CHAPTER TWENTY-FOUR “No Good byes”

1612 Words

Malalim na ang gabi pero hindi pa rin dalawin ng antok si Eila. Kanina pa siyang nakahiga sa kama at pabiling-biling. Nagsimula na rin siyang maglipat ng ibang files, pictures at videos mula sa lumang cellphone patungo sa bago niyang cellphone na bigay ni Lexie hanggang sa napagod na siya. Sa huli, minabuti niyang bumangon. Binuhay niya ang lampshade sa kanan ng kama bago tumungo sa veranda ng silid. Malamig ang simoy ng hangin na sumalubong sa kaniya. Wala sa loob na niyakap niya ang sarili habang nakatingala sa kalangitan. Bilog na bilog ang buwan. Nagliliwanag iyon na halos matakpan ang liwanag ng ibang bituin. Wala sa loob na napangiti siya. Gumagaan ang dibdib niya sa tuwing tumitingin siya sa kalangitan. Para bang may tinatagong hiwaga ang buwan. Hiwaga na sa tuwing tumitingin siy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD