Alam nyang pumupunta si Riley sa studio nya kada uwi nito galing opisina pero hindi nya ito nilalabas. Nagti-text ito para ipaalam na nasa labas ito pero as usual hindi siya nagri-reply. Natatakot siyang umasa uli lalo't nabasa nya sa isang magazine na uuwi ng Pilipinas sa susunod na buwan si Raine. Kapag pumupunta naman ito sa painting sessions nila ay laging nauuwi iyon sa mainit na tagpo. Minsan naiinis na rin siya sa sarili dahil nagpapadala pa rin siya sa bugso ng damdamin. Ang dalawang linggo lang sana na session nila ay umabot ng isang buwan dahil ang isang oras na dapat ginugugol nya sa pagguhit ay nahahati dahil sa mga maiinit na tagpong pinagsasaluhan nila. Wala silang pinag-usapan tungkol doon. Hindi na rin siya nag-eexpect ng kung ano. Hinahayaan nya na lang ang mga pangyayari

