Chapter 8.2

1495 Words
Rowan could not believe Darryl. Akala niya’y gini-good time lang siya nito. So to prove it, nilabas ng lalaki ang driver’s license. Totoo nga ang sinasabi nito! Grabe naman ang coincidence na iyan, jusko! isip niya habang hinihintay niyang bumalik si Darryl. Nasa sala siya noon. Darryl said na ipaghahanda lang daw siya nito ng makakain. Halos lunch time na rin kasi noon but since he was not in the mood to eat something heavy, finger food na lang daw ihahanda nito. While waiting for him, nagdesisyon si Rowan na mag-Google ng information ng lalaki. You a blog post which contains Darryl’s information. Noon lang niya nalaman na mas bata ito ng dalawang taon sa kanya at nasa huling taon sa kursong Mass Communication. And he came from a wealthy clan Lenezos, who owns the biggest airline in Asia. Mayroon ding mga top-rated na hotels at resorts, and one of those was located in Bataan. Napuntahan na niya iyon once. Kaloka? Sobrang big time pala talaga ni Darryl, jusko! Ngayong nalaman niyang galing ito sa isang magnate clan, lalo siyang nanliit sa sarili. See? E di hindi talaga pwedeng maging kami! Lalamunin lang ako nang buhay ng pamilya niya! Naalala tuloy niya ang sinab nito kanina. “I wonder if you ship yourself with me.” That thought made him blush earlier, pero ngayon napapakunot na siya ng noo. Nagbibiro lang siguro siya dahil nga nagkataon na Darios din siya. “Uy, okay ka lang? Lalim yata ng  iniisip mo.” Naputol ang pag-iisip niya nang maramdaman ang presensya ni Darryl. May bitbit itong tray ng sandwich na ipinatong nito sa center table. Then, he occupied the couch opposites Rowan’s. “Anong iniisip mo?” tanong nito sa kanya habang inaalis ang dalawang nakaplatong sandwich sa tray. “Ah… wala lang. Kasi, ang weird na Darios din ang name mo. I mean, is that even a name--” Naputal ang sasabihin niya dahil napukaw ang atensyon sa maid--the same woman earlier--appeared behind Darryl’s back. May hawak din itong tray na may lamang nuggets saka pitcher ng juice. Nilapag ng babae ang mga pagkain sa center table. “May kailangan ka pa ba, Darios?” sabi pa nito nang matapos. “It’s okay, Manang Estella. Tatawagin na lang kita.” Estella excused herself to them before going away. “Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang Darios ang pangalan mo,” iiling-iling na aniya habang sinusundan ng tingin ang kasambahay. “Hindi nga yata talaga pangalan ang Darios, e. Nagkibit-balikat ito. “I don’t know about that. Di ko alam kung saan kinuha ni Mama.” Kumuha ito ng nugget. “Siguro, nag-isip lang siya ng ibang pangalan na D-A-R ang simula tapos iyon, naisip niya.” “D-A-R? Bakit naman?” “May kakambal kasi ako. Darwin Keith naman ang pangalan.” Tapos, biglang lumungkot ang mga mata nito.  Rowan wondered what happened. Pero ayaw niyang maging pushy kaya sinarili na lang niya. Then, Darryl sighed. “Si Darwin… meron siyang congenital heart condition. Mahinang-mahina ang puso niya kaya madalas ay nakaratay lang siya sa kama.” “Congenital… heart condition?” Tumango ito. “Tapos, dream niyang maging artista. And that’s why ume-extra-extra rin ako sa pag-arte. Ako ang tumupad ng pangarap ng yumaong kong kapatid.” Tapos, ngumiti ito. And yet, Rowan could still feel sadness on it. Ah, oo nga. Nabasa ko rin kanina na commercial model siya, naisip ni Rowan. Darryl sighed. “Nami-miss ko rin si Darwin, to be honest, kahit ba ten years na siyang patay. Siguro dahil kakambal ko kasi.” So, he died at 10?  “Sana nga lang naabutan niya muna ang pagtupad ko ng pangarap niya. I guess he would be happy.” “Eh? Hindi ba parang maiinggit siya?” Biglang natigilan si Darryl. Dahil tuloy doon, natahimik si Rowan. Mali yata ang sinabi ko. Napakamot ng ulo ang binata. “Siguro nga. Ewan ko rin. But I meant no harm. Hindi ko gustong agawain sa kanya ang pangarap niya. I did it for him, because he could not. And besides…” Muli itong ngumiti. “I got a dream one time. When I got my first TV commercial, lumabas siya sa panaginip ko. Nagkausap daw kami. Nagpapasalamat siya dahil tinupad ko ang pangako ko. Ilang araw kasi bago siya namatay, I made a pact na mag-aartista ako in behalf of him.” “Pero di ba ang lumalabas lang sa panaginip mo e yung gusto mo talagang mangyari?” It was too late for Rowan to get that back. Pota naman, self! Napakataklesa mo! But thankfully, Darryl just smiled and shrugged off. “Ewan ko rin. Pero basta para sa akin, ginawa ko ito para kay Darwin. and wherever he is right now, I’m sure na natutuwa siya. I actually want to see him again. Magpapasalamat din ako dahil naging inspirasyon ko siya para marating kung nasaan na ako ngayon.” Tango na lamang ang sinagot ni Rowan. Kumain pa talaga siya ng nugget para mapigilang magsalita. Baka kasi mainis na sa kanya si Darryl. Then, there was silence. Darryl looked around and saw the paperbag from the bookstore earlier. Sa sofa kasi nito nilapag ang pinamili. Nilabas nito ang sketch book at ang mga color pen. “Sayang wala si Mojols. Gusto ko siyang makitang ngumiti kapag nakita niya ito. Mahilig kasi siyang mag-drawing-drawing.” Tumango-tango si Rowan. Tatanungin ko kaya kung nasaan si Mojols? Ah, baka siguro nasa Batangas din. “Mojols likes you, Rowan.” Napatingin siya sa lalaki. “Ha?” “Hindi ko rin ba alam sa kapatid ko kung bakit. Pansin mo rin naman siguro, sobrang clingy na niya sa iyo noong pangalawang beses ninyong magkita.” Pangalawang beses? Kumunot ang noo niya. He just met Mojols last week, did not he? Sa Santa Juana hospital? He voiced that thought out. Nagulat ang lalaki. “Ha? Hindi mo naalala kung kailan mo siya unang nakita?” Umiling siya. “Nagkita na ba kami dati?” “Oo. Sa UST Hospital din. Sa lobby rin. Bigla siyang tumakbo noon nang ibaba ko tapos natisod. Buti na lang, tinayo mo agad.” Naningkit ang mga mata niya. “Kailan iyon? Di ko yata maalala.” “Around June pa yata? Basta bago magpasukan sa UST, tanda ko.” Mabilis siyang nag-isip. Now that he mentioned it, parang may naalala nga siyang insidente na may tinayo siyang bata. Umiyak pa nga iyon, but he immediately cheered him up by making funny faces. Mabilis namang nag-cheer up ang bata. Tapos, niyakap pa siya nito. Kinuwento niya ang naalala kay Darryl. Aba, para itong naka-jackpot nang pumalakpak! “Iyon! Iyon mismo!”  “So si Mojols pala ang bata na iyon?” Tumango ang lalaki. “Yes. At ako ang kasama niya.” Naalala rin niyang may matangkad na lalaking lumapit sa kanya para kuhanin ang bata. Pero hindi niya natandaan. He did not get a good look, kasi nagmadali siyang lumabas. Naki-CR lang kasi siya noon sa sospital tapos nagmadali siyang nagtungo sa building ng SHS para asikasuhin ang paper ng kapatid. “Pero ang tagal na no’n ha? April pa iyon.” Kaya kasi siya ang nag-asikaso ay dahil saktong graduation pa iyon ni Lianna. “Ha? Hindi nga? Parang kailan lang iyon, ah?” “Ewan ko sa iyo, Darryl. Basta, I’m sure April iyon. And now that makes me wonder kung bakit naaalala mo pa ako--” Natigilan siya. s**t, baka kung ano isipin! “I mean, kayo ni Mojols. Especially Mojols! Kasi bata pa iyon.” Nabulol pa siya sa huling sinabi. Mahangin din, gaya ng kinaiirita niyang tono ng boses dala ng braces. “Ah. Pagdating kasi sa taong nagustuhan niya, matalas ang memorya ni Mojols. Actually, hindi na kita tanda talaga. Pero na-realize kong ikaw yun noong nagkita kayo ulit. Di ba, nagtataka ako kung bakit parang tuwang-tuwa siya sa iyo? E noong nagpunta kami ulit sa ospital, hinahanap ka niya ulit. Asan daw si Kuya Rowan. Doon ko lang naalala yun,” mahabang paliwanag nito. Tumango-tango si Rowan. “I see.” So in short, si Mojols lang talaga ang nakatanda sa akin. He somewhat felt disappointed. “And besides, hindi ko rin kasi nakita masyado ang mukha mo noon.” Napatingin siya ulit dito. “Ha?” “Madaling-madali ka e. Siguro kung nagkaharap tayo, baka natandaan ko ang mukha mo. Because believe me or not, natandaan talaga kita, just not your face.” “Ay weh?” he replied meekly. Tapos, napalunok siya. Kalma naman, self! Wag kang umasa na type ka n’yan. “Yes. I actually meant that.” Napakamot ito ng ulo. “Want to know why?” He gulped. “Why?” he stuttered from anticipation. Darryl scratched his head. “Pareho kasi kayo ng vibe ni Mojols,” sa wakas ay pag-anim nito. “And by that, what I meant is may impression akong neurodivergent ka.” Putang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD