Tinulungan siya ng Mama nyang mag-impake Sabado ng gabi. Isang bag lang ang dadalhin nya. " Iyan lang? Parang magbabakasyon ka lang, ah," nagtatakang tanong ng Mama nya. Parang ganun na nga... Hindi nya alam kung ilang buwan lang siya mananatili doon. Si Riley ang magdi-decide kung kailan sila "maghihiwalay" kuno. " Hindi ko alam kung ano talagang nangyari sainyo ni Riley pero alam kong mahal mo siya. Gamitin mo ang pagmamahal na iyan para manatili siya sayo. Ipakita mo kung gaano mo siya pinapahalagahan nang sa bandang huli ay ma-realize nya kung ano talagang nararamdaman nya sayo," hinawakan ng ina nya ang mukha nya nang sabihin iyon. Napaiyak na naman siya sa sinabi nito. Wala ‘atang araw na di siya umiiyak nang linggong iyon. Nabuhayan siya ng loob sa narinig. Since wala naman siy

