Tahimik silang kumakain ni Riley. Maya-maya ay tumunog ang phone nito. Pasimpleng tiningnan nya ito at nakita nya ang pagliwanag ng mukha nito nang tingnan kung sinong tumatawag. Tumayo ito bigla at umalis bago sagutin ang phone pero bago pa man ito makalabas nang tuluyan ay narinig nya nang sagutin nito iyon. " Raine!" kahit hininaan nito ang boses nang sagutin ito ay dinig na dinig nya ang pangalang iyon. Halata din sa boses ang kakaibang sigla nito nang sagutin ang tawag. Lumabas na ito nang tuluyan sa kusina kahit di pa man ito tapos kumain. Napayuko siya habang pilit na tinatapos ang pagkain. Nagulat na lang siya nang may mga luhang pumapatak sa plato nya. Pinahid nya iyon habang patuloy sa pagsubo. Para siguro siyang sira tingnan. Hindi pa rin bumabalik si Riley kaya't niligpit na

