Nagpacheck-up nga sila at kinumpirma ng doktor na magta-tatlong buwan na ang ipinagbubuntis nya. Mabilis na inasikaso nila ang kasal nila bago pa lumaki ang tiyan nya. Bago ang kasal ay nakipagkita si Raine sa kanya at humingi ng tawad at sinabi din nito ang lahat ng sinabi ni Riley sa kanya. Masaya na rin daw ito sa bago nitong boyfriend at may plano na rin daw magpakasal ang dalawa. Masayang-masaya siya sa araw ng kasal nila. Hindi pa masyadong halata ang tiyan nya. Sa isang malaking simbahan ginanap ang kasal. Kumpleto ang lahat. Inimbitahan nila si Raine pati na ang fiance nito. Nakita din nya uli ang kapatid ni Riley, dalagang dalaga na din ito. " I knew it! Kayo talaga ni kuya ang magkakatuluyan," nakangiting sabi ng kapatid nito nang yakapin siya. Ngumiti lang din siya dito at n

