Chapter 6

1214 Words
Ilang araw nang kasa-kasama ni Rowan si Levi, at ramdam niyang attracted na talaga siya rito. Ang dami kasi nilang similarity -- lalo na sa issue niya sa parents. “Grabe kaya ang galit sa akin ni Papa nang nalaman niya ang ginawa ko. Talagang ginulpi ako at pinalayas,” natatawang kwento nito sa kanya habang nasa terrace sila ng bar nito para magpahangin at ito naman ay magyosi.  Kwento nito, pinapakuha ito ng Political Science bilang pre-law pero Foreign Relation ang kinuha nito. Graduation na mismo nang malaman na ibang kurso pala ang tinapos ni Levi.  “I can’t blame them, to be honest. Dinoktor mo ba naman kasi ang enrollment form mo. Talagang mapapalayas ka no’n.” Rowan felt bad for being amused by such a tragic story. “I know. But who cares? At least, hindi ko pinagdusahan ang isang kursong hindi ko naman gusto.” Inubos nito ang yosi saka diniin sa ash tray para mamatay ang upos. “Kaya ikaw, advice ko sa iyo, if you want to pursue something, go for it. Wag mong hayaang diktahan ka ng mga magulang mo. Kung dumating pa sa puntong kailangan mong lumayas, just do it. Adult ka naman na. Dapat ikaw na ang magdesisyon niyan para sa iyo.” Natahimik tuloy siya sa payo nito. Levi’s advice actually scared him. Parang hindi niya kakayanin ang ginawa nito. - Linggo noon. Umagang-umaga’y bad trip si Rowan dahil hindi siya makakauwi. Umasa pa naman kasi siyang sa Bataan siya mula bukas. But when he remembered Levi, he suddenly became thankful na hindi sila makakauwi ni Lianna. May chance pa siyang kilalanin pa ito nang lubos. Who knows, baka maging interesado na ito sa kanya within those days. Ay, s**t! May band practice nga pala siya today. Bassist ito ng isang bandang tumutugtog sa bar tuwing linggo sa Blackjack, ang bar nito. Kaya naman ang ating bida ay muli na namang na-bad trip. At hindi iyon lingid sa kaalaman ng kanyang nagmamagandang younger sis. Lianna bumped her hips against his while he was washing the dishes. He growled in annoyance and immediately regretted it and silently hoped his aunt did not hear it. “Sungit mo na naman.” Napaikot ito ng mga mata saka kumuha ng baso sa cupboard. Hindi na lamang niya ito pinansin. Baka masinghalan pa niya ang kapatid. Natutulog pa naman ang tita nila.  Umuwi kasi ito nang lasing kagabi kaya iyan at lagapak. Sobrang careful tuloy nila sa paggalaw dahil baka magtatalak na naman ito. “Kuya, labas tayo,” aya ni Lianna matapos uminom ng tubig at ilapag ang baso sa lababo. “Sa’n naman tayo pupunta?”  “Kahit saan.” Tapos, nilapit nito ang bibig sa tenga niya. “Basta mapalayo lang tayo dito. Mahirap na at baka magwala na naman.” Nginusuan nito ang kwartong nakasara. Oo nga naman. Tumango-tango siya. Pasado alas nueve na rin noon. Kung hindi siya nagkakamali, pabukas na ang katabing mall. Naisip tuloy niya na sana pala ay hindi na muna sila nag-breakfast, pero agad din niyang naisip na tama lang na nagluto siya at baka magwala ang tita niya kapag wala itong nadatnang pagkain. So at the end, Rowan agreed with Lianna. Pinauna na niya itong maligo at habang siya naman ay tinapos ang trabaho sa kusina.  - Two hours later… Humiwalay si Rowan sa kapatid. Gusto kasi nitong mag-shopping habang siya naman ay gustong magtingin ng bagong libro. He was checking a crime fiction novel when he heard a commotion. He looked around and found a group of girls going gaga on something. “Anong meron?” tanong niya sa sarili saka lumapit. Nasa bandang rack ng mga naka-sale na book iyon, at naisip niya na baka may dinagdag na popular book. But it was not. May pinagkakaguluhan silang tao. Si Darryl! Napamulagat na lamang si Rowan. Anong ginagawa nito dito? Biglang ibinaling nito ang tingin niya. His mouth moved to say a silent “Uy!”. Ngumiti pa ito bago muling tinuon ang atensyon sa mga nagpa-picture. Once they were done, lumapit ito sa kanya. “Hi Rowan?” nangiting bati nito. “What’s up?” Ilang ulit siyang napakurap. Si Darryl ba talaga itong nasa harapan niya at kumukumusta sa kanya? Napapikit siya nang mariin. Hay nako, self! Ba’t ba until now e amaze na amaze ka pa rin na nagkakalapit kayo. Samantalang nakapasok na nga iyan sa condo. Pagdilat niya, nakita niyang nakatingin ito sa hawak niyang libro. “What’s that?” Kinuha nito iyon sa kanya at binasa ang title. “A noodle shop mystery. Death by Dumpling. By Vivien Chien. Maganda ba?” He shrugged his shoulder. “Kakakita ko lang.” Darryl scanned the blurb quickly. “Hmm… this is interesting. Gusto mo bang bilhin?” Tumango siya. “Oo sana. Kaso medyo pricey.” Darryl checked the tag. “Three hundred pesos lang naman ito, ah? Mura lang ito.” “Lang. Three hundred peso lang,” labas sa ilong niyang pag-uulit.  Napakamot ng ulo si Darryl. “Mahal ba? Sorry. Pero kung gusto mo naman, bibilin ko na lang para sa iyo.” Nilabas nito ang wallet mula sa back pocket. Napamulagat siya. Pinigilan niya itong maglabas ng pera. “Huy, hindi na! Nakakahiya!” Tapos, inagaw niya ang libro. “Babalikan ko na lang ito. Marami pa naman akong nakitang copies e.” “I insist. Ba’la ka, baka maubos na iyan kapag bumalik ka.” That made him think otherwise. Typical dukhang book collector problem: nauubusan ng kopya dahil hindi nabili agad. While he’s unfazed, Darryl took the opportunity to snatch the book. “Don’t worry about it. Maliit lang na halaga sa akin ang three hundred. Saka bibilhan ko ng art mats si Clark. Sabay ko na sa bayad ito.” Tapos, biglang umakbay ito sa kanya. “So, come join me?” Inalis nito ang sunglass saka kumindat. Putang… Napalunok na lang siya sabay iwas ng tingin. Ang gwapo, s**t! He unconsciously put his balled fist on his chest. Ramdam niya ang pagtigidig ng kanyang puso. Darryl laughed softly, before patting his head. “Let’s go!” Tapos, giniya siya nito papunta sa section ng mga art material. Rowan followed slowly and cautiously. Natatakot talaga siya na baka mahalata ni Darryl na naaapektuhan siya sa presensya nito. Shit naman kasi! Ba’t bigla ka na namang nagparamdam? He already stopped thinking about him for almost a week already. Spending time with Levi made it easier. Kaya ngayong bumalik na naman ang kinitil nang nararamdaman, gusto niyang magwala. Suddenly, his phone vibrated. When he checked what it was, nag-text si Lianna. Enjoy your time with Kuya Darryl, Kuya! ;)  What? He looked around and saw Lianna outside through the clear glass panel. Kumaway ito sa kanya habang nakangiti na mapang-asar. What the hell? But before he could do anything, kumaripas ng takbo ang kapatid. Hahabulin sana niya ito pero biglang nagsalita si Darryl. He was asking which to choose between the two sketchpads he was holding. “Ito na lang sigurong mas malaki,” payak niyang sagot. He might sound calm when he replied, but deep inside, nagngingitngit siya. Kaya naman pala sumulpot na naman si Darryl. May kinalaman na naman ang walang hiya niyang kapatid!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD