Giniya siya ni Riley palabas ng kusina habang yakap pa rin siya sa beywang. Sinalubong nila ang mga magulang sa sala. Agad siyang napangiti nang makita ang Mama nya at Mama ni Riley. Umalis siya sa pagkakahawak ni Riley. Nilapitan nya ang Mama nya at yumakap dito. Nilapitan din nya ang Mama ni Riley. " Nahiyang ka yata dito, Leigh. Parang ibang aura mo ngayon," nakangiting sabi ng Mama ni Riley. Namula siya sa sinabi nito. " Baka mas mauna pa ang apo namin kesa kasal," dugtong pa ng Mama nito. Lalong nag-init ang mukha nya. Nakangiting lumapit si Riley sa kanya saka hinapit sya uli sa beywang pero hindi naman ito nag comment pa sa sinabi ng ina. Masayang-masaya ang mga mukha ng mga magulang nila. Inanyayahan na ito ni Riley sa kusina habang hindi pa rin binibitiwan ang paghapit sa bey

