Chapter 8.1

1718 Words
The hug lasted for a minute. Si Darryl na mismo ang kusang humiwalay. Humingi ito ng paumanhin sa ginawa at nangatwiran na ang init daw kasi niya at ang sarap yapusin. He was blushing when he said that. Di rin makatingin sa kanya. Rowan, though, did not say anything. Hindi pa rin siya naniniwalang niyakap siya nito. Baka panaginip lang ito. Kaya kinurot niya ang sarili. It hurt. What the heck? What’s going on? Ilang ulit pa siyang kumurap-kurap habang nakatingin kay Darryl. Maybe his eyes were toying with him. Baka hindi talaga si Darryl ito kundi ibang lalaki. Pero walang nagbago. In front of him was a tall and dashingly handsome guy. Ano ba ito? Nasa fairy tale ba ako? O baka naman naaksidente ako pero hindi ko alam at lahat ng nangyayari ay panaginip ko lang habang comatose? “Anyway…”--Naputol ang pag-iisip ni Rowan dahil sa sinabi ni Darryl.--”Tara na?” Pinindot nito ang remote ng kotse. After the beep, it unlocked. Pinagbuksan pa siya ng lalaki at nakangiting sumenyas na pumasok. Tahimik lang siyang sumunod. Hindi pa nga siya makatingin dito. While driving, walang nagsasalita sa kanilla. Rowan could not muster up his courage to speak. Kaya nagkasya na lamang siya sa pasimpleng pagsulyap dito. Darryl seemed to be in a good mood. He was even humming an unfamiliar melody. Tapos, nang ibaling nito ang tingin sa kanya at nahuli siyang nakatingin, bigla nitong kinurot nang mahina ang pisngi niya saka tumawa. But he did not say anything after that. Nag-focus lang ito sa pagda-drive. What was that? Gusto niyang iuntog ang ulo niya sa dashboard. Yung gesture ni Darryl… it was really suggesting something. Suggesting na interesado ito sa kanya. Na may gusto ito sa kanya. And he had no freaking idea why. Ano namang magugustuhan niya sa akin? Ang pangit ko masyado kapag tinabi sa kanya? Napalunok siya. Kanina, nagagwapuhan na siya sa sarili. But because of what happened, his insecurities resurfaced. Sabagay, kaya lang naman siya gumwapo ay dahil inayusan siya. But the moment it was removed, babalik siya sa pangit niyang itsura. That’s right. There is no way Darryl will like me. Baka na-misinterpret ko lang ang kilos niya. Maybe that was his way of expressing his friendship. Tama, iyon na lang ang iisipin ko. He sighed and slouched. How he wished the situation was different. Sana pwede siyang makipagsabayan kay Darryl. Maybe, he would not be feeling frustrated like how he felt right now. - “Welcome sa aking bahay,” sabi ni Darryl nang buksan nito ang pinto ng penthouse na tinutuluyan nito. It was Rowan’s first time to enter a penthouse. To his surprise, makipot na kitchen hall din ang bumungad sa kanya. But few steps later, saka lang niya nakita ang spacious na living hall. Glass window pane na ang katapat niyon at sobrang aliwalas tingnan.  “Do you like it?” tanong sa kanya ni Darryl matapos ang ilang segundo niyang paglilibot ng tingin. Tumango siya. “Halatang mamahalin,” sabi pa niya habang nakatingin sa floor wood tiles. Halatang well-maintained din dahil nangingintab pa. “Yeah. But my parents owned this. Nakikitira lang ako, so hindi ko ipagmamalaki.” Tumawa ito. “Anyway, tara sa showroom?” “Showroom?” “Yung mini-museum ko na lalagyan ng anime merch.” “Ah.” Grabe naman iyong showroom! When he heard the term, nasa isip niya ay spacious space na kayang magpakita ng walong kotse. Gumawi sila sa kaliwa. May nakasalubong silang may-edad na babaeng nakasuot ng blue uniform. Binati iyon ni Darryl, saka siya pinakilala bilang kaibigan nito. “Papakita ko lang sa kanya mga collection ko,” sabi pa nito saka nagpaalam. Habang palayo sila, ramdam ni Rowan na nakatingin pa rin sa kanila ang babae. Nang ibaling niya nga ang tingin dito, nakita niya ang maaliwalas nitong mukha. It gave him an impression na natutuwa itong magkasama sila. Luh? Ang assuming mo na naman, Rowan. Tinuon na lang niya ang atensyon sa dinaraanan. There were two doors on the leftmost side. Binuksan ni Darryl kaliwa. Instantly, bumukas ang ilaw kahit wala pinindot ang lalaki. May motion detector ba ito? Nandidilat pa ang mga mata niya. The inside was not as spacious as he thought, but still spacious enough, lalo pa kung para lang sa mga laruan. Tingin nga niya’y singlaki na iyon ng condo unit na tinutuluyan niya (roughly 36 sq. meters). Unang nahagip ng tingin ni Rowan ang see-through closet na nakakabit sa pader opposite the door. Mayroong apat na mannequin sa loob niya na may suot na iba’t ibang costume. The middle one is a popular Marvel hero tapos ang tatlo ay mula sa iba’t ibang anime. Then, in the middle room has a flat screen Smart TV. Tapos, sa harap niyon ay dalawang beanbag na itsurang slime. Niyaya siyang maglibot ni Darryl. They went to the right wall, kung saan mayroong wall-mounted glass shelf. Tatlong layer iyon. The lowest has books, mostly manga; the middle and above have action figures. Rowan checked each toys.  “Uy may Iida!” galak niyang sabi nang mapansin ang action figure ng paborito niyang karakter. Aabutin sana niya kasi nasa pinakataas iyon at hindi niya abot. Darryl volunteered to pick it for him. Tatawa-tawa pa ito nang iabot sa kanya. Rowan just looked away, blushing. Then, he examined the figure. Halatang mamahaling dahil metikuloso ang pagkakagawa. “Favorite mo rin ba si Iida?” tanong na lamang ni Darryl. Napataas siya ng tingin. “Ikaw din ba?” Tumango ito. “I like his character. It perfectly makes sense. Para talaga siyang totoo. And he has nice development din.” Napamaang siya. It was really uncommon to see someone share the same opinion about that character. Madalas kasi’y sinasabing boring daw si Iida. Even Lianna says the same thing. Pinabalik na niya ang action figure saka nagpatuloy sa pag-iikot. Karamihan sa mga naroon ay mga lumang anime figure na. Although part of his childhood, Rowan had no interest in those. Mas gaganahan pa siya kung Boku no Hero Academia o Kuroko no Basuke ang naka-display. Then, they scanned the closet. Binida sa kanya ni Darryl na nagko-cosplay pala ito noon. Mga sinuot nito ang naroon. Lahat nga ay mukhang maliit na sa lalaki. But Darryl claimed he kept it because of sentimental value.  “Saka para masuot din ni Mojols balang araw.” Sa left wall ay isang maliit na estante lang na naglalaman ng mga game console. Kumpleto nga ito sa mga popular na game console. Mula sa makalumang SEGA Genesis at SNES hanggang sa mga bagong PS4 at Nintendo Switch. May mga nakita rin siyang mga games. “Gusto mo maglaro?” “Ah… eh… ano bang meron ka?” Hinawi nito pakaliwa ang glass cover ng estante saka yumukod at pumili ng game na iba-iba ang platform. Tapos, pinakita nito iyon sa kanya. Something caught his attention. Kinuha niya iyon. “Uy, naglalaro ka pala ng Fire Emblem?” bulalas niya. Warriors ang titulo ng bala na hawak niya. He has not played the game yet pero nakapanood na siya ng walkthrough. Actually, kapangalan pa nga niya ang isa sa mga bida. “Yes. Favorite mo ba ang Fire Emblem?”  “Yup. Pero GBA games pa lang nalalaro ko. Favorite ko yung Sacred Stones.” Napakamot ng ulo si Darryl. “Sa totoo lang, dalawa pa lang nalalaro ko. Ito, saka yung sa GameCube. Path of Radiance yata ang title.” He nodded in confirmation. “Sabi nila, iyan daw ang may best story dahil hindi lang basta tapusin ang war ang goal mo. Gusto mo ring matigil ang racism.” “Talaga ba? Di ko napansin iyon, ah?” Tumawa ito. “High school pa kasi ako nang malaro ko.” Nagkibit-balikat na lang siya dahil pati siya ay hindi pa iyon nalalaro. Then, he looked at the cover of the game he was holding. His gaze landed on the guy in the middle with yellow hair. Iyon si Rowan, and next to him is his twin sister, Lianna. “Na-amaze pa rin ako na kapangalan namin ng kapatid ko yung dalawang bida rito,” wala sa loob niyang sabi matapos pangalanan ang iba pang karakter sa cover. Natigilan naman si Darryl at tila napa-isip. “Wait, oo nga ano?” Tumawa pa ito saka kinuha ang hawak niya. “At magkapatid din sila dito. Grabe ang coincidence, ah?” “I know.” Tapos, tumulis ang nguso niya. “I’m still sad about Darios, though.” “Darios? Sino nga siya ulit?” “Yung best friend ng kambal. Remember, he died.” “Ah, oo nga pala. Sinapian ng demon lord ba yun or something. Then, Rowan has no choice but to kill him.” Binalik sa kanya ni Darryl ang game case. “Ang sakit siguro non, ano? You have to kill your best friend.” “I know. Especially since they look good together.” “They look… what?” Nandilatan ang mga mata nito. Natawa tuloy si Rowan. “Bagay sila! I ship them!” “You ship Rowan and Darios?” Tumango-tango si Darryl. Now, he looked amused. “Why?  Ang landi kasi nilang dalawa, e. Ang cute-cute nila. And I think, the scriptwriters really want them to be together. Ang daming in-game text na nagsu-suggest, e. Like yung sa part na lumabas na ang final boss.” Then, he stopped dahil ayaw na niyang mang-spoil. Tumango-tango naman si Darryl. “I see. So you ship Rowan with Darios.” Kinuha nito ang bala sa kanya at tiningnan ang cover niyon. “My name is also Darios.” Natigilan siya. “Ha?” kunot-noong aniya. For whatever reason, biglang kumabog nang mabilis ang puso niya. Bakit pakiramdam niya’y babanat ito? Sinalubong ni Darryl ang tingin niya saka ngumiti. Tapos, pinakita nito ang likod ng case kung saan may sticker na nakadikit. And it says, “Personal property of Darios LENEZO” Napamulagat siya. “What?!” Tumawa ang lalaki. “Darryl is just my online name. My whole name is Darios Keith Lenezo. And now, I have question for you, Rowan.” Tapos, inilapit nito ang bibig sa tenga niya. “Do you also ship yourself with me?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD