Nang magising siya kinahapunan ay naligo siya uli para makapagtrabaho. Ayaw na muna nyang isipin si Riley. Napapagod na siya. Nakatutok na ang buong atensyon nya sa painting. Kailangang maibigay nya iyon bago matapos ang linggo. Kinatok siya ng Mama nya para kumain nang malapit nang mag-alas otso ng gabi. Tumigil siya sa ginagawa at inunat ang mga kamay. Bumaba siya at dumiretso ng kusina. Nagulat pa siya nang makitang nakaupo si Riley doon at masayang nakikipagkwentuhan sa Mama nya. Natigil sa pag-uusap ang dalawa nang mapansin siya. Gusto nyang bumalik sa kwarto at magpalit dahil masyadong gusgusin ang mukha nya. Puro pintura ang tshirt nya at alam nyang may mga pintura din ang kamay nya at mukha. Hindi siya naghugas muna ng kamay pagkatapos ng ilang oras na trabaho dahil nagiging dahi

