Alas nuebe ng umaga na siya nagising. Napabalikwas siya ng bangon nang makita ang oras. Agad na nahila nya pataas ang kumot nang makitang wala pala siyang saplot. Nakatulog pala siya uli nang di man lang nakapagbihis. Uminit uli ang mukha nya nang maalalang dalawang beses siyang inangkin ni Riley. Nakita nyang wala na ito sa kama. Bumangon siya kahit parang binugbog ang pakiramdam ng katawan nya. Naligo siya agad. Nang magbihis ay nakita nya ang mga marka ng mga halik ni Riley sa buong katawan nya. Buti na lang at natatakpan ng damit ang mga iyon. Bumaba siya. Alam nyang kanina pa din umalis ang Mama nya kaya't mag-isa lang siya sa bahay. Pagkakain ay pumasok na uli siya ng kwarto para tapusin ang trabaho. Paminsan-minsan ay natitigilan siya sa tuwing naaalala ang maiinit nilang tagpo ni

