Mag-aalas dose na ay di pa rin bumabalik si Riley. Kanina pa siya matamang nakikinig kung pumasok na ito sa kwarto nito pero masyadong tahimik pa rin ang paligid. Bumangon siya sa kama. Hindi siya makatulog hangga't di nya alam na nakauwi na si Riley. Naisipan nyang pumunta ng kusina upang magtimpla ng gatas. Matagal na nyang naririnig na nakakatulong daw iyon kung nahihirapan kang makatulog, so susubukan nya kung totoo nga iyon. Nang makalabas ng kwarto ay pareho pa silang nagulat ni Riley. Kadarating lang nito at papunta na sana ito ng kwarto. He suddenly smirked. " You waited for me? Still acting like a real fiancee, huh?" tumigil ito sa paglakad papunta sa kwarto nito. " P-pupunta lang sana ako ng kusina," nagsimula na namang uminit ang mukha nya. " Kusina na naman," patuyang ngum

