Roaming inside the bookstore casually with Darryl was more exhausting than Rowan thought. Panay ang lapit ng mga tao rito para magpa-picture. Wala naman sanang kaso sa kanya dahil pwede naman siyang lumayo pero siya ang madalas na inuutusan para mag-picture.
“Rowan, sorry, ha?” paumanhin ni Darryl sa kanya nang sa wakas ay makalabas na sila ng bookstore. “Hindi ko inasahan na marami na palang tao dito kahit ganitong oras.”
“Yeah right.” Napaikot pa siya ng mga mata. To be honest, may impression siya na personal assistant ang tingin sa kanya ng ibang taong nakakakita.
“Sa’n na tayo?” tanong ng lalaki. Ito ang may hawak ng napamili nila, including his book.
“Tayo?” nagtatakang aniya.
Tumango ito. “Ayaw mo ba? Gala muna tayo.”
Napakamot tuloy siya ng ulo. Grabe, ang comfy niya masyado around me. Para namang sobrang close kami kung umasta.
“So sa’n mo gusto?” muling tanong nito. “Gusto mo magpunta ng National Museum?”
And that caught his interest. “National Museum?”
“Oo. Lapit lang yun dito, ah?”
Alam niya iyon, syempre. Dati pa nga niya pinaplanong magpunta roon pero inuunahan siya ng katamaran. And now, the opportunity was knocking. Ang problema, si Darryl ang kasama niya.
Napatingin tuloy siya sa damit niya. Oversized shirt and pants ang suot niya. Medyo luma pa. He normally would not give a damn about what he looks, but being around Darryl made him ashame of himself. Gusto niyang tumakbo pabalik ng condo para magpalit ng damit.
O kaya naman ay wag nang lumabas. Magpapa-text na lang siya kay Lianna at sasabihing na-LBM kaya hindi na sasama.
Oo nga! Gano’n na lang!
Hinarap niya si Darryl. “Gusto ko sanang mag-National Museum pero na-a-awkward-an ako sa suot ko. Okay lang bang magpalit muna?”
“Sure. Samahan na kita--”
“Nako, wag na! Antayin mo na lang ako sa…” He looked around and saw a doughnut shop. Tinuro niya iyon. “Mabilis lang ito.”
Parang nag-alangan si Darryl sa sinabi niya. “Sure ka?”
Mabilis siyang tumango. “Promise. Saka nando’n si Tita. Baka magalit. Alam mo naman iyon.” Napangiwi pa siya nang maalala ang ginawa nito.
“Ah, oo nga pala. Tungkol sa last week… ano…” Napakamot ng batok ang lalaki. “Sorry, Rowan. Kung alam ko lang na bawal, hindi na sana ako pumasok. Kaya pala parang nag-aalangan ka. I should have taken the hint. Napagalitan ka pa tuloy.”
Hearing that made him froze. Hindi ba hinihintay na niyang humingi ito ng sorry noon? Ngayon, nangyari! And not just that, nahahalata pala nito ang pag-aalangan niya.
Did Darryl just confirm he could understand his body language?
Napalunok siya. First time yatang nangyari iyon. Bigla na naman tuloy tumibok nang mabilis ang puso niya. He was happy. Finally, there was someone who could understand him!
Pero umiling siya. No. Hindi pa rin pwede. Not Darryl. Wag si Darryl. He’s out of your league, Rowan! He’s out of your league!
Dahil dyan, lalo siyang nagkaroon ng drive na ipagpatuloy ang pinaplano.
“It’s fine. Don’t worry. Anyway, wait mo na lang ako, ha?”
Tumango ito. “Sige.” Tapos, iaabot sana nito ang libro sa kanya but he suddenly changed his mind. “I’ll be taking this para sure na babalik ka.” Ngumisi ito.
Aba’t nam-blackmail pa! Well, it was not like gustong-gusto niyang basahin iyon. Na-curious lang talaga siya sa kwento. He could just download a pdf version online. Tanda pa naman niya ang title at ang author.
“Sige, ikaw bahala. Anyway, wait mo na lang ako, ha?”
Kumaway na lang si Darryl. Then, that was the cue for him to run.
Once he was on the safe distance, he slowed down and ran after his breath. Hindi pa rin talaga siya sanay tumakbo. Iyan nga, pinapawisan na siya. Narinig pa niya ang pag-feedback ng hearing aid niya. Ibig sabihin, nabasa iyon.
Gumilid siya para punasan iyon pati ang likod ng tenga niya.
“And we’re do you think you’re going, Kuya?”
Kamuntikan na siyang mapasigaw sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ni Lianna. Nakapamaywang pa nga ito at nakataas ang kilay. Sa kanang kamay nito ay may paper bag from a Korean apparel shop.
“Di ba, magkasama kayo ni Kuya Darryl?” mataray nitong tanong.
“Ah… eh…” Napakamot siya ng ulo. “Sabi ko, babalik lang ako para magpalit ng damit. Pupunta kasi kami ng National Museum. Pero babalikan ko naman siya, don’t worry.”
“Asus!” Inirapan siya nito. “Wala kang maloloko, Kuya. Bumalik ka do’n, kung saan mo siya iniwan.”
“Ano ba, Lianna? Gusto mo bang gumala kami tapos mukha akong tanga? Tingnan mo nga damit ko.” Tinuro niya ang suot.
“Hay nako. Yan ang sinasabi ko e. Kaya nga sabi ko, mamili ka ng matinong damit.” Napailing-iling ito. Tapos, hinagis nito ang paperbag sa kanya. Tumama iyon sa dibidb niya. “O, iyan. Binili ko iyan kanina. Alam ko nang mangyayari ito.”
Tumaas ang kilay niya saka binuklat ang paperbag. May kulay pulang stripe shirt at denim pants.
“Hoy, magkano ito?” nandidilat niyang bulalas.
“Don’t worry about it. Nag-credit card ako para bayaran iyan.”
“Gaga! Magagalit si Mama!”
“Sus. Damit mo naman iyan, kaya keri lang. Remember lagi yun nagagalit kasi puro luma raw sinusuot mo. Mukha ka raw manong.”
“Kahit na aba! Malalagot tayo--”
“Yada yada yada! Wala akong naririnig.” Tinakpan pa nito ang tenga. “Anyway, tara na at magpalit ng damit.” Hinila siya nito papasok sa malapit na apparel store.
“Gaga, bakit dito? At sino namang nagsabing isusuot ko ito?”
Pero hindi siya pinansin ng kapatid. Nanguha lang ito ng random shirt na naka-hanger saka siya dinala sa fitting room.
“Isuot mo iyang pants tapos itong shirt.” Tinuro nito ang hawak na naka-hanger. “Check natin kung bagay.”
Nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa pulang shirt na may logo ng Pepsi.
“Ayaw--” Natahimik siya nang hawakan ni Lianna nang mahigpit ang kamay niya kasabay ng pandidilat. “Oo na. Ito na nga. Susuot ko na.”
Padabog siyang pumasok sa fitting room. Paglabas niya, gusot na gusot ang mukha niya. “Oh, ito na, oh?”
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “Ba yan, di bagay! Teka, hahanap pa ako.”
Asus, daming inarte. Napaikot na lamang siya habang naghihintay sa fitting room.
Di nagtagal, bumalik ang kapatid na may bitbit na suspender na itim at pulang crochet browler cap.
“Uy, Kuya, try this with that shirt.” Nginusuan ni Lianna ang nasa paper bag. “Parang bagay, ah?”
Umikot na lamang siya saka pumasok ulit sa loob. But at least, it would end quicker.
Dami pa kasing arte ni Lianna, e. Di na lang ako tinulungang makatakas kay Darryl. Napailing-iling siya. Sabagay, ano bang inaasahan ko e pinagma-match make niya kami.
Hindi nagtagal, natapos na siyang manamit.
“Wow,” wala sa loob na usal niya. He had to admit that this looked great on him. Although, nagmukha nga lang siyang mas maliit dahil siguro sa maluwag ang shirt, pero bagay pa rin.
For the first time in his life, pakiramdam niya’y ang gwapo niya.
Kaya nang lumabas siya, hindi niya maitago ang ngiti.
“Oh, di ba? Ang ganda!” Pumalakpak pa si Lianna bago lumapit para ayusin ang hat niya. Pati buhok niya ay inayos nito. “You should trust your sister’s fashion skill. Kikay yata ito.”
“Ewan ko sa iyo.” Hinubad niya ang sumbrero. “Balik mo na ito. At tara na.”
“Ay, excited balikan si Kuya Darryl?” Ngumisi ito.
Noon lang napagtanto ni Rowan ang sinabi. Napamulagat tuloy siya. “T-That’s not what I mean!” Stupid tongue. Nanginginig pa siya.
“Yeah, whatever.” Kinuha nito ang hat. “Ligpitin mo na yung damit mo. Bayaran ko lang itong hat.”
“Hoy, ang mahal niyan! Magagalit na si Mama sa iyo.”
“Okay lang. Damit mo naman, e.” Kinindatan siya nito saka dumiretso sa counter.
“Ewan ko sa iyo.” Nagdesisyon siyang iligpit ng ang gamit. But before he went out, he looked at his reflection.
Ang gwapo ko pala, ano?
Ngingiti-ngiti siya nang lumabas.
-
Rowan completely forgot about his intention earlier. Or maybe he chose to abandon it. Yeah, that’s the right description. Paano ba naman kasi nang makita niya ang namanghang mukha ni Darryl nang lumapit siya suot ang bagong damit, bigla pumasok sa isip niya na nagwapuhan ito sa kanya.
“Sorry kung natagalan,” paumanhin niya.
Pagkatapos niyang magpalit, hinila siya ni Lianna sa isang cosmetic shop para ayusan. Wala itong kahiya-hiya na nakigamit ng tester! The ending looked great, though, kaya hindi rin siya nagreklamo.
“It’s fine, Rowan. It’s fine.” Parang half-conscious si Darryl sa pagsasalita. Hindi pa rin nito maalis ang titig sa mukha niya.
Normally, he would feel uncomfortable. But not now. Lianna did a good job on boosting his confidence.
“Let’s go?” tanong niya.
Napakurap-kurap ang lalaki. “Ha? Sa’n?”
“E di sa National Museum!”
“Ay, oo nga pala.” Tumawa ito saka tumayo.
“Lutang ka, Darryl?” natatawang aniya.
“Yeah, I guess.” Napailing-iling pa ito. “Anyway, do’n tayo sa parking. Nando’n kotse ko.”
Tahimik silang naglakad.
Tulad ng inaasahan ni Rowan, maya’t-maya pa ring may nagpapakuha ng litrato kay Darryl. But unlike earlier, maging siya ay nakakatawag ng attention. Yung isa ngang nagpa-picture, isinama talaga siya! Naiilang man, pinagbigyan naman niya ito.
And finally, nasa loob na sila ng kotse nito.
“Nagbabago pala ang personality mo depende sa ayos mo, ano?” kumento na lamang ni Darryl habang binubuhay nito ang makina.
Nagtataka siyang napatingin dito. “Ha?”
Pero ngumiti lang ang lalaki saka nagsimula nang mag-back.
Hindi nagtagal, nakalabas na sila sa parking. Sa Padre Faura sila dumaan bago lumabas ng Taft. Then few minutes later, natanaw na ni Rowan ang National Museum. Bukod sa malapit, wala rin kasing traffic congestion, palibhasa’y linggo.
Kaso ang problema naman, pagdating nila, ang haba ng pila. Nawalan tuloy siya ng ganang tumuloy.
“Normally ba ganito ang pila dito?” tanong niya kay Darryl.
Nagkibit-balikat ito. “Di rin ako nagagawi rito e. High school pa yata ako noong huli.”
Napakamot na lang siya ng ulo. “Next time na lang siguro.” Ayaw kasi niya sa crowded na lugar. It was just making him uncomfortable. Sa book bazaar lang yata talaga siya nagtitiyaga.
“Are you sure? Sayang naman punta natin. Tsaka yang OOTD mo.” Nginusuan nito ang suot niya.
Oo nga, e, gusto sana niyang sabihin pero nagdalawang-isip siya at baka mayabangan na masyado si Darryl sa kanya. Enough na yung kanina. Instead, he asked for a different place to go.
Saglit itong nag-isip. “If you want, gusto mong pumunta sa bahay ko?”
Napitlag siya. “Ha? Bakit? Nakakahiya!”
“Don’t worry. Mag-isa lang naman ako doon ngayon. Nasa Batangas sila Mama ngayon.”
That was worse! Napalunok siya. Being alone with Darryl in his own house? Biglang naging wild ang imahinasyon niya. So wild, even him did not want to think about it.
He put his hand on his tummy. Kahit maliit ang frame niya, may bilbil siya sa lower part ng tiyan. Naka-sag nga iyon. Ayaw niyang ipakita iyon sa kahit kanino. Siya nga mismo, hindi matiyagaan tingnan ang sariling hubad na katawan. What more ang iba?
“Gusto kong ipakita sa iyo yung collection ko ng anime merch.”
Napatingin siya kay Darryl. “Anime merch?”
Tumango ito. “Marami ako. May isa akong room na para lang talaga sa mga collection ko.”
Napamaang siya.
“It looks like a museum, actually. Doon na lang tayo pumunta tutal di na tayo makakapasok.”
Napalunok siya. Lalo siyang naghinala na tama nga ang rumehistro sa isip niya. He’s following some avid toy collectors in i********:. Ganoon ang usual niyang nakikita. May ilan pa ngang parang istante ng mga jewelry shop ang itsura.
“So, Rowan? Do you want to see--”
“Yes! Bring me there!”
Natigilan siya at natulala. Ganoon din si Darryl. At nagkatitigan sila.
Few seconds passed, tumawa ang lalaki. “Lianna is right. Mahilig ka nga sa anime merch. Just like me.” Kinindatan siya nito..
Lianna na naman? Daldal talaga no’n. But the fact that Darryl shared the same interest as him mmade him blush. Pasimple pa nga siyang umubo para itago iyon.
“Anyway, I really want--”
Biglang humangin ng malakas, at naging dahilan iyon para tangayin ang sumbrero niya.
“Oh!” Darryl uttered before quickly moving forward to grab the hat. He succeeded, but he failed to control his force.
Nabangga siya ni Darryl. It was hard. Enough for him to lose balance.
Mabuti na lang, naging maagap si Darryl sa pag-alalay sa kanya. The next thing he knew, his face bumped Darryl’s chest. Then, he felt his left arm around him.
Napalunok siya. This cannot be happening! sigaw ng isip niya nang magsimulang bumilis ang t***k ng puso niya.
But before he could anything, he felt something. On his forehead. May gumalaw. When he checked was it was, nasa bandang leeg ni Darryl ang noo niya, partikular sa parte kung nasaan ang swallowing muscles nito.
And not just that. He heard something beating. Puso ba niya iyon? No, it was coming from…
In front of him.
Nanggagaling sa dibdib mismo ni Darryl!
What the hell?! sigaw na naman ng isip niya. Pasimple niyang ipinatong ang kamay sa dibdib nito. Tama nga siya. Puso nito ang tumitibok nang mabilis. Pero bakit?!
Naramdaman na lamang niyang humigpit ang yakap nito. Actually, dalawang kamay na nga ang gamit nito.
“Sorry, Rowan, but can we stay like this for a while?” bulong nito.
Napalunok siya muli nang ilubong ni Darryl ang mukha nito sa bunbunan niya. Tapos, narinig din niyang inamoy nito ang buhok niya.
Alam niyang alanganin ang pwesto nila. Nasa open area rin sila. Many people might get the wrong idea. Di na rin nakakagulat kung may nagpi-picture na sa kanila.
But Rowan did not care. Or maybe forgot to care. Dahil nang sandaling iyon, mainit nitong yapos ang tumatak sa isip niya. It was so comfortable that everything around him vanished from his sense.
All that was left was Darryl. All that was left was this guy who exists only in his dream.