Maaga siyang gumising kinabukasan dahil tutulungan nya si Manang Elba sa paghahanda ng almusal ni Riley. Wala pang alas singko ay naligo na sya at hinihintay ang matandang kasambahay sa kusina. Nagulat pa ito nang mabungaran siya sa kusina. " Good Morning, Manang," bati nya dito. " Good Morning din. Gutom na po ba kayo? Hindi ba kayo kumain kagabi?" agad na tanong nito. " Ay, hindi pa po ako nagugutom saka kumain naman po ako kagabi. Tutulungan ko lang po kayo sa pagluluto," tumayo na siya nang sabihin iyon. " Huwag na , Maam, kasi madali lang naman lutuin iyong almusal ni Sir Riley." " Ano po ba’ng paborito nyang almusal?" " Kadalasan fried egg lang saka hotdog saka minsan if may iba siyang niri-request, iyon iyong niluluto ko." " So, ano po’ng lulutuin nyo ngayon?" " Fried rice

