalita at pinakinggan ang nasa kabilang linya.
Tahimik namang ipinagpatuloy ni Eila ang pagkain.
“Pero katatapos pa lang po ng exam namin. I just want to stay with my friend first,” parang batang nagmamaktol na ani Lyza. Sumimangot pa ito hanggang tuluyan nang nawala ang sigla kanina. “Hindi po ba pwedeng next time na lang?”
Natigil na sa pagkain si Eila at pinagmasdan ang kaibigan na hindi na maipinta ang mukha.
“Fine. I’ll be there,” napipilitang sumang-ayon si Lyza sa kung anong sinasabi ng ina. Dala ng inis, hindi na ito nagpaalam at pinatay na ang cellphone.
“Bakit?” pag-uusisa niya.
“Kailangan ko nang umuwi.” Nakanguso na si Lyza. Halatang-halata sa mukha nito ang inis.
“Bakit daw?”
“Kailangan kong samahan si mommy sa dinner meeting niya ng mga investors.”
Pinigilan ni Eila na mapataas ang kilay. Why it seemed familiar?
“At kailangan mong sumama?”
Nakangusong tumango si Lyza. “I don’t want, but I have to. Ano bang gagawin ko roon? Tutunganga sa kanila habang nag-uusap sila? Ni hindi ko manguya nang maayos ang kinakain ko dahil para lagi nilang pinapanood ang kilos ko.”
“Sinabi mo ba sa mommy mo na hindi ka komportable?”
“Yeah,” mahinang anito. Binalikan nito ang cake na kinakain kanina. This time, she just cut it into pieces. “But she never listens. Lagi niyang sinasabi na para sa akin naman lahat daw iyon o kaya baka magalit si daddy kapag hindi ako sumunod.” Nag-angat ito ng tingin sa kaniya. “Kaya minsan naiinggit ako sa’yo. Napakasimple ng buhay mo. You don’t have to put mask just to please people na in the first place ay hindi mo naman kilala. Pwede mong gawin lahat ng gusto mong gawin. Sometimes, iniisip ko na sana hindi na lang kami naging mayaman ng ganito. Though, thankful naman ako …”
Lihim na napangiwi si Eila sa sinabi ng kaibigan. Kung alam lang nito. “S-so, anong plano mo?” Bahagya pa siyang tumikhim para palisin ang tila nakabara sa lalamunan niya.
“Kailangan ko nang umalis. Papunta na ang driver ko kanina pa, so any minute andito na siya.”
“Naiintindihan ko, pero minsan kausapin mo rin ang mommy. Ipaliwanag mo sa kaniya ang lahat.”
“I’ll try,” bahaw na ani Lyza.
“Mabuti pa’y tara na. Samahan kita palabas.”
Ngumiti si Lyza. Kinuha na nila ang mga gamit at tumayo na. “Thank you and sorry, Lei. Sa sunod na lang ulit tayo ha,” pamamaalam ni Lyza habang naglalakad na sila palabas ng cafeteria. “Bawi na lang ako sa’yo sa sunod.” She sounded apologetic and worried.
“Sus, wala iyon. Salamat sa treat ha.” Hindi pa sila nakakalabas ng building ay natanaw na niya ang pamilyar na sasakyang madalas sumusundo rito. “Nandiyan na nga ang sundo mo."
“Sige na, Lei. Bye.” Nagmamadali na itong lumabas at doon na hinintay ang sasakyan.
“Bye rin,” pahabol niyang wika habang palayo ito. Tahimik na lang niyang pinagmasdan ang kaibigan na sumakay sa magarang kotse at makalayo ang sasakyang kinalululanan nito.
It suddenly reminded her of past life. Madalas siyang ipinasusundo ng kaniyang daddy para isama nito sa mga meeting ng mga hindi nakikilalang tao just to show up her. At kadalasan, kasunod na niyon ay ang walang kamatayang arranged marriage.
Ano pa nga bang dapat asahan?
Isasama lang si Lyza dahil baka bigla ma-OP mommy nito habang kasama ang mga investors? That’s absurd!
Lyza always nagged that she didn’t even know her mother’s friend. At hindi niya kailangang maging genius para malaman kung bakit madalas itong isinasama ng ina.
Nang tuluyang mawala ang sinasakyan ni Lyza ay dumiretso na lang si Eila sa office ni Tita Gen. Naalala niyang kailangan nga pala niyang dumaan doon bago umuwi.
Nang sapitin niya ang tapat ng opisina nito ay tatlong beses siyang kumatok bago pumasok. Hindi pa siya tuluyang nakakapasok ay nakaabang na ng tingin sa kaniya si Tita Gen. Nakasandal ito sa swivel chair sa likod ng mesa. Mukhang inaasahan na nito ang pagdating niya.
"Good afternoon po, Mrs—I mean Tita."
"Same here, Lej. Maupo ka na muna. Nagmeryenda ka na ba?"
Umupo siya sa upuang nasa harap ng mesa nito. "Opo, kasabay ko po si Lyza."
Tumango – tango ito. May kabang dumaan sa dibdib niya nang mapansin ang kaseryosohan ng mukha nito. Madalas ay nakangiti ito kapag nagkikita sila kaya pansin niyang may hindi tama.
“May problema po ba, Tita Gen?” Hindi mapigilang tanong ni Eila.
Bumaba ang tingin nito sa mesa. “Your mother messaged me.”
Napalunok siya dahil sa sinabi nito.
“But it’s nothing to worry about. Gusto niya lang kumustahin ang kalagayan mo.”
“Alam na po ba ni daddy na narito ako?”
Umiling-iling si Tita Gen. “Wala siyang alam. Walang binabanggit si Freya tungkol sa daddy mo.” Ipinatong nito ang dalawang siko sa ibabaw ng mesa at pinagkrus ang dalawang kamay bago humilig patungo sa direksyon niya. “Alam ni Freya na ngayon ang finals mo at anytime, malapit na ang graduation mo.”
“Hindi siya pwedeng pumunta po rito,” mabilis niyang gagad kahit hindi naman siguradong pupunta ang ina.
“She knows that and it pained her.”
Mariin niyang nakuyom ang kamao. Madalas niyang itanong sa sarili kung tama bang iniwan niya ang ina sa poder ng ama. Subalit alam niyang mas mahihirapan siyang magtago kung kasama ito. Easton Montenegro might be a dictator, but he loved his wife so much. The kind of love that oppressed her mother, and her mother was a willing captive.
“You know she loves you.”
Ngumiti siya. “Alam ko po.”
“May panahon pa bago ka tuluyang bumalik sa daddy mo.”
Nangako siya noon na bago humarap sa ama ay ‘yung may maiipagmalaki na siya subalit sa nakalipas na tatlong taon, ang tangi lang niyang maiipagmalaki rito ay makakatapos na siya ng kolehiyo ng walang tulong mula rito.
And it wasn’t enough.
“Bakit hindi ka pa sa bahay tumira? You can stay with us."
Napatingin siya rito bago marahas na umiling. “Alam ninyong hindi pwede, Tita."
“Kahit alam mong pwede kitang tulungang umangat?” Naging makahulugan ang paraan nang pananalita nito.
“Kapag nalaman ng buong Montenegro na isang Oliviera ang nagtatago sa akin, baka magkaroon po ng malaking problema ang dalawang angkan. I don’t mean to make things worse. Magkaibigan ang angkan natin at mananatili iyong ganoon.”
“Easton don’t have the guts to wage war.”
“Hindi po tayo nakakasigurado.”
She heard her sighed heavily. “Fine. I won't insist. But I want you to take care. Iwasan mo na munang lumabas lalo na kapag gabi."
Napakunot-noo ako sa kanya. Hindi naman sa ugali niyang lumabas ng gabi subalit nakapagtataka na out of the blue ay sasabihin iyon ni Tita Gen.
“Hindi na tungkol kina mommy at daddy ang paalalang iyan?”
Sumandal si Tita Gen at mariing naipikit ang mga mata.
“May isa ka pang problema bukod sa’kin?” Hindi niya mapigilang hindi mag-usisa.
“Hindi ka problema o magiging problema, Eila." Iminulat nito ang mga mata at matalim na tiningnan siya.
“But you looked stressed."
“I'm not sure kung nakarating na sa'yo ang balita tungkol sa nangyari Kay Tom."
"Tom?” Sandali siyang nag-isip kung saan narinig ang pangalan na iyon.
"Tom is one of the students here specifically in Allies."
Dahil sa sinabi nito ay tsaka niya naalala ang tungkol sa lalaki. “Siya po ba 'yung binugbog na estudyante?"
"Yeah, that's right. Tom came from a wealthy family. Hindi problema ng AllyRose ang funds pero hindi ibig sabihin noo’y hindi tumatanggap ang institution ng donations. Dahil sa nangyari, they kept on nagging us why we let it happened.”
“Pero bakit ang school ang magsho-shoulder nang nangyari? I mean…” Natigilan siya sa pagsasalita nang ma-realize ang posibleng sagot sa tanong niya.
“Dito sa loob ng campus siya nabugbog.” Itinuloy ni Tita Gen ang hindi niya magawang sabihin.
Namimilog ang mga matang napatulala siya rito. “Pero paanong?”
Naihilig nito ang ulo bago hinilot ang sentido. “May nakapasok na taga-ibang school nang hindi nalalaman ng security. Nagsimula sa isang simpleng laro. Isang pustahan. But that bet that got out of hand.”
“Si Tom ang nagpapasok sa mga taga ibang school…” mahinang anas niya.
“Hindi ko pwedeng ikatwiran iyan sa kanila. Anumang mangyari, pananagutan ng paaralan ang mga batang nasa loob."
Natahimik siya. Kahit siya ay hindi alam kung anong gagawin. Mukhang tama si Lyza. Mas masarap na lang maging isang simpleng mamamayan.
“Nakausap mo na ang mga magulang ni Tom?”
“Yes. Hindi pumayag ang parents ni Tom na hindi makaganti lalo na nang nalaman nilang nakalabas ng kulungan ang binatilyong halos pumatay sa anak nila."
“Anong plano mo po, Tita?"
“Darating si Mr. Kyde. I’ll talk to him first. Try things out kahit parang malabo.”
Napakurap siya nang marinig ang pamilyar na pangalan. “S-sino po siya?”
“He’s Tom’s eldest half-brother.”
Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang maalala ang nangyari kanina sa labas ng cafeteria. Hindi siya maaaring magkamali. Ang Mr. Kyde na kausap ni Mr. Guanco at ang Mr. Kyde na sinasabi ng Tita Gen niya ay iisa.
“Do you think, mapapakiusapan ninyo po siya?”
“Iyan ang hindi ako sigurado. I’ve never met the man, but I heard rumors about him.” May kakaibang ngiting sumilay sa labi ni Tita Gen. And it wasn’t a good smile. “It isn’t a good one.”
May kabang bumalot kay Eila dahil sa sinabi nito. Sandali pa lang niyang nakasangang-daan ang lalaking sinasabi nito pero ang takot na nadama niya kanina ay walang paglagyan.
Paano pa kaya kung pangunahan ito nang matinding galit dahil sa nangyari sa kapatid?
Tinitigan niya ang kaniyang Tita Gen habang lihim na nananalanging matagumpay nitong makausap ang lalaki.
*****
ShimmersErisJane